Chapter 4

13 1 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit. Pagkatapos ng ginawa niyang iyon ay nagkaroon ng kakaibang reaksyon ang puso ko. Chos. Ansabe naman ng term na puso di'ba? Pero seryoso, hindi ko sigurado 'yung tagalog ng skip a beat, pero iyon talaga ang naramdaman ko. Pagkatapos ay para akong hinihika dahil sa bilis ng tibok ng heart ko. Tsk.

Ano? I know we're friends. Walang duda roon. Pero gusto ko na ba siya? Omg. Gusto agad? Aba'y syempre gusto kase hindi naman kami magiging friends kung hindi namin gusto ang isa't-isa. Nagka-crush na naman ako. Noong high school ay sangkatutak ang naging crush ko. Talagang nags-swoon ako tuwing nasisilayan ko sila. Siraulo na nga daw ako sabi ng friends ko kase talagang nanginginig ako sa kilig. Pero ngayong naiisip ko ang kabaliwan ko ay gusto kong mapailing. Tama ang friends ko. Siraulo nga ako. Noon. Hehe.

Pero back to Travis Javier. Sa maikling panahon na magkakilala kami, alam ko kaagad ang kaibahan ng naramdaman ko noon sa mga crush ko, sa nararamdaman ko ngayon para sa kanya. Kasi hindi naman ako nanginginig pag nakikita ko siya. Kundi naiihi ako. Oo. Naiihi talaga ako kasi hindi ko naman siya basta-basta nakikita lang, nakakasama pa. Nakakakwentuhan, nakakabiruan, nakakaasaran, nakakapikunan, nahahawakan, nababatukan. Minsan nasasabunutan ko pa sa sobrang asar at sobrang gigil ko sa kanya. Tulad ngayon, niyayaya niya akong maging date sa acquaintance party ng department namin which is two days from now. Hindi naman needed na dapat may date ka talaga. Pero aniya'y mas maganda daw pag meron.

"Don't tell me tatanggihan mo 'ko?" Tanong niya pa nang natigilan ako nang sabihin niyang 'Tayo na lang ang magpartner.'

Oh di'ba ang romantic ng pagkasabi niya? (Ehem. Insert sarcasm here) na para bang ang dating saken ay read between the lines 'Wala na 'kong choice right kasi wala na naman ibang magyayaya saken para maging date? Kawawa naman ako kung iba pa ang yayayain niya?'

Iniangat ko ang paningin sa kanya mula sa binabasa kong libro. Tinataas-taas niya pa ang mga kilay habang nakangisi. Nagpapasiklaban na naman ang magkabila niyang biloys. Suddenly, I felt like I need to use the comfort room. Tsk. Napa-english tuloy ako nang wala sa oras. Tumayo ako bigla na siya namang ikinagulat niya.

"Saan ka pupunta? Okay ka lang?"

Feeling ko kase namumutla ako na nauuhaw na hindi maintindihan. Sinenyasan ko lang siya na okay lang ako at saka patakbong lumabas ng classroom at nagmamadaling pumasok sa isang cubicle ng comfort room.

Nagkakaundagaga akong makuha ang panyo ko sa bulsa ng pants ko at itinakip sa bibig ko. Palibhasa alam kong ako lang ang tao dito sa loob kaya walang pakundangan akong tumili. Habang tumitili ay iniipit ko ang legs ko sa pagpipigil ng tawag ng kalikasan. Bwahaha! Tinapos ko ang pagtili saka ko napagdesisyonang magwiwi. Hehe. While doing the deed, chos, ay hindi ko pa rin mapigilan ang mapangiti ng todo. Hindi ako makamove-on sa pagyayaya niya. I know right. Mukha akong engot. Oo na! Ako na! Ako na! Ako na mag-isa! Chos! Pero kasi naman, di ko talaga mapigilan ang kilig. Kumakawala talaga siya sa katawang lupa ko.

Okay confirmed!

Sabi nga nila, 'You don't have to eat an entire cake to know if it tastes good.'

Eh sino ba kasi si "nila"? Chos! Ibig sabihin, may gusto na talaga ako sa kaniya kahit less than a month lang nung magkakilala kami. Pero pansin ko lang ano? Ilang segundo na pala 'kong nakatunganga at tapos na sa dapat kong gawin. Hehe. Naku pag nalaman lang ni Ate ang sitwasyon ko ngayon, katakot-takot na sermon na naman ang aabutin ko.

Inayos ko lang ang sarili at lumabas ng cubicle. Nakangisi pa rin ako habang naghuhugas ng kamay sa sink. Tumingin ako sa aking repleksyon sa salamin at pinaglaruan ang dalawang kilay.

Bitter SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon