TWENTY-ONE

1K 25 4
                                    

"What are you doing here?" I saw Dylan standing in our sala. Wala rin akong nakitang kahit isang katulong na nasa labas. Mag-isa lang siya habang nakatayo at sinalubong ako ng malapad na ngiti. Kakarating ko lang galing opisina at siya agad ang naabutan ko.

"Wala. Nakikitingin lang sa bahay mong maganda."

"Ano 'yang hawak mo?"

I saw him holding something na tinago sa likod.

"My thing, and none of your fucking business."

"Umalis ka na."

I go to our room at aktong bubuksan ang pintuan pero naka-locked ito.

"Ayaw lumabas ni Lileth. Alam niyang nandito ako, kaya hindi siya nagbukas ng pinto."

Hinarap ko siya at nginitian. Gusto ko siyang inisin dahil sa sinabi niya. Alam naman pala niya, pero hindi pa rin siya umaalis.

"Kawawa ka naman, ni-reject ka na nga ni Erika, ayaw ka pa kausapin ng asawa ko."

Ngumisi ako para bigyan siya ng mapang-asar na ngiti. Pero imbes na mapikon ay ngumisi rin siya pabalik sa akin.

"Oks lang, hindi rin naman masarap leeg ng kabit mo. Maalat at lasang haliparot dahil pumatol sa may asawa. At isa pa, wala rin akong planong totohanin siya. Aba ang swerte niya naman kung siya ang ipapalit ko sa puso ko. Ano siya diamond? Eh, mas mababa pa nga siya sa tanso."

Agad na nawala ang ngiti ko at ako ang napikon sa sinabi niya. "Ano'ng sabi mo?"

"Easy lang, bro, nagsasabi lang ako ng totoo. No butt hurts, please. Asar-talo."

"Get out of my house right now."

"Defending your mistress?"

"Go, because you are not welcome here."

"No need to send me away because I'll leave. See you at Dane's wedding, brother."

Sinundan ko siya ng tingin hanggang makalabas siya. I smirked, thinking why he's here. For sure, kukulitin na naman noon ang asawa ko na sumama sa kanya.

Kung bakit ba kasi ayaw pa sumama ng babaeng 'yon sa kanya? Wala naman siyang napapala sa akin kundi puro sakit. Dylan can give her a nice life for sure, dahil hindi pa rin iyon nakakapag-move on. Magiging payapa ang buhay niya kay Dylan, pero pinipilit niya pa rin ang magtiis dito.

I'll give her freedom. I will give her what she wants. Andyan din si Dylan na hindi siya papabayaan. Pero nagsusumiksik pa rin siya sa akin kahit puro pahirap lang ang alam kong gawin sa kanya.

I knocked, but no one answered. Pinukpok ko ang pintuan pero ayaw pa rin kaya sinipa ko hanggang sa bumukas ito.

"Umalis ka na, Dam—ikaw pala, Dustine."

Nilakihan niya ang bukas kaya pumasok na ako. Kinuha niya sa kamay ko ang bag na dala ko. Umupo ako sofa at lumuhod siya para hubarin ang sapatos at medyas ko saka nilagay ang tsinelas sa paa ko. Kinuha niya rin ang tuxedo saka dinala sa banyo para ilagay sa laundry basket. Pumunta siya sa walk-in closet at nang bumalik may dala ng damit na pambahay.

"Dylan came at hindi mo raw kinausap?"

"Walang dahilan," sagot niya saka nilagay inabot sa akin ang damit at tumalikod.

"Nami-miss ka lang kaya gusto kang makita." Wala akong narinig mula sa kanya. "Did you prepare the dress that we will use for the wedding?"

"Oo, naayos na lahat. Argh!"

Napatingin ako sa kanya nang humawak siya sa tiyan niya. Napakunot ang noo ko nang namilipit siya sa sakit at umupo sa kama. Napabaluktot siya habang diniinan ang tiyan.

Dy Siblings 2: Dustine's WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon