FORTY-SEVEN

944 24 6
                                    

Ilang linggo na rin simula nang mawala si Lileth. Araw-araw na akong nasa puntod niya at gabi-gabi rin naglalasing. Ito na ang naging routine ko sa buhay at lahat ay napabayaan ko na. Hindi na ako pumapasok at hindi ko na rin inintindi ang negosyo ko. Pati ang sarili ko ay napabayaan ko na.

My parents and my siblings keep visiting me. They always check on me and ask me how I am. As usual, I keep on saying 'I am OK' though I know I'm not. It's obvious that until now I have not fixed myself, and I am still grieving.

Ngayon ang ika-apatnapu't araw ng kanyang kamatayan. Nandito kanina ang buong pamilya para sa padasal, pero agad din nag-uwian. Naiwanan akong mag-isa at wala nang kumausap sa akin. Napagod na silang lahat dahil wala rin silang napala.

Sinong magtatyagang kausap ang mukhang baliw na kagaya ko? Sinong iintindi sa akin kung pati ako hindi ko maintindihan ang sarili ko?

Mom visited me at home almost every day. Asking me how I am, pero isang 'OK lang' ang sinasagot ko. I even saw her cry in front of me, pero nawalan ako ng pakiramdam at hindi ko na alam paano umiyak. Dad at first gets mad, but later on ay napagod rin kakasabi. And so do my siblings.

I am tired. Pagod na pagod na akong masaktan, pagod na akong umiyak sa alam kong hindi na ako babalikan. Pagod na akong magluksa. Pagod na akong gumising na nasasaktan. Sa madaling salita ay pagod na akong mabuhay.

After everything that happened, I realized one thing. No one can stand by me like Lileth does. Siya lang talaga ang nagtatyaga sa akin. Siya lang ang kaya akong intindihin hanggang sa huli. Kahit nasasaktan na siya dahil sa akin ay nanatili pa rin siya. Siya lang ang totoong nagmamahal sa akin.

Pagmamahal na sinayang ko, kaya iniwan ako.

Naglakad ako patungo sa sasakyan saka kumuha ng alak. Sinadya ko talagang magdala dahil wala akong balak umuwi ngayong gabi. Kung pwede nga lang na dito na ako magtayo ng bahay ay gagawin ko. Pero mas maganda nga kung nasa ilalim na rin ako ng lupa kasama niya.

"I miss you." I used to say this with her every time I was here. "I love you." At hindi ako napapagod na sabihin iyon nang paulit-ulit kahit walang sumasagot sa akin.

"Please, come back." Hinawakan ko ang lapida niya at sunod-sunod nang pumatak ang luha ko. "I can't stay longer like this. Mamatay ako sa sakit, Lileth. Mamamatay ako kung hindi kita makasama."

Forty days, and for that day, ay pakiramdam ko kasabay akong namatay ni Lileth. Sa loob ng mga araw na 'yan ay hirap na hirap na akong tanggapin na wala siya. Ano pa mangyayari sa akin sa paglipas ng panahon? Ngayon pa nga lang ay nawawalan na ako ng ganang mabuhay ano pa kaya sa mga susunod na araw? Parang mas maganda pa ngang mamatay, kaysa mabuhay na ganito ang nararanasan.

"Kuya?" I looked at Daze na may bitbit na kape saka umupo sa tabi ko. "I know you're here."

"Gabi na, you can go home," I said and drank the bottle of wine.

"I want to stay with you. Kuya, please open up. I'm willing to listen."

"You can't understand me, Daze."

"Because I am a brat?"

"Because you never get hurt like this."

"But at least open up. Bawasan mo ang kinikimkim mo para hindi na ganoon kabigat ang dala-dala mo." I look at her na ngayon ay naluluha na. "Please, kuya. I will listen."

"I missed her."

"Kuya." She came closer to me and held my hand. "Spill it. Go on."

"I fucking miss her. I felt useless and miserable now that she's gone."

Dy Siblings 2: Dustine's WrathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon