Chapter 6

7 1 1
                                    

Chapter 6

The party went well. Bagaman may kaunting kirot akong nararamdaman dahil sa katotohanang sinabi kanina ni Javier. He treats me as his "younger sister". Sisterette. Nakababatang. Kapatid. Na. Babae.Tsk. Sweet na sana iyong "baby girl" eh. Hmp.

Nagmumukhang JS prom ang acquaintance party na 'to. May date-date pa kasing nalalaman. Kaya naman halos buong FA Dep. ay may dalang date.

Good thing hindi boring ang date ko. Naaaliw din ako sa mga intermission numbers. Mahilig kasi talaga ako sa mga nagpeperform sa stage lalo na kung talaga namang kahanga-hanga.

Pero syempre, hindi naman pwedeng hindi ko malingon itong ugok sa tabi ko. Kakatapos lang ng dinner at ang lace sa laylayan ng dress ko ang pinagkakaabalahan niya. Ang kyot-kyot niya talaga kahit parang nakasimangot siya, bahagyang naka-nguso at parang bagot na bagot. Nangingiti akong naglibot ng paningin dahil sa kakyutan niya.

Nang tingnan ko siya ulit ay ganoon pa rin itsura niya. Nakapandekwatrong pambabae gaya ko, nakapatong naman ang kaliwang kamay sa bandang tiyan at ang kanan naman ay ginagamit sa paglalapirot sa lace ng dress ko. Ang mga kamay kong nakapatong sa lamesa ay pinag-krus ko sa harap ng dibdib ko.

"Huy. Pst." Mahinang tawag ko.

Nagtaas lang siya ng dalawang kilay letting me know that he had heard me pero hindi tumitingin sa'kin.

"Baka gusto mo kako'ng hiramin itong dress ko? Mukhang masamang-masama ang loob mo?" Seryoso kong saad sabay kagat ng loob ng pisngi ko para pigilan ang pagngisi.

At muntik na 'kong humagalpak nang mag-angat siya ng tingin at pailalim akong tiningnan ng pagkasama-sama! Ang gwapo niya talaga. Sarap murahin. Tsk tsk.

Marahas niyang binitawan ang kaninang pinaglalaruan at nagcross-arms. Ngumiwi siyang tumingin sa stage kung saan may nags-speech na naman.

"So boring. Ganito ba talaga ang acquaintace sa college? Annoyed niyang sabi. "I thought it's the act of being acquainted with everyone?"

Napangiwi ako.

"Hmm.. Depende naman siguro 'yon sa tao kung gusto nilang magpakilala kung kanino. 'Tsaka ano bang ikinapuputok ng butse mo eh ang dami nang nakakakilala sa'yo? Peymus ka nga eh."

"Oo at ikaw lang ang walang alam." Pasaring pa niya. Inirapan ko nga.

Isa pala siyang kilalang Badminton player sa rehiyon. Umabot siya ng Palarong Pambansa ngunit hindi na pinalad na makipag-compete outside the country. Kaya pala sa tuwing magkasama kami ay pinagtitinginan siya. Kanina ko lang nalaman nang may nakasalubong kaming kakilala niya at kasamahan sa team noong highschool siya. Minsan may mga lalaking makakasalubong at makikipag-high five sa kaniya. At kadalasan ay ang mga girls na tinatawag siya at nagpapa-cute na kumakaway. 'Yung pagtawag pa nila sa pangalan ni Javier eh "Trevis" na may pinahabang e sound. Na hindi rin niya pinapalampas at ginagantihan din ng ngiti at kaway.
'Malandi din 'to eh.' Isip-isip ko.
'Hindi lang talaga siya snob.' Kontra naman ng isang bahagi ng utak ko.
'Whatever.'

Kanina ko pa rin napapansin ang mga babaeng walang hiya-hiyang magnakaw ng mga pictures niya. Pero sorry na lang sila dahil mukhang walang balak mang-entertain ang mahal ko. Mwaha---

Bigla akong nanigas sa kinauupuan ko! Mahal... Ano daw Sharmaine Via? Napailing-iling ako. At may nalalaman na raw akong ganern?!

'Ni hindi mo pa nga maperpekto ang pagprito ng sunny side-up egg. May mahal ka na?! Duh? Think again!' Maarteng susog naman ng konsensya ko.


"And now, let us all witness the candidates for Mr. and Miss Fine Arts for their production number!"

Bitter SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon