Jazz' Point of View
Tumingin lang ako sa kanya sabay taas ng kilay. Hindi ako papadala sa kagwapuhan ng isang 'to, kahit kras ko pa sya. Mataray ako period.
Nakasmirk lang sya sa akin.
"You look cute."
"You look like an idiot." Titig na titig ba naman daw sa akin?
May kinuha sya sa bulsa (?) nya.
Ch--chupa chups? Inilahad nya sa akin ang chupa chups habang nakasmirk pa rin. Syempre ako naman si kukunin nga, pero bigla nyang nilayo."In one condition." Tatayo na sana ako pero may sinabi pa sya. "Let me court you." Ito ba ang paraan ng revenge nya? Pwes di ako papatalo lalabanan ko sya kahit ganito ang gusto nyang laro. Hep, hep.. pero hindi pa ito ang tamang panahon.
"In your dreams mister." Tumayo na ako para bumili ng stock ng pagkain.
Isaksak nya sa baga nya yung chupa chups, sus para isa naman. Kuripot.
Naku!! Nga pala. Nakabike nga lang pala ako. Tokneneng, paano ko madadala yung mga bibilhin ko? Tsk. Tsk. Malas naman oh oh.
Chupa chups na lang ang bibilhin ko. Bukas na lang ako bibili ng pagkain, magpapasama na lang ako kina Majoy.
Papunta na ako sa may counter nang makita ko si Gio. Ayos! Siguradong may dalang kotse 'to.
"Gio." Lumingon sya sa akin at tila nagulat nang makita niya ako. Grabe 'to. Ano, siya lang yung may karapatan na mamili ganon?
"Ow, Hi JR." Bati niya sa akin. Sinaluduhan ko siya bilang pagbati.
"May dala kang kotse di ba?" Tumango lang sya at ngumiti sa akin. Alam na nya sigurong aalilain ko na naman sya. "Dating gawi." Ilang beses na din kasi akong nagpapasama sa kanya para mamili.
"I have a car." May humigit sa braso ko kaya napaharap ako sa kanya. My, my.
Sinalubong ko ang titig nya sa akin. Bakit parang lalong naniningkit ang isang 'to? Ano bang problema nito?
"Owkay... JR, mukhang may kasama ka naman. So.. see yah when I see yah." Lintek na Gio 'yan ang bilis tumakas.
Napalingon ulit ako kay biri layt karas. Sama nya makatingin ha in fairness. Dukutin ko 'yang mata nya eh.
"I have a bike." Sa tuwing kausap ko 'to, talagang napapalaban ako sa pageenglish. Naman... wala pa naman akong dalang tissue, baka biglang dumugo ang ilong ko.
"Uuwi na ako. Dyan ka na."
***
"Rock baby, rock~"
Ingay..
Isinaklob ko ang kumot sa mukha ko. Tuwing umaga na lang ba? Everyday routine na nya ang pambubulabog sa akin tuwing umaga ah.
"Rock baby, rock~"
Kinapa ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko at sinagot ang tawag.
"ANO NA NAMANG PROBLEMA MONG BUHAY NA ALARM CLOCK KA HA?!! AGANG-AGA, KUNG AYAW MONG MATULOG, MAGPATULOG KA!"
[We need to talk. About sa dalwang lalaki na kasama mo kahapon, na ang isa ay may nalalaman pang 'let me court you.']
"Paanong--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil agad nya itong pinutol.
[Alam mo namang, madami akong koneksyon. At kahapon.. may nakapagsabing nasa mall ka daw.]
Nilaglag kaya ako ni Majoy? Pero malabo eh. Hindi naman nya alam na nagpunta akong mall kahapon.
"And?" Pagtataray ko. Napakaarte talaga ng batong 'to. Sya lang ang kilala kong batong maarte.
[And, gusto kong makilala ang taong gustong manligaw sa'yo.]
"Sus, hindi naman seryoso 'yun."
[Base, sa sinabi ng taong nakakita sa inyo kahapon.. sinagot-sagot mo daw at alam ko ang ibig sabihin ng mga pagsagot-sagot mo Jazz. Sa mga nagtangkang manligaw sa'yo dati, niisa wala kang kinausap sa mga 'yon. Kapag nalaman kong 'niligawan' mo ang taong gustong manligaw sa'yo.. talagang malilintikan ka sa'kin.] Napatawa ako sa sinabi nya about sa 'niligawan'. Talagang kilalang-kilala nya ako. Dati kasi nagkaroon ako ng crush, (naks, lumalablayp ang lola nyo.) ayun, niligawan ko. Hindi naman yung tipong hatid-sundo, duh (nahahawa na ako kay Shee) babae pa rin ako noh. Yung parang biglang sweet ko dun sa taong 'yun, sabihin na natin na parang 'playgirl-like'.
"Chill bro. Masyado ka namang HB dyan. I'm just having fun. Tsaka, actually ngayon ko na sisimulan ang 'fun' na yun." Natawa ako ng napakinig kong nagmura sya ng malutong. Pati pala ang bato, nagmumura. Sarap talaga nitong inisin. Hindi ko pa kayang simulan ang 'fun' yun ngayon. Baka mapasagot ko sya ng wala sa oras. Haha.
[Fckshit. Kapag talaga nalaman ko kung san ka nakatira, talagang malilintikan ka sa akin--]
"Oo na, haha." Tsaka ko inend ang tawag. Sigurado akong namumula na naman ang taong 'yun sa kainisan.
Nag-ayos na ako at nagpunta sa school ng nakangiti. Nakakatuwa talagang inisin ang taong 'yun.
"Oh, anong nangyari sa'yo para kang may sapi." Sabi ni Liz ng makasabay ko sya papasok sa may gate. Tumingin lang ako sa kanya.
"Naku, alam na alam ko ang mga ngiting 'yan Jazz. Ganyan din yung ngiti mo nung tinakid mo yung teacher na nagsabi sa'yo ng walang kwenta at... yan din ang ngiti mo nung lagyan mo ng mighty band ang upuan nung babae na nang-away sa akin. Tanda ko pa nga nun na hindi sya makatayo dahil nakakapit sa upuan nya yung palda nya." Nakangiti lang ako habang nakatingin sa kanya.
"Bakit, masama bang ngumiti?"
"Hindi naman, pero pag ikaw ang ngumiti ng ganyan.. siguradong may ginawa ka o may binabalak kang hindi maganda."
Nang makarating na kami sa room, gulat na gulat ang dalwa.
"Oh my! Girl, mukha kang may problem sa pag-iisip!" Sabi ni Shee.
"Mukha kang tuliling." Komento ni Majoy.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at natawa na sa reaksyon nila, at sa thought na nainis ko kanina si Bato.
"Nasapian na."
"Oh my! She's crazy na!!"
"Bilis-bilis dalhin natin sa mental!!" Nakatingin na din sa amin or sa akin ang mga kaklase namin. Hinila ako nina Majoy palabas ng room pero napatigil din agad sila dahil napaupo na ako sa kakatawa. Hindi naman yung halakhak na, yung hagikhik.. parang ganun. Pinagtitinginan na ako ng mga nadaan. So what, pake ko sa kanila?
Napatigil ako sa pagtawa ng tumigil sa harap namin ang tatlong muskitero. Nakatingin si very very slight kras sa akin. Ganto ba naman daw ang mukha..
"Pfft-- pwahahaha."
"Tsk. Tsk. Tsk. Nabaliw na nga." Komento ni Majoy.
"H---hey! San mo ko dadalhin?" Grabe panira naman ng trip 'to. Buhatin ba daw ako? Buti na lang pabridal style. Nagsimula syang maglakad ng mabilis. Talagang nakuha na namin ang atensyon ng mga tao.
"Are you sick? Do you have fever?" Pfft-- epic ang mukha ni koya.
Ikinawit ko ang braso ko sa kanya kaya parang yakap ko sya bago ko nilapit ang mukha ko sa may tenga nya.
"Yakapsule lang, magaling na ako." Kinagat ko ang lower lip ko para mapigilan ang pagtawa dahil nakita ko syang namula. Pwahaha., mukhang nagkamali yata ako, baka masimulan ko na agad ang 'fun' na sinasabi ko.
BINABASA MO ANG
Secret of Miss Enigmatic | under editing
MaceraCompleted. Under editing. * FULL OF GRAMMATICAL AND TYPOGRAPHICAL ERRORS * "I, Jazz Rielle is a certified rule breaker." ¤¤¤¤¤ Ang buhay ko ay hindi basta-basta. Hindi ako yung tipo ng tao na mas gusto ang payapang pamumuhay. Well, itinatry ko naman...