Shine's POV
Hi my name is Shine Sightwater. My Power is Water hahaha obvious naman sa lastname ko pa lang alam na .. Hm. may extra ability din ako yun ay ang Telekinesis.
Kasalukuyan akong naglalakad ngayon papunta sa Garden na madalas kong puntahan dito sa Academy namin .
Pumupunta ako dito para mapag isa lalo na pag naiinis ako..
So ang dahilan ng pag punta ko sa Garden ay dahil NAIINIS ako ! Oo naiinis ako sa isang Lalaking nuknukan ng hangin!
Pero crush ko siya hihihi ! Kaso masyado nga lang siyang Mahangin tsk!
Nakarating ako kaagad sa Garden pero laking gulat ko ng may isang babaeng walang malay akong nakita.
"Miss? oy. miss gising..."
Ginigising ko siya pero ayaw niya magising duh! obvious ba Shine kaya nga walang malay ..
Nako baka kung anong nangyari dito kaso nakakapag taka mukha siyang taga labas ng mundong ito dahil sa pananamit niya.
Kailangan kong humingi ng tulong .
Gagamitin ko ang aking telekenesis para tawagin ang makakatulong sa amin.'Vladimir! Vladimir! naririnig mo ba ako'
'Oh? kailangan mo? miss mo na ako agad? Hahahaha'
Grabe ang hangin talaga ! Psh.
'pwede ba! wag kang mahangin seryoso to kailangan ko ng tulong'
'ano??? bakit???? anong nangyayare sayo? asan ka? pupuntahan kita.'
'andito ako sa Garden ng academy natin'
'sige. hintayin moko wag kang aalis dyan'
Napabuntong hininga na lang ako a sign of relief. Maya mayay andito na si Vladimir.
"Shine! anong nangyari? Sino yan?"
"Hindi ko alam Vlad.. nakita ko na lang siya dyan ng ganan"
"Ano bang ginagawa mo dito? hindi mo ba alam na ipinagbabawal ang pumunta dito sa garden na to shine! Dahil ito nandito ang portal kaya ipinagbabawal pumunta dito"
"Eh.... basta ! Tulungan moko dalhin natin siya sa Clinic"
Binuhat niya ang babae.
"Kumapit ka sa akin shine mag teteleport tayo para mapabilis ang pagpunta natin"
Agad akong kumapit sa kanya. Oo extra ability niya ang Teleportation.
Agad kaming nakarating sa clinic."Ms. Wilter kailangan namen ng tulong"
Si Ms. Wilter ay ang healer namin sa clinic.
"anong nangyare shine?" napatingin siya kay vladimir.
"at sino yan?"
"Ms. wilter nakita ko siya sa garden kanina"
"Garden?? hindi ba't ipinagbabawal ang pagpunta sa Garden?"
"Makulit kasi yan Ms. Wilter"
Hmp! nakakainis na Vladimir ito magsumbong daw ba naman.
"sorry po."
"palalampasin ko ito shine sana wag ng maulit"
"ah Ms. Wilter kelan kayo matatapos dyan sa pag uusap? Nangangalay na po ako"
Ay oo nga pala buhat buhat pa niya yung babae. Agad na ipinababa ni Ms. Wilter yung babae at aalamin kung ano bang nagyare dito.
"sige ako ng bahala dito. Diba't may klase pa kayo?"