Yerim POV
Nagpapasalamat talaga ako kay Alexis dahil dumating siya para iligtas ako sa mga yun . . . Ang pinagtataka ko lang ano ba talaga siya dahil para siyang hindi tao dahil sobrang lakas niya . . . Pati na rin yung way ng pakikipaglaban niya.
Tsaka napansin ko lang bigla na lang nag - iba ang kulay ng mga mata niya nung nakipaglaban siya . . . Pero kahit ganun hindi man lang ako nakaramdam ng takot sa kanya. Kahit papaano naman pala may taglay pa rin siyang kabaitan sa kabila ng pagiging suplado niya, sinundo pa nga niya ko ng labasan na namin pero parang ang weird niya kasi tinanong kung sino ang kasama ko sa bahay ang sabi ko wala totoo naman talaga ako na lang mag - isa kasi wala na ang mga parents namatay sila noong bata pa lang ako kaya nga nagsikap ako para mabuhay ang sarili ko.
Pati palagi niya kong binalaan na wag na wag ko daw tatanggalin ang kwintas na binigay niya sa akin kasi magsisilbi raw yung proteksyon ko sabi niya rin kapag may napansin ako na kahina - hinilang tao ay tawagan ko raw siya agad.
Papunta na sana ako sa school para pumasok ng bigla na lang may limang lalaki ang pumasok sa bahay ko tatawagan ko na sana si Alexis ng bigla na lang niya kong sinakal pataas at hinagis ng ubod ng lakas . . . hindi pa sila nasiyahan sa ginawa nila sa akin pinagsisipa rin nila ako ng walang kalaban - laban pero bago pa ko mawalan ng tuluyan nagawa ko pa rin tawagan siya at humingi ng tulong sa kanya.
Then everything went black . . . .
JV POV
Masaya ako ngayon kasi sa wakas kami na rin ni Elice . . . Lalabas sana kami ngayon ni Elice ng bigla na lang kaming kinausap ni Alexis tungkol kay Yerim kilala niyo na naman siya diba akala ko magkwelwento lang siya tungkol sa nangyare sa kanila pero napansin kong mukhang seryoso siya kaya hindi ko na muna siya lolokohin kay Yerim.
At sinalaysay na niya ang buong pangyayare pero ang pinagtataka lang namin kung ano ba talaga ang pakay nila kay Yerim at tsaka bakit nila gustong makuha si Yerim ano ba talagang meron sa kanya mukhang kailangan namin siyang tulungan lalo na at nalaman namin na siya na lang pala mag - isa.
Hindi muna tayo makakalabas kasi kailangan muna nating alamin kung ano ba talaga ang pakay nila kay Yerim - ako
Okay lang naman pero sa tingin ko ang totoo nilang pakay ay ang dugo ni Yerim base kasi sa pakiramdam ko hindi na lang siya basta - basta ordinaryo - siya
Ahhhh . . . Paano na anong gagawin natin para matulungan siya - ako
Paano kaya kung dito na lang din siya pumasok atleast kapag dito na rin siya pumapasok mababantay na siya ni Alexis - siya
Oo nga . . . Galing mo talaga kaya mahal na mahal kita - ako
Yiiieeehhh . . . Kaw talaga - siya
Oo nga noh . . . Bakit hindi agad namin naisip yun sabihin ko kaya kay Alexis ang naisip namin plano ni Elice.
Elice POV
Papunta na sana kami ni Vrixx kay Alexis ng bigla na lang namin siyang nakitang nagmamadaling umalis so dahil may kutob na kaming hindi maganda sinundan na lang namin siya . . . Nang makarating na kami nagulat na lang ako ng makita naming walang malay si Yerim sa bahay niya habang may mga galos ang braso nakita namin kung paano nagbago agad ang kulay ng mata ni Alexis at isa lang ang ibig sabihin nun na galit na galit na siya at anytime na lang papatay na siya.
Anong nangyare sa kanya - ako
Tss. Hindi ko rin alam mahal na prinsesa bakit ba pati siya dinadamay nila - siya
Sa tingin ko kailangan na nating makaalis dito dahil nararamdaman kong paparating na ang may kagagawan nito sa kanya - ako
Papaalis na sana kami ng biglang may dumating na limang bampira tss. . . Mukang mapapalaban ata kami nito. Muntikan na sanang matamaan sina Alexis at Yerim ng palaso sa kanila buti na lang talaga at naagapan ko agad ang palaso na tatama sa kanila sa pamamagitan ng Fireball ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/33574912-288-k650602.jpg)
BINABASA MO ANG
Yes! He's A Bad Guy But He's My Savior
Teen FictionPara sa mga taong nasaktan ngunit natutong magmahal muli . . . eh ikaw kaya mo pa bang magmahal kung ikaw ang nasa sitwasyon niya magmamahal ka bang muli o pipiliin mo na lang mag - isa dahil natatakot kang masaktan muli. Paano kung hindi pa...