Chapter 38: The Awakening

307 14 0
                                    

Eunice POV

Grabe hindi namin akalain na mangyayare yun sa kanya . . . tss bakit ba ayaw nila kaming tigilan wala naman nagawang masama sa kanila ang prinsesa pilit pa rin silang nanggugulo ano ba talaga ang totoo nilang motibo hindi ba nila alam na nakakainis na sila pati si Yerim dinamay pa nila. Hayyysss speaking of Yerim kailan kaya siya magigising tatlo araw na kasi ang lumipas pero hindi pa rin siya nagigising nagtataka na tuloy iba namin prof. bakit hanggang ngayon hindi pa rin siya pumapasok buti na lang talaga at magaling gumawa ng palusot itong si Alexis.

Hindi kasi pwedeng malaman ng council ang totoong nangyare sa kanya dahil pag nagkataon  mas malaking gulo ang mangyayare . . . hayyyysss sana lang talaga magising na siya nakakaawa na kasing tingnan si Alexis halata mong  nag - aalala talaga siya sa kalagayan ni Yerim. Sana naman magising na si Yerim kawawa kasi si Alexis.

Alexis POV

Aisshhhhh . . . talaga bang okay lang siya ehhhh bakit hanggang ngayon hindi pa rin siya nagigising pero may tiwala naman ako sa mahal na prinsesa na okay lang talaga si Yerim, aisshhh naaalala ko talaga ang nangyare ng araw na yon.

Flashback

Pagpasok namin sa kwarto ni Yerim nagulat na lang kaming lahat ng makita namin siya na wala ng buhay . . . halos hindi ko mapigilan na tumulo ang mga luha ko kasi nahuli na kami wala na siya hanggang sa nagsalita na si Elice o sabihin na nating mahal na prinsesa.

May magagawa pa tayo . . . dahil kamamatay pa lang niya pwede mo pa rin siyang buhayin. Siya

Anong ibig mong sabihin na mabubuhay pa siya . . . wala na huli na tayo tumigil na ang pagtibok ng puso niya. Ako

Hindi pa huli ang lahat ang kailangan mo lang gawin ay ang kagatin siya at ipainom sa kanya ang sarili niyang dugo. Siya

H - huh paano ko mapapainom sa kanya ang sarili niyang dugo edi ba patay na siya paano ko naman gagawin yun. Ako

Simple lang para mapainom mo sa kanya ang sarili niyang dugo kailangan mo siyang halikan para maipasa mo sa kanya ang dugo niya. Siya

Ginawa ko nga ang sinabi niya matapos kong kagatin ang leeg niya sinimulan ko naman isalin sa kanya ang dugo gamit ang bibig ko meaning parang naghahalikan na rin kami kaya nga pinalabas ko muna sila dahil alam kong aasarin lang nila ako lalo na yung kumag na Alexander.

Tss. Matapos kung gawin yun napansin ko na unti - unti ng nawawala ang pagkaputla niya . . . at nararamdaman ko na rin na humihinga na siya . . . pati yung puso niya tumitibok na rin pero iba na ngayon kasi isa na siyang ganap na bampira. Nang matapos kong magawa yun sa kanya agad ko na silang tinawag lalo na ng prinsesa upang tingnan ang kalagayan niya kaya nakahinga na ko ng maluwag ng sinabi na niya na okay na si Yerim kaya lang kailangan pa naming maghintay ng ilang araw para tuluyan na siyang magising.

End of flashback

Tsk. Bakit ba ang tagal niyang gumising hindi ba niya alam na nahihirapan na akong gumawa ng palusot para sa kanya . . . . ano ba kailan ba talaga siya magigising.

Tss. kailan ka ba gigising hindi mo ba alam na nahihirapan na kong gumawa ng palusot para lang mapagtakpan ka. Ako

Aishhhh . . . para na talaga akong timang dine paano ba naman kausapin ba naman daw ang taong este bampira na pala siya . . . na natutulog. Mabuti pang makatulog na lang muna tutal wala din naman akong gagawin. Oo natutulog rin naman kami kahit papaano hindi nga lang kagaya ng sa mga tao na kapag tulog na sila wala na talaga silang alam sa nangyayare pero iba kami dahil kahit konting kaluskos lang ehhh madali kaagad kaming nagigising.

Elice POV

Hayyyyysss . . . kailan kaya magigising si Yerim buti na lang talaga at magaling gumawa ng palusot itong si Alexis kaya hindi na masyadong nagtatanong pa yung mga prof. namin . . . araw - araw nga akong dumadaan para i - check siya kung may pagbabago na ba as of now mukhang okay na naman siya kaya lang hindi pa lang talaga siya nagigising.

Yes! He's A Bad Guy But He's My SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon