Jazz' Point of View
"Ayiiee~ bati na sila ni Rock." Sabi sa akin ni Majoy habang sinusundot-sundot ako sa tagiliran. Nasa may bleachers kami ngayon katapat ng building kung nasaan ang room namin. Wala lang, tambay-tambay din pag may time.
Napangiti ako sa sinabi ni Majoy. Yeah, bating-bati na nga kami ni Rock baby Rock~
"Grrrr!!" Biglang sigaw ni Shee kaya napatingin kami sa kanya, maging si Liz na nagbabasa ng libro.
"Problema ne'to." Bulong ko.
"Grrr!! I'll make away-away him na! He's so makulit!" Sabi nya habang pinipindot ang cellphone nya. Nabaliw na.
"Hahaha!" Tawa naman ng dalawa. Oh geh, alis na ako. NakakaOP naman daw. -.-
"Anong ganap uy." Pagkulbit ko kay Majoy.
"Haha, wala naman. Haha!" Isa pang baliw.
Humarap ako kay Liz na nakangisi lang,
"'Nung meron?"
"Tanong mo kay Shee." Tumayo ako at lumapit kung saan nakaupo si Shee. Di ko naman matanong ng maayos yung dalawa.
"Look Jazz, tama ba namang tadtadin ako ng emoji?" In fairness ha, di sya masyadong conyo kapag naiinis sya.
Kinuha ko ang cellphone nya na iwinawagayway nya sa mukha ko.
~Codie Sungit~
-.-
Where are you?
-.-
-.-
-.-
Karamihan sa sinend ni Codie Sungit (?) ay puro -.- teka,, sino bang Codie?
"Sinong Codie?" Natigilan si Shee sa pagtili nya at tiningnan ako habang nakakunot ang noo.
"You don't know him?" Tumango naman ako sa kanya.
"Aray" bulong ko dahil bigla na lang akong binatukan ni Majoy. Baliw talaga ang babaeng 'to.
Tiningnan ko sya ng masama pero pinanlakihan lang nya ako ng mata.
"Tangi ka talaga. Si Codie yung mukhang playboy na laging kasama ng iyong very very slight kras!" Napairap na lang ako sa sinabi nya. Psh, malay ko ba kung sino ang mga kasama ng taong yun.
"Hindi ko na yun crush uy." Lumapit na din sa amin si Liz makikichika na din yata.
"Di daw." Sabi ni Liz.
"Sinong niloko mo?"
"Wala. Dahil ang aking sinasabi ay purong katotohanan lamang at walang bahid na kalokohan-- aray." Nakakadalawa na 'tong babaeng to ah! Itali ko ang kamay nya eh.
"Ano ba. Kanina ka pa ah!" Sigaw ko sa kanya at as usual pinanlakihan na naman nya ako ng mata. Tsk, tarsier.
"Pero di nga, tunay? Wala ka ng crush sa kanya?" Paglilinaw ni Liz. Makukulit na babae. Tsk. Tsk. Napatingin ako kay Shee na parang baliw na pinanggigilan ang cellphone nya. Isa pang baliw.
"Wala"
"E di... wow."
"GUYS SHE'S COMING!!" Napalingon kaming apat sa sumigaw. Daig pa ang nakalunok ng mic eh. Ang lakas ng boses grabe. -.-
Nagtakbuhan ang mga studyante papunta kung saan. Psh,
"Really? The ultimate bitch is coming?" Tanong ni Majoy. Maka-'bitch' tong bruhang 'to.
BINABASA MO ANG
Secret of Miss Enigmatic | under editing
AdventureCompleted. Under editing. * FULL OF GRAMMATICAL AND TYPOGRAPHICAL ERRORS * "I, Jazz Rielle is a certified rule breaker." ¤¤¤¤¤ Ang buhay ko ay hindi basta-basta. Hindi ako yung tipo ng tao na mas gusto ang payapang pamumuhay. Well, itinatry ko naman...