THE little boy in gritted teeth yelped, "I said—I don't need you! Who do you think you are?" Nangungunot ang noo nitong nakatingin sa isang batang babae.
"Wow, taray naman. Sino ka, si Christina Perri? 'And who do you think you are? Runnin' 'round leaving scars?'" Gumanti sa kaniya ang batang babaeng binulyawan niya sabay tawa.
Tumalikod ang lalaki at akmang aalis na. Maikli talaga ang pasensya nito kahit kailan.
"Ay! Saglit!" Hinabol siya ng makulit na babae. Agad naman itong humarap, with the same hard but sinfully handsome expression. Bata pa lang ito ay sagad na ang kagwapuhan. Blame the genes!
"What?!" pabulyaw na sagot nito na animo'y handa nang lumapa ng tao ano mang oras. Ngunit hindi nagpatinag ang batang babae, bagkus ay mas inayos pa nito ang postura niya.
"I am your guardian angel," she smiled, saying those out of the blue.
"Are you freaking kidding me? Stop bugging me with your childishness, will you?"
Nauubos na rin ang pasensya ng babae kaya nilapitan niya ito at hindi nag-atubiling binatukan ang batang lalaki. Napapiksi ang lalaki dahil sa ginawa nito.
"What the—"
"Sige, subukan mong ituloy 'yang sasabihin mo at makakatikim ka ng isa pang batok," nanlilisik ang matang hamon ng babae. Pero animo'y may tama ang isang 'to dahil ngumiti na naman matapos niyang sabihin 'yon.
"It's not childishness, you know. I am your guardian angel. And I promised to protect you and guide you and..."
"And what?" with knotted forehead, the little boy asked.
"And love you," she again flashed her angelic smile.
"DEMI, honey?" Naalimpungatan ako sa tinig ng tumawag sa pangalan ko. Nakakahalina ang boses niyon at 'yong tipong mas lalong ayaw mong gumising dahil sa lamig.
Nagmulat ako ng mata. Si Ven pala.
"Hmm?"
"Why are you smiling like that, hon?" he asked. Umayos ako ng upo at luminga nang bahagya sa paligid habang nag-aadjust ang paningin mula sa pagkakapikit.
Teka, ba't nga ba ako nakangiti? At nasa'n ako?
Tinignan kong muli ang paligid. Oh, I was at Ven's house. Malamang ay nakatulog ako dito mismo sa sofa niya.
Sinundo niya ako kanina galing trabaho dahil sabay raw kaming magdi-dinner ngayon.
"Seems like you dreamed of something," he smiled. Napakagwapo talaga. Heaven na heaven! And that voice—it never changed. "Dreamt of me?"
Panaginip... nanaginip nga ako. P-pero...
Tanging ngiti na lang ang isinagot ko sa kanya. Hay, that dream again. Hindi kasi si Heaven ang nasa panaginip ko.
Sa loob ng isang taon naming pagsasama matapos ang dinner na 'yon ay madalas ko 'tong napapanaginipan. Pero hindi lang siya isang panaginip dahil totoo siyang kaganapan sa buhay ko.
Isang pangyayaring pilit ko nang kinakalimutan pero pilit paring bumabalik sa akin. Isang pangako na hanggang ngayon ay ayaw mabura sa akin.
That time when I was the devil's guardian angel.
BINABASA MO ANG
The Devil's Guardian Angel
RomanceB O O K T W O O F " D I A L I N G 1 4 3 " (Note: Please read "Dialing 143" before proceeding to this book.) Copyright © 2015 OhMyGelou | All Rights Reserved