CHAPTER 4:

355 14 0
                                    

Dalawang taon na ang nakalipas pero 'yong mga pangit na alaala parang kahapon lang. Natatandaan ko pa na halos gabi gabi akong binabangungot sa panggágáhasa sa'kin ni Kuya Kevin. And it's still hurting me how my sister and boyfriend betrayed me. Are they still together? Are they happy? I'm curious.

It's been two years but the trauma still húnting me. Anxíety attack seems friendly to me these past few months.

But I'm getting better compare those days.

Three months din akong nabaliw noon simula nang makalabas ako sa Hospital. Ma'am Emelia don't have any choice but to sent me in Rehabilitation Center for Méntal Health.

Three months akong nabáliw. Naghallucinate. Umiiyak. Binabangungot.

After my three months in Rehabilitation center for mental health. Ma'am Emelia hired a psychiatrist for me. I have 6 sessions for psychotherapy and counseling in a week. Sumasali din ako sa support groups and other brain stimulation therapy.

Hindi naging madali pero lahat 'yon kinaya ko.

I'm fine now, not completely but gradually. Not bad so far.

"Are you ready for your flight back to Philippines?" Nakangiti si mama Emelia pero 'yong mga mata niya halata ang pag-aalala. She adopted me and we are both here now in Manhattan, New York.

Isa sa board of directors si mama Emelia sa Montessor Group of companies at nandito ang buong board of directors for innovation meeting.

"Opo ma. Magsisimula na din po 'yong second quarter sa university. I can't afford to miss a class."

"Mag-ingat ka palagi, okay? And no worries, susunod din ako sa Pinas pagkatapos ng innovation meeting namin dito sa Manhattan.Don't forget to update me okay?"

"Of course ma. I won't forget."

Nag-usap muna kami sandali ni mama bago niya ako hinatid sa airport. Sinabi niya sa'kin na tinawagan niya na sila kuya Garry na uuwi ako at excited na daw sila ni ate Pia na makita ako. Magmovie Marathon daw kami.

Inasikaso na din ni Mama 'yong mga papeles para sa pagpasok ko sa San Lorenzo University. 'Yon rin ang university na pinapasukan ni Kevin at ni Shaina.

I don't mind kung magkita man ang landas namin sa university.

I'm no longer the weak Ana they used to be.

Hapon na nang dumating ako ng Pinas. Sinundo ako ni kuya Garry sa airport. Hinayaan niya lang akong matulog sa buong biyahe dahil sa pagod ko.

I felt dizzy and exhausted, maybe because of the jetlag.

Nang dumating kami ni kuya Garry sa Mansion, masaya akong sinalubong ni ate Pia. Nauna pa niya akong yakapin kaysa kay kuya Garry na asawa niya.

"Ikaw na ba yan?" Siniyasat pa ako ni ate Pia na parang bang isa siyang security guard sa isang mall kaya natawa nalang ako. Kahit ako masasabi kong malaki rin ang pinagbago ko. Baliw kasi ako noong una akong dalhin dito sa Mansion ni Mama Emelia. Di ko rin inalagaan ang sarili ko dati kaya siguro nagawa akong ipagpalit ni Gabriel.

"Nakakatuwa kasi okay ka na." Yinakap ulit ako ni ate Pia at mangiyak ngiyak pa siya.

"Mas lalo kang gumanda, Ana!"

Agad namang nagkunwari si kuya Garry sa pag-ubo, halatang di sang-ayon sa sinabi ni ate Pia.

"Naku sorry nakalimutan ko. Amelia pala, hindi Ana."

"Ayos lang po 'yon ate Pia." Tumawa ako para makumbensi ko si kuya Garry na ayos lang na tinawag akong Ana.

Naghanda si ate Pia ng mga paborito kong adobo at Bicole express kaya masaya kaming kumain tatlo nila kuya Garry.

Pagkatapos naming kumain, pinagpahinga na ako ni Ate Pia. Sila naman nanood pa ni Kuya Garry sa Netflix.

Hindi pa ako naantok kaya tiningnan ko sa cabinet 'yong bago kong uniform sa San Lorenzo University. Long sleeve and high waist pleated skirt, mayron itong checkered pattern at may naka-embroided rin na logo ng San Lorenzo University sa kaliwang bahagi ng dibdib ng uniform at sa kanan naman ay naka-embroided naman ang pangalan ng estudyante.

Binasa ko ang pangalan ko sa uniform.

I do love my old name Ana but my new name Amelia is a new life for me.

I feel sorry for my old self Ana, she suffer a lot.

And I will make sure that Amelia will not suffer the same.

I'm no longer Ana Salazar.

I am Amelia Madrigal.

----------------------------------------------------
----------------------------------------------------

-madszone

She Was RapedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon