Epilogue

42 2 0
                                    


It's about the journey and not the destination.

Kung ang iisipin mo lang ay ang marating ang pinaka rurok ng bundok ay sa malamang na malalagpasan mo ang ganda at kahalagahan ng buhay. Life is to be enjoyed, every step of the way. May maganda mang tanawin sa taluktok ngunit mas maraming kaaya-ayang tanawin ang inyong madaraanan. Namnamin ang tamis ng kalikasan.. Ang mabangong samyo ng mga bulaklak. Ang paglangit-ngit ng mga punong kahoy. Ang pagragasa ng tubig sa ilog at pagtampisaw sa batis. Maririnig mo ang dagundong mula sa talon. Damhin mo at hagkan ang sinag ng araw kasabay ng paghaplos sa iyo ng hanging amihan.

Maatapos ang mahabang oras na paglalakad ay mararating mo ang tuktok. Duon may kakaibang kapangyarihang babalot sa iyo at iibsan lahat ng pagod at sakit. Mararamdaman mo ang kakaibang kasiyahan, kapayapaan at kaginhawaan na mahirap maipaliwanag. Matutunan mo na may mga bagay dito sa mundo na kailanman ay hinding hindi matutumbasan ng salapi. Priceless kung maituturing.

At sa buhay kapag nakamit mo na ang pinaka highest "peak" nito ay may mga mararanasan pa rin tayong mga suliranin. Tulad din yan sa bundok, pabago bago ang panahon. Unpredictable. Malakas ang hangin. Minsan uulan at dili naman ay tirik na tirik ang araw. Sa gabi, magsisilbing ilaw ang liwanag ng buwan at mga tala sa kalangitan. Mabibilang ang pagdaan ng mga kometa. At ang nakakabinging katahimikan na ang tanging maririnig mo lang ay alulong ng mga mababalasik na hayop mula sa kakahuyan, ang paggapang ng mga ulupong at nakakakiliting paglipad ng mga kulisap at gamu-gamu. Panganib man ang nakaamba pero pinagbibigkis tayo ng ating panalangin na kailanman ay hindi tayo pababayaan ng Dakilang Lumikha.

Sa paglipas ni Kabonegro ay naghihintay ang isang umagang kay ganda pabalik sa paanan.

Mas kaaya-aya. Mas masaya. At handa ka na muling suingin ang bagong hamon. Ang paglalakbay pabalik. Matapos ng isang nakakahapong pag-ahon ay isang kapana-panabik na pagbaba naman ang gagawin.

Ang buhay ay parang pagbaba ng bundok. Mabilis, mahirap, kapana-panabik at peligroso. Hindi mo alam kung anong puwedeng mangyari uli. Maari kang muling matisod, madapa, magalusan at masaktan muli. Pero kailangan bumangon at ipagpatuloy ang paglalakbay. Minsan akala mo na ang daang nilalakaran mo ay ang daan pabalik, pero hindi pala at kailangan mo ikutin muli at magbalik ka sa simula.

Nang marating mo ang paanan, mapapabuntong hininga ka at magpapasalamat sa Diyos dahil sa pagpapatnubay na Kanyang ginawa. Sa gitna ng mga paghihihirap at banta ng panganib, sa ligaya at saya alam mong may naka agapay sa iyong mahabang paglalakbay...

Ang life ay parang buhay.

---------------------------------

Thanks!
Vote and Comment !

Read my stories:
•BITTEREYNA
http://w.tt/1afgLQU
•Strangers (12:51)
http://w.tt/1ECGaf1
•Crazy Love
http://w.tt/1K4LRH8

Crazy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon