Jazz' Point of View
Dahan-dahan akong bumaba sa kotse na minamaneho kanina ni Kuya Rannie. Katulad nang sabi nya, sa isang bodega nga kami papunta. What's with crimes and abandoned buildings anyway?
May limang kalalakihan ang sumalubong sa amin dito sa labas pero mukhang masmadami pang tao sa pinakaloob ng bodega. I can hear noises coming from inside of the infrastructure yet I can't even see a thing dahil masyadong madilim sa loob.
Agad akong hinawakan ng dalawang lalaki sa magkabilang braso, nagkunwari akong natataranta to covered up our act when we're still at our way. Naging maayos naman ang kinalabasan ng pag-arte namin kanina. Naibigay ko sa kanya ng maayos ang phone ko na nasa bulsa na nya.
Kanina lang ay tinanong ako ni Kuya Rannie kung bakit hindi pa sya humingi kanina ng tulong gamit ang phone ko gayong wala namang camera na nakatutok sa kanya di tulad ko. I simple shakes my head and explain that we need a valid evidence para mahuli ang tatay ni Espasol. Kailangan kong maging pain para makampante si 89 at maiwasan pa nitong gumawa pa ng kung ano. Kahit na alam kong hindi papayag si Tito Pards sa ganoong set-up.
"Sinunod ko ang pinag-uutos nyo, ngayon, nasan na ang pamilya ko?" Kuya Rannie asked in a serious tone. Gusto ko syang sabihan ng 'Good job!' pero nanatili akong tahimik. I even instructed him na kailangan ay hindi sya matakot sa mga ito dahil maililigtas namin ang mag-ina nya.
Ngumisi ang isa sa mga lalaki na may kulay blonde na buhok, mas malaki ang katawan nya kumpara sa iba kaya I assumed na sya ang sinusunod ng ibang kalalakihan.
"Ilabas na 'yan!" He shouted. Mula sa madilim na bodega, lumabas ang apat na tao. Isang babae na may akay-akay na bata at dalawang lalaki na nasa tagiliran ng mag-ina. They're pointing their gun at the two. Naluluha-luha ang babae-- na sigurado ako na asawa ni Kuya Rannie.
Agad na tumakbo ang babae kasama ang bata patungo sa kinatatayuan ni Kuya Rannie. Sinalubong naman sya ng asawa ng isang mahigpit na yakap. Binuhat pa nya ang kanyang supling at hinalikan ito.
Pero nanatiling nakatutok ang baril sa ulo nila. Doon, nagsimula na akong kabahan.
"Tingnan mo nga naman oh. Isang masayang pamilya, pero hindi na ngayon." Humalakhak ang lalaki na may kulay blonde na buhok bago senyasan ang isa pang lalaki na paputukin ang hawak nitong baril na nakatutok sa mag-aama. Nanlalaki ang mata ni Kuya Rannie. Bakas ang takot sa kanyang mukha, pati na rin ang kanyang pamilya.
"Dapa!" Sigaw ko sabay headbang sa isang lalaking may hawak ng isa kong braso, kasabay ng pag-alingawngaw ng putok ng baril. Nabitawan ng isang lalaki ang braso ko kaya agad kong kinuha ang baril sa likod nya at pinaputukan ang isa pang lalaki na may hawak sa akin at ang lalaking nagpaputok kina Kuya Rannie. Sinigurado kong sapat na ang sugat na natanggap nila para hindi sila makakilos ng ayos.
Laking pasasalamat ko nang makita kong ligtas sila. Agad akong tumakbo papunta sa kanilang kinatatayuan at binuksan ang pinto ng kotse.
"Umalis na kayo!" Sigaw ko bago paputukan ang mga lalaking nagtatangkang magpaputok sa amin. Agad namang sumunod sa sinabi ko si Kuya Rannie at mabilis na naisakay ang kanyang pamilya sa loob ng kotse at pinatakbo ito palayo.
BINABASA MO ANG
Secret of Miss Enigmatic | under editing
AdventureCompleted. Under editing. * FULL OF GRAMMATICAL AND TYPOGRAPHICAL ERRORS * "I, Jazz Rielle is a certified rule breaker." ¤¤¤¤¤ Ang buhay ko ay hindi basta-basta. Hindi ako yung tipo ng tao na mas gusto ang payapang pamumuhay. Well, itinatry ko naman...