Ang buhay ay parang pag-akyat sa isang bundok.Maraming ups and down.
Maraming hirap at pasakit, pagod at hikahos.
Maraming lubak na daraanan, putik na lalakaran, at bangin na lalagpasan.
Maraming pawis na pupunasan, maraming hangin na hahabulin at maraming tubig na iinumin.
Pero gayon pa man ang lahat ng ito ay kinakailangan sa pag-ahon at nagiging sandata sa isang makabuluhang paglalakbay.
Mula sa paanan pa lamang ay kailangan mo ng ihakbang ang iyong mga paa at ng marating mo ang rurok ng kabundukan.
Lakad sige lakad lang animo'y umiiindayog na mga paa.
Walang katapusan na paglalakad, mga paltos sa paa at kalyo sa daliri.
Mga pinupulikat na binti at nangangatal na mga tuhod.
Animo'y binibagtas mo ang isang daang hindi mo matanaw ang dulo. !
Mararanasan ninyo ang maglakad sa dilim, paakyat ng bundok ... walang maapuhap, walang mahawakan, at walang makitang katiyakan.
Sa kabila nito , kailangan mong huminto, mag pahinga ng bahagya at uminom.
Magnilay pansamantala at humingi ng palatandaan upang masundan ang daan na tinatahak.
Patirin pansmantala ang uhaw at magtawanan at magsaya.
Kailangan ibsan ang pananakit ng katawan.
Dahil ang buhay ay puno pa rin ng saya sa kabila ng mga paghihirap.
Sa pinagkahaba-haba ng inyong paglalakbay dumarating sa punto na gusto mo ng huminto at sumuko.
Bumalik na lang sa simula. Ngunit marami ka ng hirap na pinagdaanan at hindi na dapat bumitaw pa.
Sa kalagitnaan ng paglalakad ay iba't ibang tao ang inyong makakasalamuha.
Mga iba't ibang ugali at maraming karanasan na.
Mayroong survivor, may mga madaling sumuko.
Mayroong malalakas ang loob, may mga madaling panghinaan.
Mayroong handang magbigay ng tulong, mayroong hahayaan ka na lang sa pagkakadulas.
Mayroong hinding hindi ka iiwan, mayroong din kaya mag-isa maglakbay.
Ang buhay ay parang life.
-----------------------------------
Thanks!
BINABASA MO ANG
Crazy Love
FanfictionTwo different people. Two different identities. Different wants. Different needs. Different likes and dislikes. Different in everything. Life is like a roller coaster it has ups and downs. But it's your choice to scream and enjoy the ride or you wil...