(Maddie)
Kakatapos lang nang klase. I'm taking Architecture.
Pupunta ako ngayong mall, dahil masaya ako.
It-treat ko muna sarili ko dahil, masaya ako.
Nakapila na ngayon ako sa cinema.
Alam nyo kung bakit ako nandito? Kasi nga masaya ako.
I'm watching a horror movie. Kasi nga masaya ako.
"Ahhh!!!" Sigawan ng mga tao.
Jusme. Kaarte. Kunyari nataakot pero manananching lang sa bf. Hahawak sa kamay at yayakap pa.
Ang OA ng mga tao.
Parang tao lang yun na minake apan para mukang nakakatakot.
Jusme. Napairap nalang ako.
"Ahhh!!!" Psh. OA.
"Pst."
"Yes. Why?" Sabi ko nang nakangiti sa tumabi sakin. Kasi masaya ako.
"Mag-isa ka?" Anong klaseng tanong yan? Pang shunga koya? May katabi ba ako? Wala diba.. Pero syempre masaya ako kaya Hindi ko sinabi yun.
"Yep."
"Oo nga pala sanay ka sa MADILIM! Diba Maddie?" Nagulat naman ako dun. "Ay putek! Shaun? Ikaw ba yan?" Tanong ko. "Bakit nag iiba ba itsura ko kapag madilim?? Gumagwapo ba ako??" Hangin. panira eh. Ang saya ko kaya. Inirapan ko nalang siya kahit di kita.
"Siguro pogi ako kaya hindi mo ako kinontra noh?"
"Noh?" Ulit niya.
"Yeii.. The feeling is mutual na!!" Sabi niya at kunyaring kinikilig.
"Wala lang ako sa mood na kontrahin ka kasi.." Humarap ako sa kanya.. "Alam mo kung bakit??" Sabi ko sabay taas baba ng kilay. "Bakit?" Tanong niya. "Kasi masaya ako."
"Aba. Improving ka ha. Kahapon pa lonely at fierce type ka pa ha. Bagong Maddie na ba ituu?"
"Nope."
"Ayyy.."
"May dahilan kung bakit ako masaya dahil--"
"Dahil saakin ano?? Yeii. Instalk niya ako sa fb. Tapos nakita niya dp ko.. Tapos na inlove siya.. Pero Ang tanong ni- like mo??"
"HINDI! HINDI!"
"Bakit dalawa?"
"Una, hindi kita instalk at hindi ko nilike. Pangalawa, HINDI IKAW ANG DAHILAN."
"Ang sakit." Sabi niya at humawak sa puso niya. Shumattap narin siya at nanuod nalang din.
"Paano mo ko nakita? Madilim kaya dito? Kakaiba mata mo ha." Sabi ko habang nanunuod parin.
"Si Shaun dela Cruz kaya toh. Nakaka detect ng ma HALIMAW."
"ANOOOOOO!!!!?
"Shhh!!!!"
"Napakaskandalosa!"
ANO!!!!!????
Humarap ako sa nga babaeng nagsabi sakin nun. Nasa likod ko lang pala.
"You don't have a right to shut me.--" humarap ako dun sa isa namang babae. "Even judge me." Tiningnan ko sila pareho. "Kasi ako may karapatan ako sumigaw dahil may DAHILAN. Kesa sumisigaw ako katulad niyo sa isang hamak na bata na pinapangit na para sa inyo multo na NAKAKATAKOT!!!"
Sigaw ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Crazy Love
FanfictionTwo different people. Two different identities. Different wants. Different needs. Different likes and dislikes. Different in everything. Life is like a roller coaster it has ups and downs. But it's your choice to scream and enjoy the ride or you wil...