CL-4.1

66 2 0
                                    

(Maddie)

(After 1 week)

Masaya naman ako. Maraming na nangyari in just 1 week. Mas naging close na kami. Lagi sa plaza o mall kami nagkikita. Kasi magkaiba kami ng school.

Tsaka naka graduate na kami! Marami pa nga siyang sinasabi eh. Na kami daw ang magkapartner for lifetime. Dahil daw engineer siya at architect ako. Gagawa daw kami ng dream house namin. Raming alam. -__-

Bakit ba siya ang topic!!!!

*Calling SDC

{hindi siya Student Development Center ha! Shaun Dela Cruz po! Hihi. -author}

"Hello?"

"Hello?"

"Kamusta?"

"Kamusta?"

"Kumain ka na?"

"Kumain ka na?"

"Maddie."

"Maddie."

"I love you."

"Oo, kumain na ako."

"Maddie-__-"

"Bakit nga?"

"Mamaya sunduin kita jan. alis tayo."

"Ayoko. Maghanap ka nalang ng trabaho."

"Tsaka na muna yun. Bonding muna tayo."

"Fine. What time?"

"5 pm. Rockwell."

"Geh."

*toot toot.

End of Conversation

Pinutol ko na. Hahaba pa eh.
3pm palang naman eh. I checked my Twitter account.

[darkness: Every possibility begins with the courage to imagine. Gudaftie!]

Yeah. Si Shaun ang nagsabing iyon daw ang gawin kong username. Lakas trip eh. Ewan ko kung bakit ko naman sinunod. -__-

Ang rami na agad nag favorite at nag retweet. Wala eh. Peymus.

Masasabi kong medjo bumabalik na ako sa dating ako. Syempre thanks to Shaun.

He's always here to lighten my mood.

*beep beep

Sino ba yun? Kainitan eh.
Pagkababa ko kakasarado lang ni yaya sa pinto.

"Ate, sino po yun?"

"Maddie, di nagpakilala sabi gwapo daw."

"Huh? Gwapo?"

"Ayun, pinaupo ko sa sala. Tingnan mo nalang. Maghahanda lang ako juice." Paalam ni yaya.

Pagkakita ko. It's Shaun.

"Ang aga mo ha. Sabi mo 5. Quarter to 4 palang oh?" Sabi ko sabay turo sa wall clock.

"Haha. Wala lang para sulit yung time. Boring sa bahay."

"Dito kaya boring. Mag isa lang ako. Nasa work sila mom and dad eh. Sainyo nga masaya nandun mga kapatid mo." Nakwento kasi niya one time. At nakapunta na rin ako sakanila. Noong graduation niya.

Di na siya sumagot. Umupo nalang ako sa tabi niya at sumandal. Sumandal rin siya.

"Kung bulaklak ka pinitas na kita. Kung unan ka niyakap na kita. Kaya lang naging tao ka.-" napatingin ako sa kanya na kanina pa pala nakatingin sakin. "Kaya minahal nalang kita." Awkward -_-

Crazy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon