Chapter 2

13 1 0
                                    

First day sucks! More on self-introduction, class requirements, attendance at kug anu-ano pang ritwal. Wala pang formal classes and it bores me a lot. Feeling ko nasasayang lang ang ipinang-enroll ko dito. Ang mga kaklase ko naman ay halatang magkakakilala at magkaclose na. Eh ako? Anong mapapala nila sa'kin eh masyado akong tahimik at ilag sa tao? Well, having an Ate with over-protectiveness ay kahit langaw ay talaga namang hindi makakalapit.

I have friends, of course. 'Wag mo naman sabihing wala. May barkada ako 'nung highschool but unfortunately, nagkahiwalay kami ng mga school na pinasukan.


"Okay, class. Dismissed." announce ng last subject professor ko para sa araw na 'to.

Five pa dapat ang dismissal pero four thirty pa lang. Nagliligpit ako ng mga gamit ko nang mahulog ang ballpen ko at gumulong sa ilalim ng upuan sa unahan ng upuan ko. Yumuko ako para abutin iyon nang biglang umisod naman ang upuan kaya nabunggo ang noo ko!


"Aray naman!" sabay sapo ko sa nasaktang noo. Tiningala ko ang tao sa harap pero nakatitig lamang siya sa'kin. Eh si crush pala 'to eh? Oo. Classmates kami nung Mr. Biloy na nameet ko sa ComCen kahapon. Oh di'ba? Okay na sana kaso lang mukhang walang balak magsorry ang isang 'to. Poker faced lang ang ugok. Tinaasan ko siya ng kilay saka ako tumayo at hinarap siya. Himas-himas ko pa rin ang noo ko dahil nagst-sting iyon dahil sa pagkaka-untog. "Ano? Hindi ka man lang hihingi ng sorry?" asar kong tanong.

"Bakit?"

"Aba! Inisod mo kasi 'yang upuan mo kaya nauntog ako!" Nakakaasar 'to. Crush kita eh. Dapat nagpapakitang gilas ka! Piping sigaw ko sa isip.

"What are you even doing there in the first place? Malay ko bang may tao d'yan?" Waw. Spokening dollars! At siya pa mukhang galit ah? Pero mukha rin namang natatawa!

"Hoy! Kaya ka nga hihingi ng sorry kasi hindi hindi mo nga sinasadya."

"Why would I?" kalmante niyang sagot.

Aba't antipatiko din 'tong ugok na'to eh.

Tumalikod na siya at nagtungo sa pintuan. Inirapan ko ang likod niya at inambaan ng suntok sabay sukbit sa balikat ang bagpack ko. Minus 50 points ka sakin ngayon kasi bastos ka. Hindi ka marunong magsorry! Walang epek sakin 'yang biloys mo! Hmf! 

Nahinto ako sa likuran niya dahil hindi ako tuluyang makalabas kasi nakaharang siya sa pinto. Oh? 'Kala ko umalis na 'to? Dinutdot ko ang likod ng balikat niya.

"Tabi-tabi po. Makikiraan po." paki-usap ko sa tonong tamad.

Bigla siyang humarap nang nakangiti. Ayan na naman yang mga biloys na 'yan. Nanghihipnotismo na naman sila. Sinaway ko ang sarili ko at tinaasan lang siya ng kilay giving him my what-now look.

"Pahingi ng sorry." He said slowly.

Ngek! Biglang bait? Hindi ko ipinahalata ang pagkamangha ko bagkus ay mas kinunot ko ang noo ko giving him emphasis kung bakit biglang ganoon siya. He was mayabang a minute then, tas biglang...

"Wait." sabi ko sabay harang sa kanya ng kaliwang palad ko. "P-pahingi? Ng sorry?" Naguguluhan kong tanong.

He nodded. "Sabi mo kasi, humingi ako ng sorry, right? So... may sorry ka ba d'yan? Pahingi naman." He retorted saka ngumisi ng mayabang. At lalo lang akong naasar! Humigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko.

"Woah! I'm just kidding." aniya sabay tawa at harap sakin ng dalawang palad niya. Unti-unti siyang umatras at sumaludo sa'kin nang mga dalawang dipa na ang layo niya. "See you tomorrow Via!" pahabol niya bago tumalikod at tumakbo.

Lokong 'yun ah! Talagang hindi nagsorry ng matino?! Napahawak ako sa noo ko. Sh*t na malagkit! Masakit! Wait? Alam niya ang pangalan ko? But of course Sharmaine! Magkaklase kayo at maghapon kayong nagpakilala ng sarili! Sigaw ng isang parte ng utak ko. Kung ganoon, what's his name?

Gah! Hindi ko knows!


Bitter SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon