*Riiiiing* Ringggg*
TimeCheck: 4:00 amMaaga akong gumising para maghanda ng aking mga gamit. Dahil may susundo sa akin. Simula ngayon dun na daw ako titira sa bahay ng Lolo ko na ngayon ko lang makikita at makikilala.
Ay nga pala ! hindi pa ako nakakapag pakilala ako si Skylee Wovenspear. 17 years old. Maputi, maganda hahaaa mag taas daw ba naman ng sariling bangko.
Naligo na ako . Kumain. at nag ayos dahil baka anytime dumating ang susundo sa akin.
6:30 am.
Toktok!Sila na siguro ito.
"Good Morning po" bati ko"magandang umaga iha. Ako nga pala si Butler George ako ay naparito upang ikaw ay sunduin ayon na din sa kagustuhan ng iyong lolo"
Wow! ang lalim niya mag salita.
"ganun po ba. Sige po ready na po ako."
"kung gayon tayo na sa sasakyan"
Sumakay na kami sa sasakyan maganda yung kotse mamahalin at mukhang pang mayaman. Wow ! mayaman ata lolo ko ah.
"hm. Mr. George asan ang lolo ko?"
"nasa inyong bahay may pinagkakaabalahan ang iyong Lolo"
"ganun po ba"
Hm. mukhang busy na tao palagi ang lolo ko siguro madami siyang business . Excited na ko makita si Lolo sana mabait siya. Pinagmasdan ko ang paligid. Madaming puno ang aming dinaraanan.Hindi ko alam kung nasaan na kami.
"malapit na po tayo Ms. Wovenspear "
"hala! Skylee na lang po o kaya sky o lee"
Natawa lang si Butler George sa akin.
"parehas na parehas kayo ng Papa mo"
"si papa? bakit naman po?"
"makulit,masayahin at may pagka madaldal din siya daig pa niya ang mama mo"
Napangiti na lang ako. Naalala ko na naman sina Papa at Mama. Haist. sana andito pa din sila sa tabi ko.
Pumasok kami sa isang malaking gate.Wow! as in Wow! sobrang ganda gate pa lang habang papasok napapaligiran parin ng magagandang puno. Ngayon lang ako nakakita ng ganito.
"nandito na tayo skylee"
Bumaba ako at napanganga sa nakita. Bahay ba talaga ito ni lolo? Napakalaking Bahay nito . kulay ginto at napakalaki ng pinto. Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto. Pag pasok namin nakahanay ang napakadaming katulong nasa 20 ata silang lahat ..
"nadito kana pala apo"
Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko ang isang matanda na pababa sa napakagandang hagdanan.Siya na siguro si lolo .
"lolo ko. "