Conan's POV
Ako nga pala si Conan Lautner ang president ng student council. Pili lang kaming mga miyembro ng student council. Ang may malalakas na ability lang ang maaring maging Miyembro ng Council dahil sa may nakaatas sa aming responsibilidad.
Hindi parin maalis sa isip ko yung babae kanina. Napakaganda niya, maamo ang mukha at may matamis na ngiti.
Pero ang ipinagtataka ko sino siya at anong meron sa kanila ni HeadMaster? Hindi kaya anak siya ng headmaster???
"hey! President."
"ash ikaw pala kanina kanina ka pa ba?"
"oo president, hindi mo nga ako napansin eh lalim ng iniisip mo ah, tungkol saan ba?"
"wala to"
"Nga pala president kanina kapa pinapatawag ni HeadMaster"
Shit!
Oo nga pala.Agad akong lumabas sa S.C Room at nagtungo sa Office ni HeadMaster.
"HeadMaster, paumanhin po kung ngayon lang ako"
"Ayos lang yon Conan, pinatawag kita upang ihanap ng Dormmate ang batang ito"
"Naman eh hindi na po ako bata *pout*"
Hahaha.Ang cute niya magpout.
"Masusunod po HeadMaster"
"Ms. Skylee sumunod kana sa kanya"
"Sige po butler george pero skylee na lang po"
"Hahahahaa ikaw talaga" sabay tawa ni headmaster.Maging ako ay napapangiti din.
Lumabas na ako ng Office habang kasunod siya.
"ako nga pala si Skylee Wovenspear. Anong pangalan mo Mr. President?"
Alam pala niya na President ako. Siguro naikwento na sa kanya ni HeadMaster.
"Ako si Conan Lautner." matipid kong sagot.
"Ah sabi ni butler george ihahanap mo daw ako ng dorm mate? Totoo ba??"
"Oo."
Nakita kong ngumiti siya.
"Pogi ba??"
"huh? sino?"
Nagulat ako sa tanong niya. Pogi daw? Ako kaya yun?
"yung magiging dormmate ko ^_____^ "
"Babae ang magiging dormmate mo miss. Ipinagbabawal magsama ang lalaki at babae sa isang kwarto para matulog"
"Hahahaa to naman! Joke lang President masyado kang seryoso ngiti naman dyan sayang pogi kapa naman ^____^ "
Ako? Pogi daw? Matagal ko ng alam. Nauuna siyang maglakad sakin, hindi ko naman mapigilan ang ngumiti ^____^
Habang naglalakad kami madaming estudyante ang nakatingin sa amin dahil na rin siguro sa alam niyo na sikat ako.
"oh my! sino yung kasama ni President?"
narinig kong sabi ng isang babae.Napansin kong narinig ni skylee ang sinabi ng babae napatingin ito sa akin at ngumiti ng nakakaloko.
Agad siyang lumapit sa akin at nilingkis ang kamay niya sa kamay ko.
Lalo namang nagbulungan ang mga nakakasalubong namin.Nang malapit na kami sa Dorm ng mga babae ay bumitaw na siya.
"bakit mo ginawa yun Ms. Wovenspear?"
may halong seryoso kong tanong.