TWO

1.3K 26 4
                                    

We are done talking inside, and we're planning to go home. Nakita ko si Dylan na naunang lumabas at paniguradong maninigarilyo pa 'yon bago umalis kaya sinundan ko. Naabutan ko siyang kakasindi lang ng sigarilyo niya.

"Ano'ng pinag-usapan niyo ni Lileth?" I asked him.

"None of your fucking business," he simply answered at binuga sa mukha ko ang usok, saka umupo sa hakbangan bago ang pintuan nitong mansion. "Bakit, galit ka?"

Eh, kung sipain ko kaya siya?

"Stop meddling with us, Dylan."

He stopped popping his cigarette and looked at me.

"I am meddling with everyone, not only you, Dave. As long as there is a relationship that needs to cope, I am always in the middle."

"Is that your way to at least lessen your pain because she left you?"

Unti-unti ay nawala ang ngiti niya at tumayo. Napakuyom ako nang ibuga na naman niya sa mukha ko ang usok. "Oo. Ano, masaya ka na?"

"Hindi na siya babalik sa'yo, kahit ayusin mo pa lahat ng nasirang relasyon sa mundo."

"Eh, 'di hindi."

Saka siya tumalikod.

"Huwag mo kaming pakialam ng asawa ko, Dylan. Stop interfering in our lives."

"Don't tell me what to do, fucker," he answered without looking at me. "And for the record, my dear brother, hindi ako nakikisali sa relasyon niyo... hindi pa... So stop assuming things. Maliban na lang kung mapatunayan ko ang hinala ko."

"Ano'ng hinala?"

"Secret. Mag-overthink ka na. Iyong malalang overthink." Then he left.

"Dustine."

Napalingon ako kay Lileth na kasama si Daze.

"Oh, siya, ate Lilethski, ingats kayo pauwi. And you, kuya dear. Take care of my ate Lilethski, byers everyones."

Daze kissed Lileth and left us.

Minsan nakakairita na rin pakinggan mga sinasabi nito Daze kapag sinumpong. Kung anu-anong mga sariling salita ang sinasabi na nakakainis pakinggan.

Hindi na ako nagsalita at nauna na akong umalis. Lileth followed me hanggang sa makarating sa kotse. Tahimik akong nagmamaneho at ng medyo nakalayo na sa mansion ay saka ako tumigil.

"Dustine, ano'ng problema?"

I gritted my teeth and looked at her.

"Ano'ng pinag-usapan niyo ni Dylan kanina?" I calmly asked, but deep inside, I felt like I was going to explode in anger.

"Dustine, nag-usap lang kami tungkol sa mga bagay-bagay."

"Liar!" I screamed and held her face. "Napakasinungaling mo talaga! Ano'ng pinag-usapan niyo?!"

"Tinanong lang niya ako kung may problema tayo. Kung totoong sinasaktan mo ako."

I removed my hands from her and looked at her badly.

"At ano'ng sinabi mo?"

"Wala, sinabi kong hindi totoo. Pero sinabi niyang babantayan niya tayo at sinabi niyang kokomprontahin ka niya kaya sinabi kong huwag na."

"And why Dylan asked?"

"Nakita niya ang pasa ko sa balikat."

"Kasi tanga ka, bobo ka, o baka sinadya mo'ng ipakita sa kapatid ko para magpapansin sa kanya?"

"Syempre, hindi."

"Syempre, oo, kasi papansin ka."

"Hindi 'yan totoo, Dustine."

Dy Siblings 2: Dustine's WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon