He invited me to his party para matapos namin ang missions sa map nayun and I invited Mr. Eisha sa clan ko dahil ang mga members ko lang ay mga pinsan kong bata na hindi naman marunong mag MMORPG kaya napaka inactive players nila and I need active players kung gusto ko palakihin ang clan ko since this is a very competitive game.
Today was the second day of talking to him and I actually find him very interesting kahit medyo mahangin, he was so open kahit na stranger lang ako.
He asked me to be his friend agad agad and I agreed naman kase wala naman masama. Hindi naman sya katulad nung ibang player na bastos. Dito kase pag nalaman na babae ka, madami agad magsisimp sayo.
"So Eisha, ang dami mo na nashare sakin agad, care to share kung sino yang sha sa IGN mo?" I blatantly ask, di na naman ako nagiisip, basta basta na naman ako makatanong.
"Hahahaha that's my bebe."
Oh so may girlfriend na pala sya, medyo nadisappoint ako, di ko alam kung bakit.
"Ang sharp mo naman Rei."
"Halatang halata naman sa IGN mo eh."
"Nahiya naman ako sa IGN mo na totoong pangalan ang ginamit."
And after ng convo namin ay hiningi nya full name ko para ma-add daw nya ako sa Facebook, and I gave it to him nang hindi man lang nagdalawang isip.
"Rei Hayasef"
"Hello Rei Hayasef, I'm Neilo Pacar."
