We kept fighting, dahil naiinvolved na ang aming real life situations since madami na kami alam sa isa't-isa at this point.
Sobrang naging magkaiba ang opinions namin unlike before na we see eye to eye.
Nagkagalit kami sa hindi ko matandaang rason, hindi ko alam kung ano pinagawayan namin. I try to remember pero sa sobrang dami na naming napagawayan siguro pinilit na lang ng utak ko na kalimutan yung away na yun.
Yung away na nag resulta sa pagq-quit nya,
He said magq-quit na sya and as usual, iniyakan ko na naman yun.
Hindi sya nagopen ng mir4 for a week samantalang ako patuloy lang sa pagaalaga ng members. I have to be strong for the clan.
I just kept myself distracted, hindi na kami masyadong naguusap ni Eisha. Naiinis pako kapag hinahanap sya lagi sakin ng mga members pero di ko na lang pinapansin.
Then one day nagsalita ang pinsan nya na nasa clan din namin.
"Himala may nagbabalik." Sabi ng pinsan nya.
Then this is what he said.
"Bye guys!" sabay alis sa clan at tumalon sa ibang server.
Sobrang na shock ako sa ginawa nya at umiyak na naman ako ng malala.
