TWENTY-SEVEN

1.2K 39 5
                                    

=DUSTINE DAVE DY=

I don't know how many hours I've been looking at my mobile. Nalilito ang isip ko at hindi ko maintindihan ang nangyayari sa akin. Nakatulala lang ako habang patuloy sa pag-agos ang luha na nakaharap sa maiitim na screen ng cellphone dahil kanina pa nakapatay. Gusto ko umiyak, tumawa, sumigaw, at magwala. Nababaliw ako dahil sa nakita ko, sa narinig ko, at sa ala-alang bumalik sa akin. Sinasabunutan ko ang sariling buhok para pilit na pakalmahin ang sarili.

After all this year, ay mali ako nang pag-aakala sa asawa ko. I blamed her and accused her of the acts that she never did. I blamed her on my stupidity. Hindi niya ako niloko at hindi niya ako ginago dahil ang totoo...pinoprotektahan niya ako. Pinoprotektahan niya ako laban sa sarili ko.

Ako pala ang may kasalanan sa kanya at ako ang dapat humingi ng tawad. Dahil hindi ko na nga siya naprotektahan ay kasama pa ako sa mga bumaboy sa kanya. Pakiramdam ko tuloy ay wala na akong mukhang maihaharap sa kanya pagkatapos ng natuklasan ko dahil ako pala ang pinagmulan ng problema namin at hindi siya. Ang dami kong kasalanan sa kanya at hindi ko alam kung paano pa ako hihingi ng tawad sa kanya.

Sinuntok ko ang ulo ng paulit-ulit habang umiiyak.

Ang gago ko. Ang tanga ko. Ang sama kong tao, ang sama kong asawa. Wala akong kwentang asawa at mas lalong nakakahiya akong ama.

Ama?

Putangina! Pinatay ko ang anak namin. Ang unang anak namin na nilalason ko ng palihim sa sinapupunan niya sa pag-aakalang anak niya ito sa ibang lalaki at pinasalo niya sa akin. At ang pangalawa na hindi ko inamin ay sigurado akong akin rin dahil ang sabi ni Erika ay posibleng mabuntis ang may menstruation. Kaya kung hindi ako niloko ni Lileth noon at anak ko ang pinatay ko ay sigurado rin akong anak ko ang ikalawang namatay dahil sa akin.

What have I done? Anong mukha ang ihaharap ko sa asawa ko? Paano ko aayusin ang katarantaduhan na ginawa ko? Paano ko aayusin ang gulong ginawa ko? Paano ko pauuwin ang asawa ko rito? Paano ko siya kukunin kay Dylan na ngayon ay paniguradong binabakuran na siya. Saan at paano ako magsisimula?

Gusto kong bumawi sa kanya, pero paano? Paano ako hihingi ng tawad kung wala siya rito? Hindi ko alam kung saan siya dinala ni Dylan at panigurado akong hindi rin niya ibabalik sa akin ang asawa ko. Isa pa, paano kung hindi ako mapatawad ni Lileth dahil sa ginawa ko at ayaw na niya sa akin?

Muntik ko na siyang mapatay. Sinong tangang asawa ang babalik sa asawa niyang walang ibang binigay sa kanya kundi pasakit? Walang ibang ginawa kundi saktan siya ng pisikal at emosyonal. Tapos ngayon na nakahanap na siya ng kakampi at sandalan mula sa taong pinahalagahan siya ay uuwi pa ba siya?

Anong gagawin ko ngayon para mabawi ko siya? O ang dapat kong itanong, ay may karapatan pa ba akong bawiin siya?

Mabilis akong kumilos para tawagan si Dylan. Baka sakali na kausapin niya ako. Baka makuha ko siya sa pakiusapan at makumbinsing ibalik na sa akin ang asawa ko. Maiintindihan naman siguro ni Dylan ang nagawa ko. Wala akong maalala at nasaktan ako, kaya hindi niya ako masisisi. Dahil hindi rin sinabi ni Lileth sa akin ang totoo.

Ilang beses na nagri-ring ang kabilang linya, pero hindi sinasagot, pero naghintay pa rin ako. Hindi ako pwedeng mawalan ng pag-asa, kaya nang mamatay ang tawag ay tinawagan ko ulit. Paulit-ulit kong ginawa iyon hanggang sa tanggapin niya ang tawag ko pero hindi nagsalita.

"Dylan." Hindi siya sumasagot, pero alam ko nakikinig lang siya. "Nasaan si..."

But he ended the call.

Napasabunot na lang ako sa sariling buhok. Tinawagan ko siya ulit at tinanggap niya ulit.

"Dylan, naalala ko na lahat ng nangyari. Nasaan si Lil—" Again, he cut the call.

Dy Siblings 2: Dustine's WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon