Jazz' Point of View
"Don't you dare touch her!" Sigaw nya mula sa gitna ng Arena. Bumaba siya at naglakad palapit sa kinatatayuan ko. Narinig ko pa ang pagmumura ni be--betch sa may likod ko.
Nahahawi ang mga tao sa bawat paghakbang nya. Lahat ay nagbibigay ng daan para lang makapunta sya sa kinatatayuan ko. Why is he here? I thought...
Nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa tuluyan na syang makalapit sa akin. He glare at the girl who grabbed my arm.
"Get your ass outta here. Idiots aren't welcome here." Lumingon ako sa babae at sa mga kasama nya. Kahit na bakas ang takot sa mukha nya, nagawa pa rin nyang magtaas ng kilay.
"And what if I dont want to?" Mataray nyang tanong. The emcee copies what she have said, sabay tawa ng malakas. Tumawa din ang ilan at ngumisi naman ang karamihan.
"Boo!" Everyone started to chant.
Nagulat lang ang babae at tila naguguluhan sa nangyayari. Itinaas ng lalaking nasa harap ko ang kanyang kamay hudyat para tumahimik ang lahat.
"How can you step here if you don't even know who are off limits in your lil game?" He asked, then said the word that makes the girl shock.
"Evicted." Naghiyawan ang lahat ng tao sa nangyaring eksena.
"No! Stop! Don't touch me!" Sigaw ng babae habang pinipigilan ang ilang kalalakihan na humihila sa kanya at sa kanyang mga kasama palabas ng Arena.
"Serves them right." He stated then chuckles, habang ako nakatingin lang sa mukha nya. I can't believe it. How come he's here?
"Now Missy, still can't believe that I'm standing in front of you?" I simply nod.
"Let's watch the game." Matapos nyang sabihin iyon ay napuno ng hiyawan ang Arena na tila narinig ang mga inusal nyang salita; kasabay ng paghawak nya sa aking kamay at paghila sa akin palapit sa gitna, palayo sa mga nangyari nitong nakaraan.
¤¤¤
"Wooh! Cheers!" Sigaw nilang lima habang pinagtagpo-tagpo ang mga bote ng coke.
Nandito kami ngayon sa loob ng kanilang headquarters. Masyado silang nagkakatuwaan dahil sa muling pagkapanalo ng gang nila at sa pagpapanatili ng kanilang rank bilang Firsts. First Rank of the First Division.
That's why ang daming tao kanina. Yun pala ang nangyayari.
"Oh Jazz, makisali ka naman. Move on uy." Sambit sa akin ni Sakura. I just snorted. Eh pano ba naman. Di naman nila sinabi sa akin na dumating na pala si Jax. Masyado tuloy akong nagulantang kanina nang i-evict nya yung gang ni be--betch."Hindi makamove on si Jazz." Sabi ni Bato. Heto na naman sila, dudugtungan ng walang kamatayan nilang--
"Orayt!" Sabay-sabay na sigaw nung apat na lalaki. Napailing na lang ako. Si Sakura naman ay ngumisi.
Kanina pa kasi silang orayt ng orayt. Kanina habang may nagbabasagan ng ulo sa gitna ng Arena, puro :
'Nasuntok ni toot si toot. Orayt'
'Dumudugo na ang ilong ni toot. Orayt'
'Duling na ata si toot. Orayt'
Yan. Puro ganyan ang sinasabi ng apat. At in fairness ha, sabay-sabay silang mag-orayt.
"Tumigil nga kayo sa kaka-orayt nyo. Basagin ko yang mga bungo nyo eh." Naiirita kong puna. Sa halip na tumigil na, tinawanan lang ako ng mga kumag.
"Bismud na si Jazz." Sabi ni Bruce.
"Orayt!" Sigaw na naman nila. Tumayo ako sa kinauupuan ako at tipong hahakbang na patungo sa pinto nang lumapit sa akin si Jax at hinawakan ang dalawang balikat ko. Dahan-dahan nya akong inupo sa pamamagitan ng pagtulak pababa sa aking dalawang balikat.
"Relax." Nakangiti nyang utos sa akin. Inirapan ko lang sya. Aba, kahit sya ang pangalawang karas ko sa tanang buhay ko di pa rin nya ako mapipigilang mainis sa kanila. Hmp.
"Dumadamoves na si Second."
