CL- 1

132 2 0
                                    

(Maddie)

"Ay kabayo ni Mang Ben na inupuan ni Bentong!" Nge. Nahulog yung ice cream ko.

Grabe na talaga, pati ice cream di napigilan mahulog kahit alam niyang wala namang sasalo sa kanya.

Kaya ako, natuto na ako. Ayoko na mahulog kung wala namang foam sa huhulugan ko. Masakit sa likod pag nagkataon. Sakit ng katawan ang aabutin ko.

Ang buhay parang ice cream may iba't ibang lasa, kulay at flavor. May Iba't ibang kahulugan, bawat lasa. May iba't ibang lasa, bawat kulay. Kailangan mong pigilin ang pagtulo gamit ang bibig para mapigilan kung san man ito pumunta. Nang hindi lumala.

Umupo nalang ako sa bench at ngumuso. Pinagmamasdan ko nalang ang mga batang naglalaro.

Bakit ba ang raming bata dito?

Malamang park to. Diba?

Edi sa mall nalang sila magpunta!

Mauutusan mo ba?

My thoughts are fighting.

"Miss, lonely? Loner? May pinagdadaanan? Walang pamilya? Nangungulila? Saan? Sa pagamamahal? Sa Pamilya? Saan? Assumera? Paasa? Naniniwalang walang forever? Broken hearted?"

Ang feeling close nito. May lalake kasing umupo sa tabi ko.
"Snob?" Sabi niya at nag frown. "You are not cute." Sabi ko at inirapan siya.

"Wow. English speaking??" Hindi ko nalang siya pinansin.

"Ang rami talagang mga inidoro sa Pilipinas ngayon ano?"

"What?"

"Yun naman pala eh. Nakakaintindi ka naman pala ng tagalog."

"I didn't say anything. And what? Inidoro? Sadyang hindi ka lang marunong makipag usap in a nice way."

"Okay. Sorry. Ano pangalan mo?"

"Maddie... Maddie Lim." Nagdadalawang isip na sabi ko. Pero wala siyang reaksyon. Ngunit isang malungkot na ngiti ang nag form sa mukha niya.

"First time. First time walang tumawa. First time walang nagpahiya. First time walang pumansin. First time walang nanghusga."

"Himala ba?" Tanong niya.

"Oo. Sobra."

"Wag ka magalala. Naiintindihan kita.Pareho pala tayo ng problema. Problema sa pangalan."

"Bakit? Anong pangalan mo?"

"Shaun.."

"Shaun? As in shaun the sheep?"

"Grabe to. Siya nga di ko pinangunahan. Ang shakket teh!"

"Haha! Sorry I thought-"

"Dela cruz... Shaun dela cruz." Napangiti naman ako. Okay gets.

"Laging hinahanap sakin yung bakal na krus. Ang shakket kaya."

"Sabihin mo nasa pangalan mo" hirit ko. "Wow ah."

"Marunong ka naman palang ngumiti eh." Sabi niya. "Pero parang hindi natural. May kulang." He continued.

"Ano kulang?"

"Joy."

"Sabon?"

"Tigilan mo ko. Anak ka pala ng kadiliman. Wag! Wag mi akong kukuhanin! Nay misyon pa ako!" Binatukan ko nga siya.

Crazy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon