Cyrus POV
Tsk. Tsk. Tsk.
Ngayon na nga pala ang simula ng pasukan nakakainis naman tinatamad pa kasi akong pumasok. Bakit kasi ngayon na ang simula ng klase pwede naman na sa sunod na buwan pa. Isa pa rin itong si Elice kung hindi lang talaga ako nahihiya kay tita pababayaan ko na siyang mag - isa. Tutal kaya na naman niya ang sarili niya kaya lang pinangako ko kay tita na ako na ang bahala sa anak niya.
Alam ninyo naman sa itsura niyang iyon madali agad siyang mabu - bully paano ba naman ayaw mag - aayos ng sarili niya. No choice tuloy ako kundi palagi ko siyang makakasama sa school kasi naman ni isa wala man ba siyang kaibigan na babae, o wala lang talagang gustong makipag - kaibigan sa kanya dahil sa itsura niya.
Mga tao nga naman masyado nang mapanghusga porket ganoon ang itsura ng tao mamaliitin agad nila, kahit naman palagi kong pinagtri - tripan si Elice pinahahalagahan ko rin naman siya. Kasi mas nasanay na kasi ako sa kanya na palagi na lang siyang pinagtri - tripan at tingin ko naman mukhang ayos lang sa kanya ang ginagawa kong pangtri - trip.
Teka nga pala nasaan na ba iyon kanina pa ako sa salas nila hanggang ngayon wala pa rin siya. Kahit kailan talaga ang bagal niyang kumilos ni wala naman nagbabago sa kanya ganoon pa rin siya.
"Mabuti naman naisipan mo na rin na bumaba."
"Pasensiya na natagalan pala ako masyado."
At the School
"Waaaahhhhh. Grabe ang gwapo talaga ni Cyrus."
"Teka sino ang kasama niya ang pangit naman niya."
"Oo nga. Ang lakas naman niyang sumama sa gwapong nilalang na iyon."
Kahit kailan talaga walang hindi tinatablan ng charms ko pero naawa din ako kay Elice kahit papaano palagi na lang siyang pinagsasalitaan ng kung ano - ano siya naman kasi. Mabuti na lang at nakaalis na rin kami dumiretso na kasi kaagad kami sa room. Ito kasing si Elice masyadong excited sa pagpasok so no choice ako kundi samahan siya tutal magkasama naman kami at saka andoon na din naman ang mga kaibigan ko.
JV POV
Kahit kailan talaga ang iingay nila hindi ba nila alam na may natutulog akala mo naman kung sinong gwapo ang tinitilian nila hamak naman na mas lamang ako sa kanya. Kung nagtataka kayo kung saan ako natutulog saan pa e'di sa may taas ng puno. Kaya rinig na rinig ko ang mga sigawan nila at mga panlalait na rin doon sa babaeng kasama nang lalaking iyon na akala mo kung sino kung makaasta.
Teka di'ba iyon ang babaeng nakabangga ko sa mall, grabe siya pala ang pinupuluan ng mga babae. Pasalamat talaga siya at hindi ako pumapatol sa mga babae alam ko naman na nagtatapang - tapang lang siya pero if i know isa lang din siya sa mga natatakot sa akin kapag nalaman niya kung ano ang tunay kong ugali.
"Grabe kahit kailan talaga nakakatakot siya."
"Nabalitaan ninyo ba na may binugbog na naman daw siya noong isang araw."
"Akala mo naman kung sinong matapang."
What the fuck. Kung makapag - usap lang akala mo hindi ko naririnig upakan ko sila eh, at saka ang yabang ng lalaking iyon ako pa sinabihan na akala mo matapang. Halos tiningnan ko nga lang sila ng masama hindi agad nakatagal at umalis na sila. Kahit kailan talaga kung sino pa ang mga nagyayabang sila pa ang mga lampa.
Tutal first pa lang naman ng pasukan hindi na muna ako papasok nag - text kasi sa akin ang dalawang bugok na kaibigan ko na may drag racing daw ulit kami. At ang mga kalokohan at talagang isinali pa nila ako, pasalamat talaga sila at easy lang sa akin ito. Well hindi naman sa pagmamayabang pero ako lang naman ang palaging nagcha - champion dito, wala tayong magagawa ganyan talaga.
BINABASA MO ANG
Yes! He's A Bad Guy But He's My Savior
Fiksi RemajaPara sa mga taong nasaktan ngunit natutong magmahal muli . . . eh ikaw kaya mo pa bang magmahal kung ikaw ang nasa sitwasyon niya magmamahal ka bang muli o pipiliin mo na lang mag - isa dahil natatakot kang masaktan muli. Paano kung hindi pa...