Adrin POV
Napapansin kong parang iba ang kinikilos ni Cyrus nitong mga nakaraang araw paano ba naman para bang palagi niyang pinagmamasdan si Elice. Tsk kasalanan niya yun siya ehhh ang laking gago kung hindi ba naman niya sinaktan si Elice eh di sana kasa - kasama pa namin siya ngayon . . . Pero wala ehh minsan na lang namin siya nakakausap kasi palagi na niyang kasama yung JV na yun pati na rin yung mga transferee. Kung hindi lang talaga kapatid ang turing ko kay Elice baka matagal ko na siyang niligawan maganda naman kasi siya kahit nung nerd pa siya minsan ko kasi nakita na tinanggal niya yung salamin niya kaya napansin ko kung gaano talaga siya kaganda.
Pero wala ehhh nakakabatang kapatid lang talaga ang tingin ko sa kanya kaya nga hanggang ngayon naiinis pa rin ako kay Cyrus kasi kung hindi dahil sa kanyang kagaguhan hindi sana lalayo sa amin si Elice buti nga at kahit papaano pinapansin niya pa rin kami ni Lydon pero si Cyrus mukang malabo na yata kaw ba naman ang saktan ng taong mahal mo ewan ko lang kung pansinin mo pa rin siya kahit sinaktan ka niya.
Kaya hindi niyo masisisi ang iba na maging bitter kasi nasaktan sila natural lang talaga na maging bitter sila ikaw kaya yung masaktan ewan ko lang kung hindi ka rin maging bitter kagaya nila . . .
Kaya hindi ko siya masisisi na lumayo sa amin . . . Tss dun na lang siya sa gf niya minsan kasi nakakairita din hindi naman sa galit ako sa gf ni Cyrus ang akin lang ehh . . . Wag siyang masyadong maarte tsaka ang demanding niya masyado kaya minsan umaalis na kami ni Lyndon kapag papalapit na siya kasi naman . . . Naiinis ako sa kanya ewan ko lang kung bakit o baka naiinis ako sa kanya dahil siya ang dahilan kung bakit nasaktan si Elice.
Cyrus POV
Buo na ang desisyon ko . . . Kakalimutan ko na ang dating pinagsamahan namin noong magkaibigan pa kaming dalawa ni Elice . . . Baka nga ngayon isang stranger na lang ang tingin niya sa akin.
Mali kasi kung sa kanya ko pa itutuon ang atensyon ko gayon namang may girlfriend na ako . . At hindi ko maipagkakaila na mahal ko siya . . . So para matapos na to at para maiwasan ang gulo hihingi na lang ako ng tawad sa lahat ng mga nagawa. Sakto mag - isa lang siya ngayon pero teka san kaya siya pupunta ngayon mabuti pang sundan ko na lang siya . . .
~~~~~
Tss . . . Ano na naman kayang ginagawa niya dito sa rooftop at talagang mag - isa lang siya paano na lang kung may mangyare sa kanyang masama ayyy . . Nga pala iba nga pala siya inaakala ko.
Hmmm . . . Elice pwede ba kitang makausap - ako
Kinakausap mo na nga ako, ano bang kailangan mo sakin - siya
Ibang - iba na talaga siya ngayon o baka sa akin lang siya ganito . . .
Gusto ko lang sana na humingi sayo ng tawad sa lahat ng nagawang kasalanan ko - ako
Wow . . . Nakakatouch ka naman hindi ko akalain na may kasweetan ka pa lang taglay *insert sarcastic tone* - siya
Maniwala ka nagsisisi ako sa mga nagawa ko sayo noon kaya sana patawad mo ko sa lahat ng nagawa ko sayo noon - ako
Ahhhhh . . .yun lang ba okay lang yun kalimutan mo na yun tutal matagal na rin naman yun :) - siya
At doon ko muli nasilayan ang totoong ngiti niya na dati ehhh sa akin lang niya pinapakita yun.
Salamat talaga . . - ako
Yayakapin ko na sana siya sa sobra kong saya kaya lang lahat ng sayang namumutawi sa aking kalooban ay bigla na lang naglaho ng bigla siya uling nagsalita.
Ooppsss . . . Hindi ibig sabihin na pinatawad kita ay babalik na uli tayo sa dati pwes nagkakamali ka dahil kahit kailan hinding - hindi na muli akong magpapakatanga ng dahil sayo - siya
BINABASA MO ANG
Yes! He's A Bad Guy But He's My Savior
Teen FictionPara sa mga taong nasaktan ngunit natutong magmahal muli . . . eh ikaw kaya mo pa bang magmahal kung ikaw ang nasa sitwasyon niya magmamahal ka bang muli o pipiliin mo na lang mag - isa dahil natatakot kang masaktan muli. Paano kung hindi pa...