Anong gagawin mo kapag trinaydor ka ng mga taong malapit sayo? Would you take revenge? Or let the karma do the thing.
Malapit nang matapos ang painting ko. Ang ginawa kong painting ay mukha ng babaeng umiiyak. 'Yong kaliwa niyang mata ay lumuluha, at 'yong kanan niyang mata ay nag-aápoy sa galit. My theme for this painting are páín and révenge. I was inspired sa pinanood kong movie na Promising Young Woman.
"Ana! Ana!" Natigil ako sa pagpipinta nang marinig kong tinatawag ako ni mama. Mamaya ko nalang tatapusin ang painting ko.
Lumabas ako ng kwarto at bumungad sa'kin si mama na salubong ang kilay. Nasa likod niya ang kapatid kong si Shaina.
"Bakit po ma?" Napatingin ako kay Shaina at inirapan niya ako. Looks like she was disappointed.
"Samahan mo si Shaina sa birthday ng kaibigan niya!"
"Ma ano kasi..." Agad akong nag-isip ng dahilan. "Di ko pa natatapos ang assignment ko sa History."
"Bukas mo na tapusin. Sigena samahan mo na ang kapatid mo para makabalik agad kayo. Magbihis ka na."
Kahit ayaw ko, wala akong nagawa kundi samahan ang kapatid kong si Shaina. Mas matanda sa'kin ng isang taon si Shaina at ewan ko kung bakit palaging mainit ang ulo niya sa'kin. Halata naman na mas paborito siya ni mama at ni kuya Kevin.
Nagsuot ako ng long sleeve with buttons at maong pants. Si Shaina naman nakasuot na maikling palda at tube na kulay red. Kinulot niya rin ang buhok niya.
Hinatid rin kami ng family driver namin na si Manong Ben.
Habang nasa biyahe, abalang abala naman si Shaina sa paglalagay ng make up.
"Nandito na tayo!" Excited na sigaw ni Shaina at nagmamadaling lumabas ng kotse.
Nagpasalamat ako kay Manong Ben sa paghatid, at saka bumaba ng kotse.
"Hurry up Ana! Ang bagal mo! Kainis!" Inayos niya tali ng heels niya saka naunang maglakad.
Susunod na sana ako kay Shaina nang tinawag ako ni Manong Ben.
"Bakit po Manong Ben?"
"Ahm wala po ma'am. Mag-iingat po kayo."
Nginitian ko si Manong Ben bilang tugon at para mawala ang kanyang pag-aaalala "Opo Manong Ben, mag-iingat po ako. Mag-ingat din po kayo pag-uwi."
Umalis na si Manong Ben kaya nagmamadali akong sumunod kay Shaina dahil kanina pa niya ako sinisigawan na bilisan.
Habang naglalakad kami, agaw pansin ang isang bahay na bukod tanging maingay dahil sa malakas na tugtog. Maririnig din mula dito sa labas ang ingay at hiyawan na nanggagaling sa loob ng bahay.
"Anong oras tayo babalik?" tanong ko kay Shaina habang naglalakad kami.
"You're so nega. Kakarating pa lang natin nagtatanong ka na agad kung anong oras tayo uuwi! Can you please don't ruin the mood!" Inirapan niya ako at nauna siyang naglakad papasok. Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Sabi kasi ni mama bantayan ko si Shaina.
Pagpasok namin. Agad na sinalubong si Shaina ng mga kasamahan niya sa cheering squad kaya naiwan ako mag-isa. 'Yong buong bahay nagmukhang Club. Halos lahat ata ng nanditong mga babae at lalaki schoolmate lang din namin sa university na pinapasukan namin ni Shaina.
"Hey you there!" Napaigtad ako nang biglang may umakbay sa'kin mula sa likuran.
Nang lingunin ko kung sino. Nagulat ako nang makita ko siya.
"Vincent?" Di pa rin mawala sa mukha ko ang pagtataka. He's my classmate in History. He's been very vocal his feelings for me kaya umiiwas ako sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/327492046-288-k725865.jpg)
BINABASA MO ANG
She Was Raped
RomanceAna Salazar is a typical college student living her life in a peace but an incident happened that totally change her life. She was raped by his step brother. Isang ginang ang tumulong sa kanya nang walang wala na siyang mapuntahan. Pinakain, binihis...