CHAPTER 5:

413 17 0
                                    

It's my first day of school in San Lorenzo University. Wala namang pinagbago ang SLU, dito rin naman ako nag-aaral dati noong si Ana Salazar pa ako. Ang kaibahan lang ngayon, ako na si Amelia Madrigal.

BS Civil Engineering ang kinuha ko dati noong ako pa si Ana Salazar. But now I'm taking BSBA major in legal management for my pre-law.

Hindi naging mahirap palitan ang pangalan ko. Ana Salazar was assumed dead because of car Accident. 'Yon ang pinalabas ni Mama Emelia at pinalagay niya sa Media.

While my personal documents as Amelia Madrigal was clever and smoothly done. Good thing maraming kakilala si mama. Connection is a big thing you know.

And this is what I hate about, if you're the new kid of the class, introducing yourself is mandatory.

I'm in front of the class, nasa kilid ko 'yong professor namin sa history na nasa fifties na. Nakatingin halos lahat sa'kin maliban sa isang estudyanteng lalaki na nakaupo sa pinakagitna, natatakpan ang buong mukha niya ng libro at sa tingin ko natutulog siya. What a bastard.

Napalunok ako ng laway nang mapansin kong seryoso silang nakatitig sa'kin. I don't know what are they thinking about me or their impression. Whether they like me or not. But I'm not here to please them.

I cleared my throat.

"I'm Amelia Madrigal."

"Please say something about yourself Miss Madrigal." Ngiting ngiti si Maam sa'kin, titig na titig siya sa mukha ko. I feel awkward. May dumi ba sa mukha ko?

"Uhm, about me? Nothing interesting. I hope we get along. That's all." Wala naman talagang nakaka-interes sa'kin.

"You're so beautiful Miss Madrigal. By the way, you can sit beside Mr. Zaldivar!"

Tinuro niya 'yong bakanteng upuan katabi ng lalaking natutulog. Di ko maiwasan na madismaya. Baka mahawaan ako ng katamaran niya mag-aral. Kailangan ko pang maging attorney.

Natapos ang klase ni Ma'am Benedez na di manlang nagigising ang katabi ko. Seriously? Buong klase lang siyang natulog? Lasing ata.

Lunch break na kaya niligpit ko na ang mga gamit ko.

Paglingon ko wala na 'yong lalaking natutulog. Likuran nalang 'yong nakita ko habang naglalakad siya palabas.

Napailing nalang ako.

Pero parang pamilyar sa'kin ang pangalan niya.

Mr. Zaldivar?

Parang narinig ko na siya dati. Pero parang nabasa ko kung saan. Di ko lang maalala.

Naglalakad ako sa hallway papunta sa canteen nang makita ko ang maiingay na cheering squad. Mukhang kagagaling lang nila magpractice.

They are 7 meters away I think. I saw Shaina laughing with her friends. Nakita ko din 'yon babaeng nag-offer sa'kin ng tubig na nilagyan ng drúgs. I found out after my minimal discharged in hospital 2 years ago. Mama Emelia doubted why I hallúcinate frequently so she sent me in a drug testing center and I was positive in écstasy drugs that cause for my blurred vision and nausea that night I was rápéd.

Ngumiti ako. They seems happy and angel like. Ang gaganda nila parang walang ginawang kasalanan.

Nagpatuloy ako sa paglakad hanggang sa magsalubong kami.

Nakita ko 'yong reaksyon ng mukha ni Shaina nang magkasalubong kami. Napaawang ang bibig niya and her eye's widened in disbelief.

"Ana?" Narinig ko ang pagbanggit niya ng pangalan ko.

"Si Ana ba 'yon? Kapatid mo?"

Hindi pa ako nakakalayo kaya rinig ko 'yong pag-uusap nila.

"I thought your sister Ana was déad."

She Was RapedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon