Chapter 11: Lakas ng trip 2.0

1.7K 90 3
                                    


Makalipas ang ilang segundong katahimikan ay naramdaman kong unti-unting lumuluwag ang kapit ni Vonn sa katawan ko. "Oh sige na...baba kana."

Hindi pa man ako nakakasagot sa kanya ay bigla na lang nya kong binitawan dahilan para malaglag ako ng tuluyan.

Walang emosyong tingin nya ang huli kong nakita bago ko pinikit muli ang mata ko at naghanda sa pagbagsak ko sa lupa.

**********

Ash's POV

"Ahahahaha."

Oh dyos ko ano po ba 'tong naririnig ko? Tawa po ba 'to ng mga anghel? Nasa langit na po ba ko?

Hindi ko mapigilang mapayakap sa sarili ko. Pa'no kaya ko namatay? Nalusak kaya ko tulad ng iniisip ko kanina?

Kinapa ko ang buong katawan ko, specially ang mukha, kung intact pa ba ang lahat sa katawan ko. Mukhang intact naman lahat. Lalong lumakas ang tawang naririnig ko.

Papa jesus ganito po ba talaga'y tawa ng mga anghel? Bakit po parang pang demonyo? Sa impyerno po ba ko napunta hindi sa langit? Tsaka bakit parang pamilyar yung tawa?

And then it clicked on me. Hindi sa anghel o sa demonyo, pero pwede na rin, yung tawang naririnig ko. Kundi sa nag-iisang animal na syang dahilan ng pagkahulog ko, ang walangyang Vonn na'to. Pero bakit ko naririnig yung tawa nya kung patay nako at nandito na sa impyerno?

Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko. Unang tumambad sa'kin ang itsura ni Vonn na parang inaatake na sa puso sa kakatawa.

"Ahahahaha. You should've seen your face..hahaha"

"You b*tch!!" Nag-init ang mukha ko sa galit ng marealize pinagti-tripan na naman ako ni Vonn. Agad akong tumayo at inatake ang ungta. "Bwiset bwiset bwiset!!" Sigaw ko habang hinahampas-hampas sya sa katawan nya. Tatawa-tawa lang 'to at parang mas nageenjoy pa habang hinahampas ko sya. Nanggigilid na rin yung luha ko dahil sa pinaghalong takot, inis, panggigigil, at pagka-asar. Akala ko yun na eh, akala ko katapusan ko na, nangti-trip lang pala tong bwiset na'to. Natigilan lang ako sa paghampas ng sumakit na yung kamay ko.

Pero teka,  bakit nga pala hindi ako tuluyang nahulog kanina? Tumingin ako sa baba at nakita ang makapal na ulap sa ilalim namin. Nakalutang kami? Hala..nakalutang kami! Agad akong kumapit ng mahigpit kay Vonn ng marealize kong wala pa rin kami sa lupa.

Pa'no nagyari 'to, pa'nong nakalutang kami ni Vonn at hindi nalalag-lag?

Tumingin ako kay Vonn at nakitang humihingal pa rin to sa kakatawa.

"Uhmm!! Tumigil kana." Binatukan ko sya ng malakas sa ulo para magising na. "Bakit...pa'no nagyari 'to? Bakit nakalutang tayo?" Manghang tanong ko sa kanya. Hindi pa rin ako makapaniwala na nakalutang kami.

Mukhang nahimasmasan naman si Vonn sa pagbatok ko at natigil na sa pagtawa.

"Ah ito ba." Sabi nito while gesturing with his hands to our surroundings. "Sabihin nalang nating magaling ako." Maangas na sabi nito na parang isang batang nagyayabang sa ina ng makakuha ng star galing sa teacher. Isip bata talaga.

"Oh hindi ka pa ba bababa? Gusto mo lang ata talagang yumakap sa'kin eh."

Sinubukan ko muna kung safe na nga bang bumitiw sa kanya. Itinapak ko ang paa ko surface ng ulap at ng hindi ako lumubog ay agad kong itinulak si Vonn palayo sa'kin. "Sinong nagsabing gusto ko 'to? No choice lang ako oy!" Umiling iling lang sya habang naka-smirk bilang sagot.

Ay ambot sa imo dong.

Pinabayaan ko na lang ang mokong na nakatayo doon at itinuloy na lang ang paglalakad habang nagmamasid sa paligid.

Hindi ko na naman mapigilang hindi mamangha. Ilang beses na ba kong namangha simula ng dumating ako dito? Hindi ko na mabilang. Kay Vonn pa nga lang hindi nako makapaniwala eh. Andami ko pa pala talagang hindi nalalaman tungkol sa mundo, na yung mga bagay na inaakala kong simple ay may tinatago palang kakaiba, na yung mga bagay na pinaniniwalaan ko dati ay maaaring mali pala. Hay naku..sa totoo lang simula ng makilala ko 'tong Vonn nato mas gumulo na yung buhay ko, pero hindi ko rin naman maikakaila na mas sumaya rin 'to kasi totoo naman.

Sumalampak ako sa ulap at tumingin sa malaking buwan sa harapan ko.

Halos isang linggo na rin pala ko dito, isang linggo sa piling ng gwapong bampirang manyak na kidnapper na 'to.
Naalala ko tuloy yung bahay namin, yung pamilya ko, sila yaya at manong. Kamusta na kaya sila? Hinahanap pa kaya nila ko o inisip na lang nila na patay na ako? Kelan kaya ako ibabalik ng Vonn na'to?

And speaking of Vonn. Naramdaman ko na merong umupo at tumabi sa may kanan ko. "Oh nagmu-music video ka na naman eh. Ano ba'y kanta sa background mo? Hindi kita malilimutan? Bwahaha." Bumalahak 'to ng tawa sa sarili nyang joke.

"Vonn kelan mo bako ibabalik sa'min?" Agad syang natigilan ng itanong ko 'to. Sumeryoso ang mukha nya at tumitig ng matagal sa'kin.

"Ikaw...gusto mo na bang bumalik sa inyo?" Napaisip ako sa tanong nya. Gusto ko na nga bang bumalik? Kaya ko bang iwanan ang comfort dito para bumalik sa magulong mundo ng showbiz? Pero pa'no naman yung buhay ko do'n? Yung pamilya ko? Pero handa na nga ba kong bumalik? Handa na ba kong ngumiti sa harap ng kamera kahit hindi ako masaya, magtago kasi baka makuyog ako ng fans ko, at matutong maging mag-ias uli? Haaayyy...iniisip ko pa lang sumasakit na'y ulo kooo.

Siguro mananatili muna ko dito sa ngayon, magbabakasyon kung baga, at paghanda na'ko tsaka pa lang ako babalik.

"Uhhmm hindi muna siguro. Take note, muna, meaning babalik pa rin ako pero hindi pa ngayon." Ngumiti si Vonn sa sinabi ko at tumingin sa malayo. "Oh mukhang ikaw naman ata ngayon yung nagmumusic video? Haha." Natawa kaming parehas sa sinabi ko.

Biglang umihip ang malakas na hangin dahilan para mapayakap ako sa sarili ko. Naramdaman ko na umusog si Vonn palapit sakin at tinanggal ang blazer nya at ipinatong sa likod ko.

"O-oi wag na...baka ikaw naman yung lamigin." Tatanggalin ko sana yung blazer nya pero pinigilan nya ko.

"No I insist. Tsaka remember, bampira ko diba."

"Oo nga pala. But atleast..." Mas lumapit ako sa kanya at tsaka  iniakbay ang braso ko sa balikat nya nya. Mahirap sya infairness, mas mataas kasi ang mokong. Kinuha ko na lang yung matigas nyang braso at yun ang ipinatong sa balikat ko."...let's share the heat. And no buts..I insist." Hindi naman umimik ang mokong. Tumingin ako dito at nakitang nakingiti ito, ngting kontento. Hindi ko na lang pinansin yung ngiti nya. Nasasarapan rin naman din ako sa feeling.

Nanatili lang kaming naka-upo doon at tahimik na pinagmamasdan ang buwan.

Naramdaman kong unti-unting bumibigat ang mata ko dahil sa antok. Idinantay ko ang ulo ko sa balikat ni Vonn at ipinikit ang mata ko.

Mukhang mas magtatagalan pa ata ang pagstay ko dito.

----

A/n: Konnichiwa!! Musta kayo... ako eto pagod...pagod sa thesis namin..haha sana nagustuhan nyo yung update...

Vote

Comment

Be a fan.

RUN FROM A POSSESSIVE VAMPIRE!? (YAOI/BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon