Laro ng pagmamahal

20 2 0
                                    

Tagu-taguan maliwanag ang buwan
Ngunit nakatago lamang ang aking nararamdaman
Takot masaktan, ngunit patuloy lumalaban
Nahuli ang tinatagong pagibig na hindi nais pagmasdan


Larong taya-tayaan, ako ay iyong tinaya
Hinahabol iyong pag-ibig sa ilalim ng mga tala
Hinabol, sinusubukang hulihin ng walang kawala
Kahit nadadapa, taas tingin at habol...walang kadala-dala


Larong bato-bato-pik, pambato mo ay gunting
Pinunit punit mo ang papel sa harap ko at ang iniisa kong hiling
Gusto lamang kita pang-habang buhay makapiling
Hindi pala ito 50/50 chance sure lose pala, ako ay nagising 

Sa larong patintero, aking sinubukang lumaro
Nilalagpasan ang mga harang, sa gilid man o centro
Sinusubukan pasukin kahit isa mang milimentro
Kahit walang patutunguhan at walang sigurado


Pati narin baraha, nilaro kahit hindi ko ka-estado
Sinugal lahat ng meron ako kahit hindi sigurado
Bumunot at nag taya, bawat galaw ay seryoso
Ngunit kahit anong gawin, ang pagmamahal ko ay laging talo


Pati narin kara krus, sinama ko na para masaya
Pero hinuhulaan ko kung bagay ka ba saakin o sa kanya
Okay lang naman kung nararapat ka sa mukhang pugita
Gusto ko lang subukan na hulaan, malay mo mag-iba

Ginawa mo akong trumpo, pinaikot ikot mo ako
Nahihilo dahil di na alam kung ano tayo
Kaibigan? Kaibigan? Kahit si bathala ay gulong gulo
Nawawalan na ng balanse ang buhayy ko dahil dito?

Sipa? Parang ikaw na pinaglalaruan
Nilalaro at pinagpapasapasahan
Sinubukan isalba, habulin at lapitan
Ngunit sa pupulutin at lalaruin ka lang ulit ng kalaban


Lahat na ng laro nilaro ko para sayo
Pero bakit sa dami ng laro, nilaro mo yung puso ko?
Ginawa ko na nga lahat ng panuto at mga paraan para manalo
Pero sa iba ka parin nakatitig at ang aking pangarap ay gumuho

Poems of lifetimeWhere stories live. Discover now