Chapter 8: Heartbreak <///3

957 30 0
                                    

Kenneth POV

Grabe talaga hindi ko inaasahan na gagawin niya yun akala ko close sila bakit ganun na lang ang trato niya sa kanya. Tss naaawa tuloy ako kay nerdy girl.

Paano ba naman sobrang kahihiyan ang inabot niya sa party . . . Kaw ba naman ang ipahiya sa harap ng maraming tao ang matindi pa nito halos karamihan ay schoolmate namin.

Sigurado akong pag - uusapan agad siya ng karamihan . . . Tss dapat hindi na lang siya pumunta sa party. Well hindi ko naman siya masisisi kaibigan ang turing niya dun sa lalaking yun. Aishhh bakit ko ba pinoproblema pa yun bahala na nga sila. Naaawa lang talaga ako kay nerdy girl kaya ganito ako.

Lyndon POV

Pupuntahan ko na sana si Cyrus para batiin siya ng makita ko si Elice, akala ko hindi siya invited eh paano siya nakapunta sa party kung wala siyang invitation. Lalapitan ko sana siya para tanungin kung sino ang kasama niya ng makita kong kay Cyrus at Catie ang tungo niya so hindi muna ako lumapit para makita ko ang reaksyon ni Cyrus.

Pero nagulat na lang ako ng makita kong nasa sahig na yung reregalo dapat ni Elice kay Cyrus . . . Hindi ko talaga inaasahan na gagawin niya yun kay Elice ganun na lang ba kalaki ang epekto ni Catie sa kanya alam ko kasi kung nagbibiro si Cyrus o hindi pero sa tingin ko mukang seryoso siya sa ginawa niya kay Elice hindi niya ba alam na baka masaktan si Elice sa ginagawa niya.

Naiintindihan ko naman siya kung bakit ganun pero hindi naman niya kailangan ipahiya ng ganun si Elice lalo na at maraming mga mata na nakatingin sa kanila . . . Kaya walang nagawa si Elice kundi ang umalis na lang, tatanungin ko nga sana kung okay lang siya pero ang sabi niya okay lang siya kaya hindi na ko nagpumilit pang magtanong dahil kahit hindi niya sabihin alam kong hindi siya okay. Kaw ba naman ang ipahiya sa lahat ng maraming tao ewan ko lang kung magiging okay ka pa sa lagay na yun.

Haist naawa tuloy ako sa kanya kahit ganun kasi siya masasabi kong masarap siyang kasama hindi dahil nakakatawa ang itsura niya kundi napapagaan niya ang loob ko pag ngumingiti siya yung mga ngiti niya kasi masasabi kong walang halong kaplastikan kundi totoo talaga yung mga pinapakita niyang mga ngiti. Baka iniisip niyo na may gusto ako sa kanya naku nagkakamali kayo kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya kaya ganito ang nararamdaman ko sa kanya.

Well hindi naman talaga siya panget hindi lang talaga siya palaayos katulad ng iba na wala nang ginawa kundi maglagay ng make - up sa muka nila. Tsaka sa pagkakaalam ko hindi naman malabo ang mata niya tss of i know bigay lang sa kanya yun ni Cyrus kaya palagi niyang sinusuot . . . Haist pag - ibig nga naman iba talaga ang nagagawa sa taong lubusang nagmamahal.

Catie POV

Nagulat na lang ako ng makita ko yung babaeng yun sa party ni Cyrus akala ko ba hindi siya invited eh bakit nandito siya . . . Aish nakakainis talaga siya akala ko pa naman magiging maganda ang gabi ko ngayon kasama si Cyrus. At ang lakas pa ng loob niya at talagang balak niya pang lumapit sa amin ni Cyrus hindi ba siya nahihiya sa mga pinaggagagawa niya . . Hindi ba niya alam na nagmumuka lang siyang desperada sa ginagawa niya.

Pero nagulat na lang ako ng biglang tabigin ni Cyrus yung hawak ng nerd na yun akala ko kasi tatanggapin niya kasi sa tingin ko mukang magkakilala talaga silang dalawa ayaw lang sabihin sa akin ni Cyrus well hindi ko naman siya masisisi kung ayaw niyang ipakilala sa akin yung nerd na yun siguro nahihiya lang siya na ipakilala sa akin dahil baka iniisip niya lalayuan ko siya. Tss hinding - hindi ko siya lalayuan at tsaka wala naman akong pakialam kung magkaibigan sila ang mahalaga nasa akin si Cyrus.

So balik tayo sa istorya grabe talaga si Cyrus ang harsh niya talaga kahit kailan ipahiya ba daw yung nerd na yun sa harap ng maraming tao tss dapat lang yun sa kanya masyado kasing ilusyunada yan tuloy ang napapala. Dapat kasi hindi na lang siya pumunta sa party tutal hindi naman talaga siya nababagay sa ganung party. Kawawang nerdy girl masyado kasing mataas mangarap yan tuloy masakit ang bagsak niya.

Yes! He's A Bad Guy But He's My SaviorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon