CHAPTER 8

1 0 0
                                    

I thought everything was fine pero my members keep pestering me kung nasan na daw ba si Eisha and I keep saying na nasa ibang clan na which is totoo naman. I remember I don't really talk sa clan chat pero dahil kay Eisha naging madaldal ako, then nung nawala sya, bumalik ako sa pagiging tahimik.

Just like the usual routine nagmimissions lang ako magisa, then there was a clan which was kind enough para isabay ako sa mission, high levels na sila and nakita nila akong nagsosolo sa mission kaya sinali nila ako sa party. 4 members pa lang ang party nila kaya nakasabit pako since 5-man party ang pede tuwing nagmimissions. Sobrang thankful ko sa clan nila kaya naman hinding hindi ko sila nakakalimutan kahit na nakalimutan nila ako.

Tinandaan ko ang clan nila para kapag nakita ko sila sa kahit anong map, I can talk to them.

Everything was fine kahit wala na si Eisha sa clan, ako na lang magisa nagaalaga sa members. Sinasamahan ko sila sa missions kapag natatapos ko ang objectives ko.

Naging mas close kami ng members ko, until one day, he decided to come back. I accepted his request but I was not excited like I was before, siguro kase I felt betrayed kase di nya tinupad yung di sya aalis sa clan.

May mga narecruit sya na mga members pa and nakipagkilala lang kami sa isa't-isa. Hindi ko naman minamasama ang pagbalik nya pero things got worse nung bumalik sya due to different opinions, I felt like masyado nyang winoworship yung clan na pinanggalingan nya since top clan yun and I didn't like it kase I want to be an independent clan and most of my elders have the same opinion as me. He probably didn't like it but just accepted it since I was the leader.

Many things happened, maraming di pagkakaintindihan, basta hindi na katulad nung una na masaya. I kept crying at night sa tuwing magaaway kami kase napaka sensitive ko pagdating sa kanya. He cares pero he still hurts me purposely.

T 0 0 T H L E S STahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon