Aldrin POV
Tss. Ano kayang pwedeng mairegalo sa kumag kong kaibigan . . . Hmmmm kotse na lang tutal naman may bagong labas ngayon ng kotse. Tama yun na lang ang bibigay ko sa kanya.
Pero bago ang lahat . . . Kailangan ko muna ng bumili ng bagong damit syempre para gwapo lalo ako . . . At isa pa ang maganda neto invited lahat ng classmate namin sa school at sigurado akong maraming chicks ang aatend sa birthday niya.
Hmmmmm . . . Sana na lang talaga maganda ang mangyare sa party niya ang dami pa naman invited sa party niya . . tss iba na talaga kapag mayaman well mayaman din naman ako yun nga lang mas mayaman sa akin si Cyrus.
Lyndon POV
Yow. Grabe iba talaga kapag mayaman lahat pwede mong imbitahin sa party mo parang si Cyrus halos lahat na nga lang inimbitahan niya biruin mo daming invitation din ang pinagawa niya well mayaman naman siya kaya barya lang yun sa kanya. Ang arte nga niya may nalalaman pa na pagpapagawa ng invitation . . . . alam niyo ang rason niya para daw walang outsider sa birthday niya. Tsk. Daig pa niya ang bata kung makaasta.
Hmmmmm . . . Iimbitahan kaya niya si Elice sa party niya, wala naman kasi siyang sinasabi na binigyan niya ng invitation card si Elice at tsaka paano naman niya bibigyan ng invitation si Elice kung palagi na lang silang magkasam ni Catie.
Sa tingin ko nga may namamagitan na sa kanilang dalawa ayaw lang nilang umamin. Tss. Kawawang Elice wala man lang pag - asa kay Cyrus.
JV POV
Tsk. . . Ang yabang talaga ng Cyrus na yun akala mo naman kung sino as if naman pupunta ako sa birthday niya. In his dream. Pero baka naman isipin nun na wala akong pambili ng regalo para sa kanya . . . Tss so mukang wala akong choice kundi ang umatend niya party niya.
Nahiya pa siya eh . . . Kulang na lang imbitahin niya lahat ng tao sa pilipinas akala mo naman kilala niya lahat. Tss nagsasayang lang siya ng oras. Okay na ehh planado ko na, na hindi ako pupunta sa party niya kaso itong dalawang kumag kong kaibigan mapilit hindi daw sila pupunta dun kapag hindi ako pumunta so no choice ako kundi pumunta.
Nakakairita kasi ang ginagawa ng dalawa para lang mapapayag ako mag - pout ba naman sa harap ko. Hindi naman bagay sa kanila . . . Hindi ba nila alam na nagmumukang aso lang sila sa ginagawa nila bukod pa dum hindi ba sila nahihiya sa mga pinaggagagawa nilang dalawa. So para tapos ang usapan edi pumunta na lang sa PARTY DAW NIYA.
Siguro invited din dun si Nerdy Girl i heard kasi na muka silang close sa isa't - isa. Aishhhhh . . . Bat ko ba iniisip ang babaeng yun.
Catie POV
Yiiiiieeeehhhh . . . . I 'm so excited na talaga para sa party niya mamaya sana lang talaga magustuhan niya ang regalo ko para sa kanya. At dahil diyan kailangan ko munang mag - beauty rest para mas lalo akong gumanda mamaya.
Hmmmmm . . . Ang yaman talaga nila imbitahan ba naman lahat ng ka year level namin ohhh san ka pa. So it means na invited din yung nerd na yun na wala ng ginawa kundi ang sumunod at bantayan bawat kilos namin ni Cyrus . . . If i know nagseselos lang siya. Tsk what a pathetic nerdy girl.
Cyrus POV
Tsk. Mamaya na ang party ko so ibig sabihin kailangan ko ng maghanda para mamaya lalo akong pogi sa paningin ng lahat. Hindi naman sa harsh ako dahil lahat ng ka year level namin ay invited maliban lang kay Elice.
Alam niyo naman siguro ang sitwasyon ko ayoko lang talaga na hindi macomportable si Catie kaya mas minabuti ko na lang na wag siyang imbitahin. Nahihiya kasi ako lay Catie baka isipin niya na nakikipagkaibigan ako sa mga nerd . . . Well totoo naman talaga pero kung ikasisiya naman ni Catie ang gagawin ko mas mapapanatag na kong makita siyang masaya.
Tsaka ang isa ko pang dahilan kung bakit ayokong imbitahin si Elice ay baka magulo lang niya ang party ko. Alam niyo naman na may pagka - clumsy niya kaya para maiwasan mangyare ang mga ganong bagay wag ko na lang siyang imbitahan. Sure naman ako na hindi siya makakapasok dahil required na ipakita ang invitation card alam niyo kasi ayoko ng outsider sa party ko kaya magaling na yung sigurado.
And for the first time umuwi din ang parents ko . . . Tss umuwi lang naman sila hindi dahil gusto nila akong makasama kundi para makakuha ng business partners nila.
Elice POV
Ang mean talaga ni Cyrus kahit kailan hindi ba naman ako invited sa party niya porket may iba na siyang kasama na mas maganda sa akin hindi na niya ako pinapansin . . . Well sino ba naman ako para sa kaya isa lang naman akong hamak na KAIBIGAN para sa kanya . . Yun ay kung tinuturing niya nga ako kahit kaibigan man lang.
So wala akong choice kung hindi mag - stay na lang dito sa bahay sayang pa naman yung ginawa kong cake para sa kanya pinaghirapan ko pa naman yung gawin tapos malalaman ko hindi naman pala ako allowed sa party niya. Dahil ba panget ako kaya nahihiya siya na malaman ng iba na may kaibigan siya bukod sa pagiging panget nerd pa san kapa.
Kakainin ko na sana yung ginawa kong cake para sa kanya ng bigla na lang tumawag si tita (referring to Cyrus Mom) na kailangan ko daw pumunta kundi magtatampo daw siya so dahil nahihiya ako kay tita pupunta na ko.
Sinabi ko nga sa kay tita na wala akong invitation ang sabi niya wag daw akong mag - alala tutal susunduin naman daw nila ako . . . So magiinarte pa ba ko edi go with the flow na lang ako.
At the party . . .
Grabe mukang op naman ang itsura ko sa kanila . . Haist wala tuloy akong kasama kasi kailangan pa daw asikasuhin ni tita ang iba nilang guest. Aish nasan na ba yung si Cyrus na yun kailangan ko ng maibigay sa kanya yung gift ko para makaalis na ako dito . . Ooopppssss speaking of Cyrus ayun siya kasama naman yung babaeng yun.
Cyrus happy birthday nga pala - ako
Anong ginagawa mo dito - siya
Gusto ko lang sana--- ako
Aabot ko na sana sa kanya ang cake na ginawa ko para sa kanya kaya lang bigla niya tinabig ang kamay ko kaya nahulog yung cake.
Hindi ka naman invited dito . . . So hindi ko na kailangan niyang regalo mo para sa akin - siya
Aish . . . Ang mean mo talaga alam ko naman na hindi ako invited dito dumaan lang talaga ako dito para ibigay ang gift ko sayo - ako
Tss. Hindi ko kailangan ang regalo, so pwede ka ng umalis - ako
At dahil nakahahakot na kami ng atensyon pinili ko ng umalis tutal pahiyang - pahiya na ko at tsaka nagbabadya na rin tumulo ang luha ko so umalis na ako para hindi nila makita ang pagluha ko.
Nakasalubong ko pa nga ang mga kaibigan niya pero hindi ko na sila pinansin at tuluyan na akong umalis sa party na yun.
Kyle POV
Grabe naman yung ginawa ni Cyrus dun kay nerdy girl talagang pinahiya niya pa . . Akala ko ba close sila eh bat ganun na lang ipahiya si nerdy girl naawa talaga ako sa kanya kahit naman may pagka - badboy ako hindi naman ako umaabot sa ganon na kailangan ko pang ipahiya ang isang babae lalo na't marami ang nakasasaksi.
Hindi ko nga mabasa ang ekspresyon ng muka ni JV pero nakatitig siya kay Cyrus na sa tingin ko lang parang anytime gusto na niyang sugudin ng suntok yung Cyrus na yun kawawa tuloy si nerdy girl nasayang lang yung cake . . . Tss muka ngang hindi man lang nakonsensya si Cyrus sa ginawa niya.
Someone's POV
Sa wakas sa tinagal - tagal ng paghahanap ko sayo natagpuan rin kita kaya lang bakit sa ganoon pang sitwasyon kita nakita.
Oo nung makita kita alam kong ikaw yun dahil ikaw lang naman ay may ganun na mga mata na kapag tiningnan mo ng ayos makikita mo na hindi lang basta brown yung mata niya kundi parang apoy na nagliliyab dahil sa sobrang pula.
Tss. Naiinis ako sa sarili ko dahil wala man lang akong nagawa para sa sayo kundi ang panuodin ka lang sa isang tabi ginawa ko lang naman yun para sa kaligtasan mo. Mapatawad mo sana ako kung naging duwag ako . . . Ikaw lang naman ang iniisip ko.
________________________________________________
AN: Finish with this chapter, hope you like it guys :)) and please support my second story.
Look at picture of Lyndon. :)
![](https://img.wattpad.com/cover/33574912-288-k650602.jpg)
BINABASA MO ANG
Yes! He's A Bad Guy But He's My Savior
Novela JuvenilPara sa mga taong nasaktan ngunit natutong magmahal muli . . . eh ikaw kaya mo pa bang magmahal kung ikaw ang nasa sitwasyon niya magmamahal ka bang muli o pipiliin mo na lang mag - isa dahil natatakot kang masaktan muli. Paano kung hindi pa...