Chapter 53

1.3K 35 9
                                    

Jazz' Point of View

Tinitigan ko ang repleksyon ko sa salamin bago ako bumaba ng kwarto. Naabutan kong nagkakape si Tito Pards sa may salas at parang ang lalim ng iniisip. Nang makita nyang pababa ako ng hagdan, itinaas nya ang tasang hawak nya.

"Kape?" Pag-aalok nya sa akin. Nginitian ko na lang sya at nagtungo sa kusina nya para magtimpla ng sarili kong kape. Kapag kasi siya ang hinayaan kong magtimpla ng kape ko katulad ng nangyari noong pangalawang araw na nandito ako, siguradong mapait pa sa lahat ng mga bitter ang ibibigay nyang kape sa akin.

"Nakakamiss din palang makita ka na katulad ng dati. Nagulat ako nang makita ko ang ipinagbago mo nang makita kita sa terminal eh." Sabi nya sabay tawa. Tumawa din ako nang maalala ko ang suot nya noong nagkita kami, idagdag pa ang parisukat nyang bigote.

"Para namang hindi din ako nagulat nang makita kita doon. Haneps Tito Pards! Halos di kita nakilala, akala ko galing ka sa isang lumang movie." Biro ko sa kanya na sinakyan naman nya.

"Wala eh, boring nang maging extra sa mga pelikula ni FPJ." Lalo akong napatawa sa banat nya.

Halos magdadalawang linggo na akong nandito sa poder ni  Tito Pards. Nagtataka nga ako kung bakit hindi pa sya umaalis dahil alam ko namang hindi sya nakakatagal sa isang lugar dahil madali syang mabored. Nagkunwari pang nasaktan ang loko, tinatanong kung pinapaalis ko na ba daw sya sa buhay ko at sa bahay nya.

"Nga pala Jaja, may pupuntahan ulit ako ngayon, sasama ka?" Tanong nya sa akin. Every other day, parang routine na nya na imbitahan ako sa kung saan man pero lagi akong tumatanggi dahil alam kong trabaho nya ang inaasikaso nya kaya malimit syang wala.

For the nth time umiling ako sa kanya katulad nang pagtanggi ko sa mga imbitasyon nya sa mga nakalipas na araw. Sumimsim ako sa kape na tinimpla ko at tumingin sa labas ng bintana. Sumandal ako sa counter at hindi sya nilapitan sa may salas.

"Ano ba 'yan! Iisipin mo na naman kung ano ang mga nangyari? Grabe ka naman Jaja, move on na uy. Hitsurang rule breaker ka na nga ulit pero kung ano ka nang dumating ka dito, eh ganoon ka pa rin." Puna nya sa akin. Lumapit sya sa akin nang mailagay nya sa lababo ang tasa na ininuman nya.

"Ang laki na nang pinagbago mo simula noong last kitang nakita. Kung dati gatas lang ang trip mong inumin ngayon naman... hays!" Tumingin ako sa kapeng hawak ko, pero ganoon na lang ang gulat ko nang agawin yun sa akin ni Tito Pards at sya ang umubos 'nun.  Nanlalaki ang mata ko na tumingin sa kanya.

"Tito Pards!"

"Pwe! Lasang gatas! Kape na ang tawag mo dyan? Winisikan mo lang naman yan ng konting coffee powder!" Para syang munting bata na nakatikim ng gulay. Inilapag nya ang tasa ko sa lababo at hinigit nya ako palabas nang bahay nya. Hindi na ko nakaimik dahil dakdak sya nang dakdak.

"Simula nang dumating ka dito, hindi ka na lumabas ng bahay ko. Ano ba 'yan! Ano ba 'yan!" Para talaga syang bata.

Pinasakay nya ako sa passenger seat nang kotse nya bago sya umikot sa driver's seat. Hindi ko alam kung saang lupalop nya ako dadalhin.

Pero tama naman ng sya. Okupadong-okupado ang utak ko nitong mga nakaraang araw. At alam kong hindi makakabuti sa akin ang pag-iisip ng sobra. Oover thinking doesn't help at all. It'll just cause problems that are not bound to happen.

