Meet Ashter Bryle Aragon

9K 250 20
                                    

Hi guys I'm Ashter, isang sikat na model here in the Philippines.

Nadiscover ako sa isang event na ginaganap sa school namin ng isa sa mga organizer ng isang sikat na teen magazine dito sa pinas at simula noon ay nagdire-diretso na yung pagsikat ko.

Konting overview lang sa itsura ko if you're curious. I'm 5'4 in height (that's right, napagkaitan din ako)pero umaasa pa rin (crossed finger), with fair complexion, kissable lips, small face, korean style hair, and ano pa ba- ah tama mukha daw akong babae. Nung una na-o-offend ako syempre. Hindi ko namam kasi hinanggad maging babae at sobrang saya ko sa pagiging lalaki  ko. Pero time goes by at eto na nga okay na sakin kahit pagdamitin nila ko ng pangbabae. Pero I'll never put my gender preference in question, lalaki ako and I will always be.

"Hoy Ashter ikaw na, punta ka na dun.!" sabi ni boss slash manager ko. Dahil turn ko na para sa photoshoot.

"Sige boss papunta na!" Sigaw ko pabalik kay boss. Bumaling ako kay ate Sash. "Ate malapit na?" Pagtutukoy ko sa make-up ko.

"Oo wait lang."

Nagmadali ng ayusin ni ate ang make-up ko at pati na rin yung damit ko.

"Punta na!" Sigaw uli ni boss and this time mas nagmamadali na sya.

Agad akong tumayo at nagmadaling pumunta sa platform kung saan nakatutok yung mga camera.

"Hayy salamat dumating ka rin." Sabi ng photographer. Halata sa mukha nito ang medyo pagkaasar. Bilang para sa teen magazine ang ipo-photoshoot namin kaya marami syang kailangang picture-an.

Ini-instruct nya sakin ang kung anong mga dapat gawin. Mahihirap sya pero kaya ko naman.

Sinunod ko yung mga pinagawa nya at mukha namang tama yung ginagawa ko dahil puro perfect at great ang naririnig kong sinasabi ni kuya photographer.

Sunod na pinagawa sakin ay pinahiga ako sa sahig pero pinapalitan na yung suot ko na damit ng black fitted pants na sinamahan ng leather jacket na pinalooban ng black v-neck shirt tsaka pinalagyan din ako ng makapal na eyeliner sa mata. Nagmukha tuloy akong goth or emo look. Sinabog din nila yung buhok ko paikot sa ulo ko tapos pina kagat labi ako para daw lalong maging fierce yung dating.

Marami pang pose na pinagawa sakin at lahat naman ng yun ay nagawa ko ng tama.

Mabilis na natapos ang photoshoot kaya maaga rin kaming makaka-uwi.

"Nay paabot naman nung eyeliner oh. Ilalagay ko na po dito sa pouch." Sabi ko kay nanay Lusing, ang personal assistant ko slash nanay-nanayan na rin. Siya rin kasi yung naging babysitter ko nung baby hanggang sa ngayon, kaya nakasanayan ko na sya sa tabi ko at itinuring na ngang tunay na nanay.

"Ash eto o-"

Naputol yung sasabihin ni nanay ng pumasok yung isa sa mga staff ni boss.

"Sir Ashter, Mr.Mendez wants to inform you that the managent chose your photo to be the cover of the upcoming teen magazine." Sabi nito.

Natuwa ako sa magandang balita at nagpasalamat sa staff ni Boss.

Humarap ako kay nanay Lusing at maging siya masaya rin.

"Nay narinig mo yun!!" Sigaw ko sabay yakap kay nanay.

Sana marami na naman uling bumili ng teen magazine. Para marami na namang income. Ahahahaha

"Tara na nay. Uwi na tayo baka nandun na din sila mommy at daddy sa bahay." Pagyayaya ko kay nanay para umuwi na dahil medyo inaantok na din ako.

Pagdating sa bahay wala pa kaming nadatnan na tao dahil malamang nasa trabaho pa sila mommy at mamaya pang gabi ang dating nila.

RUN FROM A POSSESSIVE VAMPIRE!? (YAOI/BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon