Shine's POV
Kinakabahan ako kay Sky para bukas.Dahil magkakaroon kami ng Duel Battle. Kasama doon ang mga taga S.C. in short magtatagpo ang landas nina Myera at Sky.
Ntatakot ako sa pwede niyang gawin kay Sky..
"shine... anong gagawin ko..."
"sky hindi ko din alam. ipaalam kaya natin to kay sir? "
"NO! hindi pwede..."
"pero sky paano bukas?"
"bahala na"...
Skylee's POV
Kanina pa ako nakahiga sa kama ko hindi talaga ako makatulog. Pano bukas? wala akong powers. Tiningnan ko si Shine at tulog na ito.
Lumabas ako ng dorm namin.Pumunta ako sa forest na pinuntahan ko kahapon.Remember nung tinakbuhan ko si Myera? Ewan para kasing may nagsasabing pumunta ako dito..
Habang naglalakad ako umiilaw ang kwintas ko na bigay ni Lolo. Ang ganda umiilaw ata to ng kusa eh?
Pinagtataka ko simula ng isuot ko ito hindi na ito mahubad sa aking leeg. Miski sinong tumanggal hindi matanggal. Sabi ni Lolo sa Papa ko daw ito. Hindi kaya may power din ako? kasi sina lolo may powers bakit ako wala????
Hindi ko namalayan na nasa Forest na ako.Wrong move madilim siya. Babalik na sana ako ng may kumaluskos sa isang puno.
Dahil Curiosity kills the cat umakyat ako sa puno at tiningnan kung anong meron.
May lalaki akong nakita natutulog siya dito? Astig din. nakatungtong ako sa isang sanga kaya dahan dahan akong kumilos para bumaba.
"Sino ka!"
Nagulat ako ng nakita kong nakatingin sakin yung lalaki ng masama dahil sa takot ko ay napasala ang apak ko. Nabali ang sanga at mahuhulog na ako.
"AAAAAAAHHHHHH!"
Nahawakan agad nung lalaki ang kamay ko.Napatingin ako sa baba at hola! nakakalula sobrang taas pala.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito!"
"Mamaya ko na sasagutin ang tanong mo please tulungan moko.."
Maya maya pa ay nasa isang Sphere na kami at gawa sa apoy.
"aaaaaah apoy!"
Napatalon ako sa lalaki kaya karga niya ako hanggang sa makababa na kami.
Biglang nawala ang sphere at napatingin ako sa lalaki. Nasisinagan ng buwan ang kanyang Mukha. Ang gwapo niya.
"tutunawin mo ba ako ha!"
Masungit na sigaw niya."ah sorry."
"ano bang ginagawa mo sa taas! tanga kaba? pano kung nahulog ka nga talaga dun? ! Ako pa ang masisisi ! Bumalik kana sa Dorm mo Letche! kung ayaw mong gawin kitang abo!"
Natakot ako sa sinabi niya kaya agad na nagbalik ako sa kwarto ko. Gwapo na sana masungit at antipatiko nga lang..Bumalik na ako sa pagtulog ko sana bukas Ok ang lahat...
Shine's POV
Maaga ulit akong nagising at naghanda na sa pagligo. Pagkatapos kong maligo inayos ko na ang buhok at gamit ko.
Gigisingin ko na si Sky dahil baka malate kami.Lumapit ako sa kanya pero napansin ko ang kwintas niya. Nakita ko na ito pero hindi ko maalala kung saan.
"sky gising na.. sky...oyyyy"
"hmmmm"
"bilisan mo na baka malate tayo"
![](https://img.wattpad.com/cover/39843089-288-k640192.jpg)