Hindi ako makapaniwala na tumingin kay Tito Pards nang makita ko kung saan nya ako dinala. Of all places? Talagang sa mall?

"Really Tito Pards?"

"Yup. We are going to buy band aids and chucks. Oh! and also milk!"

Ilang oras din kaming nagpaikot-ikot sa Mall. At katulad nga ng sabi nya, bumili ng kami ng boxes of band aids, tatlong chucks at limang kahon ng gatas. Nang mapagod na kami sa pag-ikot, tumigil kami sa paborito naming fast food chain para kumain. We also ordered our favorite food. At hindi pa nakuntento doon si Tito Pards, talagang nagtake-out pa sya ng pagkain para daw hindi kami magutom mamayang gabi.

Our date was interrupted when Tito Pards received a phone call. Halata namang mahalaga yung sinasabi ng kausap nya at parang pinapapunta sya nito kung saan. Tumingin si Tito Pards sa akin apologetically, at parang nahihiya dahil uuwi na kami.

I don't mind though. Hapon na din naman.

"Hala Jaja, may pupuntahan ako, urgent--" hindi ko na sya pinatapos sa pagpapaliwanag dahil naiintindihan ko naman. His job includes guns and bullets too, kaya hindi na nakapagtataka na kahit anong oras ay bukas na bukas sya sa trabaho nya.

"Ano ka ba Tito Pards, okay lang. Kung inaalala mo ang pag-uwi ko sa bahay mo nang mag-isa, yun din ang inaalala ko." Pag-amin ko sa kanya. Mukhang nag-aalala din sya kung paano ako uuwi, dahil hello, hindi ko alam ang mga pasikot-sikot dito.

"Pero pwede mo naman akong ihatid doon sa park na medyo malapit sa bahay mo." And it's settled. Buti naman at hindi na sya nagpumilit na ihatid ako sa bahay nya. On our way home papunta sa park, moderate lang yung pagpapatakbo nya, pero nang makalabas ako ng kotse nya at after I bid him goodbye, parang nilipad yung kotse nya sa sobrang bilis.

Dala ang boxes ng band aids, (dahil iyon lang ang allowed na dalhin ko daw dahil sa gaan nito. Ayaw nyang ipadala sa akin iyong iba naming pinamili dahil baka daw mahirapan ako.) naglakad ako sa gitna ng park.

Medyo madilim na ang paligid kaya bukas na ang mga ilaw, na nagbigay lalo ng kagandahan sa park. May ilang mga bata ang naghahabulan, at meron din namang magjowa na naglalampungan. Walamporeber!

Abala ako sa pagtitig sa kagandahan ng park nang may isang tao na pumukaw ng atensyon ko. She's sitting at a bench, crying.

Nag-alinlangan pa ako kung lalapitan ko ba sya. Bakit sya umiiyak?

Teka--bakit ba sya nandito? Anong ginagawa nya sa lugar na 'to? Jusme.

"Ampangit mo palang umiyak." Pambungad ko sa kanya. Napagdesisiyunan kong lumapit sa kanya dahil curious talaga ako.

Nag-angat sya ng tingin at gulat na gulat na tumingin sa akin.

"What th-- what are ypu doing here? Sinuaundan mo ba ako?" Napairap ako sa tanong nya.

"Yuck. At bakit ko naman susundan ang espasol aber?" Tanong ko sa kanya. Medyo natigilan ako nang makita ko ang pisngi nya na namumula at namamaga-maga.

What is she doing here? Bakit mag-isa lang sya? At bakit ganoon ang pisngi nya?

Weird.

---

Unedited.

Maraming salamat sa pagbabasa! Mwamps! :*

Talagang konting kembot na lang at tapos na ang story ni Jazz. Ahu. I'm planning on making a spin-off or a book 2 after this one. What do you think? Mwehehe.

(I'm not going to put the image featuring my un, 'coz I'm still thinking about changing it. WAAAAHHHHHH)

Secret of Miss Enigmatic | under editingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon