Jazz' Point of View
"Rock baby, rock~"
Tss. Tumatawag na naman. Hindi ko sya sinagot. Bahala sya sa buhay nya.
Napatingin ako sa cellphone ko nang bigla itong magvibrate.
Aba, himala. Alam pala nito ang salitang text? Lagi na lang tumawag, sinabi nang uso ang magtipid. Kinuha ko ang cellphone ko at binasa ang text nya.
SAGUTIN MO ANG TAWAG KO.
Napailing na lang ako dahil sa tindi ng capslock niya. Sagutin daw. E di sasagutin. Tinitigan ko ang screen ng phone ko at nagbilang ng ilang segundo.
1, 2, 3, 4-- as I've thought.
"Rock baby, rock~" Tumunog muli ang ringtone na sinet ko sa tuwing siya ang tatawag. Agad kong sinagot ang tawag niya katulad ng gusto niya.
[Mabuti nama--]
"Bye." Sabi ko sabay end ng call.
Oh yan. Sana naman ay makuntento na sya, sinagot ko naman ang tawag nya di ba? Kaso, binabaan ko nga lang. Pero atleast sinagot ko. Masunurin naman ako, tsaka ang sabi nya sagutin ko lang. Hindi naman nya sinabing kausapin ko sya kaya manigas sya.
Pinatay ko ang cellphone ko at humarap sa salamin. Astig ng uniform ng bagong school na papasukan ko ah. Haneps, pang mayaman nga. Lilipat ako ng school dahil nakakasawa na ang pagmumukha ng guidance teacher namin. Lagi na lang akong tambay sa office nya. Siguro favorite ako nun. Lagi nalang akong pinatawag, kesyo daw bakit lagi akong nagc-cutting, kesyo daw bakit lagi akong natutulog sa klase. Ewan ko ba, hindi ko naman kasalanan kung nakakaantok magturo ang mga teachers dun at napapatapat na nakakaantok na song ang naririnig ko sa earphones ko.
Tinitigan ko pa ang sarili ko sa salamin. Malinis at maayos ang suot kong uniform, nakabutones ang blazer, medyo sikip ang tie at naka black shoes ako.. ang pangit tingnan hindi bagay sakin. Pagood girl ang dating.
Binuksan ko ang pagkakabutones ng blazer ko, niluwagan ko din ang tie na suot ko at pinalitan ko ang black shoes ng high cut converse shoes. Much better. Pero may kulang pa. Naglagay ako ng eyeliner at naglagay ng band aid sa may pisngi ko. O ha! Ready to go. Kinuha ko ang earphones ko, backpack... at lollipop. *0*
Hmm, sarap.
Magbibike na lang ako total medyo malayo naman ang Unibersidad ng Pulang Bato. Astig ng pangalan noh? Tinagalog ko lang yan.
May ilang minuto din bago ako makarating sa bago kong school.
Nang makarating ako, pangalan agad ng school ang bumungad sa akin.Redstone University
Anong oras na ba? Parang wala ng pumapasok ah. Wala kayang pasok dito kapag first day of classes? Ano kaya yun? Tinawag pang first day of classes kung wala din naman pa lang pasok. Tsk. Tsk.
O kaya naman... siguro linggo pala ngayon tapos napaadvance ang oras sa relo ko, syempre kapag napaadvance ang oras.. mapapaadvance din ang araw. Ewan., gulo ko talaga. Hayaan nyo na, sadyang malawak lang ang aking imagination.
11:45 am
Ay astigin.. kaya naman pala wala ng tao, ang alam ko 7 nagsisimula ang klase dito.
Hinagis ko na ang stick ng lollipop sa kung saan. Naubos ma eh, mamaya na ulit.
"Psst.. manong!" Tawag ko sa guard na nagbabasa ng kung ano.
Kita kong bumubuka ang kanyang bibig at parang may sinasabi. Halaaa.. hanudaw?
"Ho?" Tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Secret of Miss Enigmatic | under editing
AdventureCompleted. Under editing. * FULL OF GRAMMATICAL AND TYPOGRAPHICAL ERRORS * "I, Jazz Rielle is a certified rule breaker." ¤¤¤¤¤ Ang buhay ko ay hindi basta-basta. Hindi ako yung tipo ng tao na mas gusto ang payapang pamumuhay. Well, itinatry ko naman...