CHAPTER 3:

409 14 0
                                        

"Oh thank God! You're awake!" Bumungad sa'kin ang isang babaeng nasa mid-forties. Maputi siya at hanggang leeg ang haba ng kanyang buhok. She looks elegant and sophisticated. Halata sa mga mata niya ang saya at pag-aaalala habang nakatingin sa'kin.

"I'm very sorry for what happened last night. Sobrang lakas ng ulan at di ka nakita ng driver ko na patawid ka pala ng kalsada."

Saka ko naalala na tumakbo pala ako ng kalsada habang malakas ang ulan at nabangga ako. And this madame in front of me, siya pala 'yong babaeng huli kong nakita bago ako nawalan ng malay.

Nilibot ko ng tingin ang buong kwarto, then I realized nasa hospital ako at mukhang nasa private room ako. May flatscreen TV at air-conditioned 'yong kwarto.

I'm wearing this hospital patient gown. May arm sling din sa kanan kong kamay. Napapalibutan rin ng bandage ang ulo ko dahil nabagok ang ulo ko sa semento nang tumilapon ako.

I wonder if I was a masámang damo or what it they called. Bakit di ako námátay kahit ang lakas ng pagkakabangga sa'kin. Do I have purpose in this life? Is there's a justifiable reasons why this life fúcks me hard.

Pagkatapos ng mga nangyari sa'kin, I think I don't have purpose para mabuhay pa.

"How's your feeling hija? May masakit ba sa katawan mo? Are you hungry? Tell me what you need? May gusto ka bang kainin?" Kanina pa siya tanong ng tanong sa'kin pero hindi ko magawang makapagsalita, pakiramdam ko bumuka lang ang bibig ko maiiyak na ako.

"Gusto mo ba kontakin ang pamilya mo? I know sobra na silang nag-aalala sayo?"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko nang tanungin niya kung saan ang pamilya ko. Humaguhol na ako ng iyak kasi ang totoo, wala na akong pamilya.

"I'm sorry kung may nasabi akong di maganda. Don't cry please!" Nagpanic siya bigla. Hindi niya alam kung ano gagawin niya para tumigil na ako sa kaiiyak.

Nagulat ako nang lumapit siya sa'kin at niyakap ako. Saka lang ako tumahan sa kaiiyak ng yakapin niya ako. I don't know but I feel safe with her embrace.

Tatlong araw na ako sa hospital. Si ma'am Emelia ang lahat ng nagbabayad sa pang-araw araw na hospital bills at sa mga kailangan kong gamot. Palagi din siyang dumadalaw sa'kin para kumustahin ako. Minsan kasama niya sa pagdalaw si Kuya Garry, yong driver niya. Nakakatuwa kasi sobrang bait nila pareho.

"Good morning Ana! Kumusta pakiramdam mo?" Nakangiti na binati ako ni Kuya Garry nang dumating siya. May dala siyang isang basket ng mga prutas na inilapag niya sa may mesa.

Nanonood ako ng Money Héist sa TV ng dumating siya. Hininaan ko ang volume ng TV.

"Good morning din po kuya Garry!" Sumilip ako sa may pinto kung kasama niya si Ma'am Emelia.

"Ah si Ma'am Emelia? Hindi siya makakapunta ngayong araw. May meeting kasi siya sa mga new investors. Pero sabi niya pupuntahan ka niya pagkatapos ng schedules niya."

Tumango ako.

"Anong pinapanood mo Ana?"

"Money Heist po."

"Maganda ba 'yan?"

"Opo. Sobrang ganda po. Thriller po siyang movie at tyaka..." Pinaliwanag ko sa kanya 'yong tungkol sa movie. Sabi niya panonoorin niya rin daw 'yong movie kasama 'yong wife niyang si Ate Pia.

Ilang minuto lang din nang damating 'yong nurse. Chineck niya 'yong vital signs ko at sinabi niya rin na dadalaw sa'kin mamaya ang doctor para malaman kung kailan pwede na akong lumabas.

Sabi ng nurse magpahangin daw muna ako sa labas para kahit paano makalanghap ako ng sariwang hangin.

Nakawheelchair akong lumabas habang si Kuya Garry naman ang nagtutulak ng wheelchair sa likod.

She Was RapedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon