Dahil lumalaki na ang clan, naisipan ko na gumawa ng group chat sa messenger bilang suggestion ng aking member. Ayaw ni Eisha nung idea na yun dahil masyado syang private sa mga di niya kinoconsider na kaibigan. That was really ironic kumpara sa unang pagkakakilala namin.
Suggestion ni Eisha na discord na lang ang gamitin pero mas prefer ng ibang members ang group chat kaya naman gumawa ako both ng Group chat at Discord para sa clan.
Like I said nung una madaming bastos sa game na ito. Iniiwasan ni Eisha na mabastos ang mga babae naming members kaya tutol sya sa group chat dahil malalaman ang mga facebook account namin.
I was pretending to be a "RAUL" sa game para maiwasan ang mga simp. I used to display my pictures nung mga low level pa lang ako pero dahil nga may mga simp, pinalitan ko na lang ng anime ang picture ko sa game.
Nagalit sakin si Eisha nung ipinilit ko gumawa ng group chat kahit na ipinaalam ko sa kanya, I was never like this, asking for permission. I always thought I have my own free will but when I met him it felt like I always need to ask for his permission, like I'm some kind of his possession which made me felt trapped but I liked it. Hindi ko alam kung masochist ako or something pero I just tend to bend the knee when it comes to him and I kinda hated myself for that kase I don't like bending the knee to anyone just like how I manage my clan.
Super sensitive ko nung mga time na yun, iniyakan ko pa yung times na iniiwan na nya ako sa mga missions, requests, raids, portals, every objectives ng games. I felt worthless. Umalis pa sya ng clan knowing na masasaktan ako kase I treasure him as the biggest part of my clan.
At this point, I remember, I'm a strong independent woman. Matagal syang nawala sa clan, nagkaayos kami and hindi pa din sya bumabalik sa clan. He was the only Elder I had, then I discovered that some of my members are capable enough to be an Elder so I decided to give some of them the rankings that they deserved, some just for being loyal.