CL-3.2

48 2 0
                                    

(Maddie)

"Shaun?" Ngumiti lang siya at naglakad palayo.

"Hoy!"Pinigil ko siya pero tuloy pa rin sa paglalakad. Hanubeyen!

"Uy!" Sabi ko sabay hila sa balikat niya kaya siya napaharap. Awkward. -__-

"H-hi." Omega! Why am I stuttering!

Ngumiti lang ulit siya at aakmang maglalakad pero hinila ko siya paupo sa malapit na bench.

"Ang cold mo." Sabi ko sakanya. Pero hindi siya tumingin. "Pero okay lang, the cold never bothered me anyway." Nge!? San galing yun?

No response. -__-

"Sino yun?" Pag change topic niya.

"Sino?" Tanong ko.

"Yung lalaki." Ahh he's referring to Mike.

"Ahh si--"

"Manliligaw mo?"

"Hin--"

"Kayo na ba?"

"Ano ka--"

"Bakit di mo sinabi agad?"

"Kasi--"

"Mad---"

Tinakpan ko agad yung bibig niya

"Pwede mag explain muna? Sige sasagutin ko mga tanong mo. Isa isa.. Chill." Sabi ko. Hunarap naman siya sakin.

"Una, si Mike yun. Di ko siya manliligaw dahil best friend ko siya. At nakikita mo ba yung babaeng yun..?" Tinuro ko si Mica. "Girlfriend niya yun. So meaning hindi kami. Okay? At para sa huling tanong mo na kung bakit di ko agad sinabi sayo... Bakit? Nagseselos ka na naman ba?"

"May karapatan ba ako??" Tanong niya. "Wala, diba?" Sagot niya sa tanong niya.

"Pero hinahayaan kita." Sabi ko na parang nang aasar.

Bigla naman nagbago yung mood niya. Nag lighten up yung face niya. Anyare?

Hinila niya ako sa mga nagtitinda ng street foods. Ngayon lang ako makakakain nito. If ever.

"My treat." Sabi niya.

"Are you sure?"

"Saan?"

"Sa food?"

"Oo, safe yan!" Sabi niya. "Diba ate Ganda." Sabi naman dun sa nagtitinda.
Arti.-_-

"Wag ka ngang umasta na mayaman ka!--" WHAT!!??? "Dahil isa ka lamang hamak na tambay dito sa puso ko." Ahh. Yun naman pala. Pinagpatuloy lang niya ang pagtusok sa mga fish ball at kwek kwek daw.

Umupo na kami sa bench habang dala niya ang isang plastic cap.

"Gusto mo?" Alok niya.

"Wala bang inasal?" Tanong ko.

"Wala eh.." Sabi niya pero linulon muna niya yung kinakain niya bago magsalita ulit.

"Okay lang kahit hindi kumain ng inasal, o kaya kasing talino ni Rizal, matupad lang ang aking dasal, na saiyo ikasal."

"Wew." •=• tapos bigla niya akong sinubuan.

"Sarap diba?"

"Yeahh." Pag sang ayon ko. Pagkatapos namin kumain tinapon niya sa trash can saka siya bumalik.

Crazy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon