CHAPTER 2:

477 15 0
                                    

Umiiyak kong kinuha ang damit ko pagkatapos ng pangbababoy sa'kin.

"Oh my god! Ana!" Biglang bumungad sa may pinto si Kathy. Agad niya akong nilapitan at tinulungan na maisuot ang damit ko.

"ShIt! Those idiots did this to you?"

Wala akong maisagot kundi puro iyak nalang. Dinala ako ni Kathy sa condo niya para pakalmahin ako pero umiyak lang ako nang umiyak hanggang kinaumagahan.

6:00 AM, nagpahatid ako kay Kathy sa bahay para sabihin kay mama ang totoo.

"Ma! Please believe me! Ginahasa po ako ni kuya Kevin!"

"How dare you!"

Nanlaki ang mga mata ko nang sampalin ako ni mama.

"Ma? Di po ba kayo naniniwala sa'kin?"

"Ang lakas ng loob mo para pagbintangan si Kevin! Ikaw itong inumaga na ng uwi dahil sa kalandián mo at ngayon pagbibintangan mo pa talaga si Kevin?"

Nakita kong pababa si Shaina ng hagdan galing sa taas. "Ang ingay naman oh! Di niyo ba alam natutulog pa ako? Ma ano bang nangyayari?"

Sa likod ni Shaina nakita ko rin ang walang hiyang si Kevin na blankong nakatingin sa'kin at para bang wala lang nangyari.

Pinunasan ko ang mukha kong basang basa na ng luha at humarap kay mama.

"Ma, maniwala po kayo sa'kin. Kevin raped me!"

"Shut up! Lumayas ka sa pamamahay ko! Ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo dito!" Hinawakan ni mama ang buhok ko at hínila palabas ng pinto.

"Pe-pero ma? Maniwala po kayo sa'kin please!" Lumuhod ako at hinawakan ang paa ni mama.

"Wag mo akong matawag tawag na mama! Hindi kita anak kaya lumayas ka na dito!"

Pinunasan ko ang luha ko habang naglalakad. Hindi pa rin marehistro sa isip ko 'yong sinabi ni mama na hindi niya ako anak.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. 'Yong cellphone ko naiwan ko sa bahay. Wala rin akong kilalang kamag-anak na pwede kong mahingian ng tulong.

Dinala ako ng mga paa ko sa plaza kung saan madalas akong dalhin ni papa nung 7 years old pa ako.

Mas lalo akong naiyak nang maalala ko muli si papa. Namátay si papa sa isang car accídént. May mga nangyaring imbestigasyon. Pero isinara ng korte ang kaso dahil wala daw matagpuan na ibidensya.

Naupo ako sa isang bench. Wala pa rin tigil 'yong mga luha ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Blanko pa rin 'yong utak ko.

Hanggang ngayon, di pa rin marehistro sa utak ko 'yong sinabi ni mama na hindi niya ako anak.

Pero paano?

May mga pictures naman kami ni Shaina na sabay kaming lumaki.

"Ana?"

Lumingon ako nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko.

"Manong Ben?" Humaguhol ako ng iyak nang makita siya. Lumapit siya sa'kin at niyakap ako.

Umaambon kaya sumilong kami sa kotse.

May binigay sa'kin si Manong Ben na isang picture ng isang babae at may karga kargang isang sanggol.

"Siya ang tunay mong mama, Ana, si Ma'am Janice."

Hindi ako nakapagsalita. Tiningnan ko ng mabuti ang picture. Hawig 'yong ilong namin at labi. Pero naguguluhan pa rin ako. Ang kilala kong mama ay si mama Vivian.

"Sobrang saya ni Ma'am Janice at ng papa mo nang maisilang ka. Driver na ako ni Ma'am Janice nung estudyante palang siya. Nang manganak siya, kinuha niya ulit akong driver para ako daw ang driver mo kapag nag-aral ka na. Marami ang plano ng mama at papa mo para sayo. Kaso biglang nagbago ang lahat ng mawala si ma'am Janice nung walong buwan ka pa lang dahil sa sakit niyang Cancer."

She Was RapedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon