"No! She's not Ana, Gabriel!" Shaina shouted, convincing Gabriel that I was not his ex girlfriend.
Pumulupot si Shaina sa braso ni Gabriel na para bang natatakot siya na agawin ko sa kanya si Gabriel. How funny na takot siyang maagaw ang taong galing lang din sa agaw.
"Maniwala ka sa'kin, babe. Hindi siya si Ana. That wícked woman hurted me!" Dinuro ako ni Shaina.
"What are you talking about?" naguguluhan na tanong ni Gabriel.
"Babe, siya ang nagsimula ng gulo. She slapped my pretty face. Sinaboy niya rin sa mukha ko 'yong pineapple juice." At nagsimulang umiyak si Shaina para siguraduhing makatotohanan ang gawa gawa niyang kwento.
"Are you sure that she's not Ana?"
"Ana is not monster as her. That girl is totally crazy!" Shaina's sobbing.
"Okay. Calm down babe." Pinunasan ni Gabriel 'yong pisngi ni Shaina na basa ng luha. Hinúbad niya rin ang suot niyang jacket at pinatong Kay Shaina dahil nabasa ang suot nitong uniform.
I rolled my eyes. Too much drama.
"Are you okay miss?" Lumapit sa'kin ang isang babae. Nanlaki ang mga mata ko nang mamukhaan ko siya.
If I'm not mistaken, she is Kathy, siya 'yong tumulong sa'kin dati noong ginahasa ako. Gusto ko siyang yakapin kasi hindi manlang ako nakapagpasalamat sa kanya noon. But I need to control my emotions kundi masisira lahat ng plano ko.
"Wait, Ana?" nagtatakang tanong ni Kathy nang mamukhaan rin ako.
"I'm sorry but I'm not Ana. My name is Amelia, not Ana."
"Oh! Sorry. Magkamukha kasi kayo ng kakikilala ko. Would you mind if I'll help you?" Tinuro ni Kathy 'yong spaghetti sa buhok ko. Tumango naman ako bilang tugon sa tanong niya.
Isa isang tinanggal ni Kathy 'yong spaghetti sa buhok ko. Hinayaan ko nalang din siya sa ginagawa niya.
At dahil sa nangyaring gulo, pinatawag kami sa Guidance office. Panay drama 'yong grupo ni Shaina. Ako daw ang nag-umpisa ng gulo at kung anu-ano pa. May paiyak iyak pa silang nalalaman.
Ayaw kong sayangin ang laway ko kaya hindi ko na pinaliwanag ang side ko. And besides kahit anong ibigay kong rason, walang mangyayari. Our Guidance Counselor is the mother of Shaina's friend.
To make the story short,
I'm the one who received the disciplinary actions. I was subject to discipline for conduct constituting a violation.I was suspended for 2 days. Kailangan ko rin maglinis sa buong campus for 2 hours na tatagal ng isang linggo.
Hindi ako nagreklamo. Maliit lang 'yon na parusa kumpara sa mga pinagdaanan ko sa nakalipas na dalawang taon.
Lumabas kami ng Guidance Office na may ngiting tagumpay ang grupo ni Shiana.
"Serves you right! You got what you deserved!" Inirapan ako ni Shaina.
Natawa lang ako. What a childish. Nagyayabang na naman siya.
"Let's go girls. Puntahan natin si Roxan sa clinic."
Inirapan nila ako bago sila umalis. Hindi na pinatawag si Roxan sa Guidance office, pinapunta agad siya sa Clinic dahil parang namaga daw ata yong mukha dahil sa pagkakahampas ko ng tray. Sa susunod na guluhin ulit nila ako, hindi na tray ang ihahampas ko.
Good thing napakiusapan ko 'yong guidance counselor na hindi na ipatawag ang parents ko. Pumayag naman siya na hindi dalhin ang mama ko pero bilang kapalit, maglilinis ako sa campus ng isang linggo.
![](https://img.wattpad.com/cover/327492046-288-k725865.jpg)
BINABASA MO ANG
She Was Raped
RomanceAna Salazar is a typical college student living her life in a peace but an incident happened that totally change her life. She was raped by his step brother. Isang ginang ang tumulong sa kanya nang walang wala na siyang mapuntahan. Pinakain, binihis...