At this point, buhay na buhay na ang clan, nasa clan ko na din ang best friend ko at ilang mga ka-batch at classmate nung college. Nasa clan din ang kapatid at tita nya. Hindi pa man namin naaabot ang max number para mapuno ang clan, masasabi ko namang malaki na ang naabot namin. Pero hindi pa din maalis sa utak ko minsan na ibigay ang leadership kay Eisha.
May member kami na nagpauso ng tawagan na bhie, tinatawag nya ng bhie lahat ng member ng T 0 0 T H L E S S so as a joke, naging bhie ang tawagan namin ni Eisha sa isa't – isa.
Medyo nagkalat kami sa clan chat kaya napapagkamalan na may something saming dalawa na minsan hinihiling ko magkatotoo.
Napansin ko ang pagka possessive ni Eisha and minsan kahit na mali, di ko alam kung anong gagawin sa tuwing kinikilig ako.
At this point hindi na kami mapaghiwalay sa game. I am now very addicted to playing Mir4, napupuyat ako sa pag grind sa game na ito pero mostly because I want to spend time with him.
Alam kong mali pero hindi ko mapigilan. I always pray to God na sana wag na lumago yung nararamdaman ko.
I know I'm falling, ngayon lang ako naginvest ng ganito kadaming time para sa isang tao na alam kong hindi mapapasakin and I really don't know why.
He opened a lot of things about himself and I find him so attractive kahit di nya yun nakikita sa sarili niya.
I know it was a losing game pero nagpatuloy pa din ako. I don't know kung mir4 pa din ba nilalaro ko o sariling feelings na.