"Orayt!" Tumawa lang si Jax aka Second sa kalokohan nina Wayne.
"Hush guys. Di pa ito ang right time. I'll still wait for her debut." Sabay tawa ni Jax.
Yan. Isa yan sa mga dahilan kung bakit ako dati nagkakaras sa kanya. Ang hilig kasi nyang bumanat. May pagkamalandi din sya katulad ni Xe-- nevermind.
"So kapag nagdebut na yang si Jazz, you'll officialy court her? Is that it?" Nakangising tanong ni Sakura.
Jusko ano ba naman yan. Masyado pa akong dyosa para sa mga ganyang bagay!
"Of course. Definitely. If she let me to do so." Walang kagatol-gatol na sagot nya. Ang landi talaga ng haneps na 'to. Samantalang ako pa yung bumabanat ng ganyan pag dating sa medyo shy na si X-- nevermind ulit.
"Don't worry dude. Suporta ako sa'yo." Natatawang komento ni Bato.
Gawd! Can they just shut their mouths? Di pa ako ready! Di pa ako nakakamove-on kay-- WALA!
WALA NAMANG POREBER!
After lang ng ilang minuto lumabas na ako at nagpaalam sa kanila. Bahala sila doon. Ayoko munang makisakay sa kanilang mga kalokohan. Aym nat in da mud gawd.
Habang naglalakad ako patungo sa puno kung saan ko isinabit ang folding bike ko, may napansin akong bulto ng lalaki na nakalean sa may puno na parang may hinihintay. Jusmiomarimar, ako ba ang tinatambangan ng haneps na ito?
Nagdadalawang isip ako kung kukunin ko na ba yung folding bike ko o babalik ako sa headquarters nina Bato para kumuha ng baril. Dahil haler, wala akong tangay na kahit na anong armas. Malay ko ba kung may bazooka ang taong 'to at paputukan ako sa ulo. E di lagas ang bungo ko? Wag na uy. Sayang ang dyosang si ako.Kahit na nagdadalawang-isip ako, nagpatuloy na lang ako sa paglalakad patungo sa punong 'yun--at patungo sa lalaking nakasandal doon sa may puno. Suntukan na lang kami kapag nagkataon at sasabihin ko sa kanya na dapat ay patas ang laban.
"Uhm," di ko alam kung paano ko papalayasin ang lalaking kaharap ko na ngayon dahil putspa, sa lahat ba naman ng pwedeng pwestuhan sa tapat pa talaga ng sanga kung saan ko isinabit ang precious bike ko sya pumwesto? Hustisya naman bruh.
Dahil na rin walang ilaw na malapit sa punong ito. Hindi ko tuloy makita ang mukha nya. Sana naman pogi 'to para may hustisya naman ang pagpapasabog nya sa bungo ko. Charr.
"Jazz.." and with that, I froze.
---
Guythhh, sorry kung natagalan (NA NAMAN NA NAMAN NA NAMAN) busy kasi eh. And sa totoo lang, may exam kami bukas siningit ko lang 'to dahil nga feeling ko ang dami na ng atraso ko sa inyo. Hindi ko rin nareplyan yung mga nagcomment at humihingi ng updates last ud ko. So, sorryyyyyy. Gomen!
I hope you still enjoy reading this story kahit na ang daming errors. (Lalo na sa grammar putspa, ang dami kong nakita last time na binasa ko 'to para di ako mawala sa plot.)
Ps. Babasahin daw ni Ma'am English ang mga stories ko dito sa watty, and I'm like : JUSKO MA'AM WAG NYO NA PONG BASAHIN DAHIL KAGAGAHAN KO LANG PO ANG MABABASA NYO. Last time nga, naisip kong iunpublish lahat ng stories ko, dahil umg baka ibagsak nya ako pag nakita nya ang mga grammatical errors ko. Ahuhu. Naisip ko lang na may mga nagbabasa nito kaya di ko na inunpub. Haha
Unedited
BINABASA MO ANG
Secret of Miss Enigmatic | under editing
AdventureCompleted. Under editing. * FULL OF GRAMMATICAL AND TYPOGRAPHICAL ERRORS * "I, Jazz Rielle is a certified rule breaker." ¤¤¤¤¤ Ang buhay ko ay hindi basta-basta. Hindi ako yung tipo ng tao na mas gusto ang payapang pamumuhay. Well, itinatry ko naman...