Ash' POVPagpikit ko'y agad akong nilamon ng antok at mahimbing na nakatulog...panandalian.
Nagising ako sa malakas na sigaw ng isang lalaki. Sa sobrang lakas ng sigaw nito'y agad akong napabalikwas ng bangon at hinanap ang pinanggalingan nito. Akala ko ay magigising ako sa ibabaw ng ulap na tinulugan namin ni Vonn kanina, pero pagdilat ng mata ko ay ibang lugar na yung ginisingan ko. Kung kanina payapa ang tinulugan ko, ngayon iba na, ibang-iba. Puro pagsabog at pagmamakaawa ang naririnig ko sa paligid ko, pagsusumamo ng mga taong nahihirapan sa sakit at nagmamakaawa para mabuhay.
"Alis naaa!!!" Sigaw ng isang lalaki. Teka yun yung sigaw na narinig ko.
Agad akong tumayo at sinundan ang sigaw nito.
"Umalis kana! Iligtas mo'y sarili mo!!" Muling sigaw nito.
Sa di kalayuan, natanaw ko ang isang lalaking nakaluhod habang merong isa pang lalaking tinutulak mula sa pagkakayakap nito sa kanya. "Paki-usap umalis kanaaa!!" Pero hindi natinag yung lalaking nakayap sa kanya. Nanatili tong nakayap habang malakas na umiiyak.
"H-hindi...*sniff* *sniff*...kung mamamatay man tayo ngayon...gusto kong magkatabi tayong mamatay!!." Determinadong sabi ng lalaking nakayakap. Pero pilit pa rin syang itinutulak ng lalaking niyayakap nya.
"Hindi maaari..kailangan mo ng umalis...pag hindi ka umalis mamatay ka..*sniff*" Umiiyak na rin yung isa pang lalaki." Mamatay ka at yung anak natin." Puno ng pagsusumamong sabi nito. Huh..Teka anak daw? Pero diba lalaki silang dalaw? Pwede ba yun.
Lalapitan ko sana yung dalawang lalaki at magtatanong sa kung anong nagyayari sa paligid namin. Naglakad ako palapit sa kanila. Pero natigilan ako at tila naestatwa sa kinatatayuan.
"I-imposible 'to." Hindi makapaniwalang sabi ko sa sarili ko.
Sa harapan ko ngayon ay nakatayo ang eksaktong replika ni Vonn at...ako? Lalapitan ko pa sana sila pero merong tila pwersang humila sakin pababa, pababa na parang nahuhulog ako sa isang bangin.
"AHHHHHHH!!!" Napabalikwas ako ng bangon. Pagtingin ko sa paligid ko ay nasa kwarto ko na uli ako sa bahay nila Vonn.
"Ash! Ashh anong nangyari sayo." Rinig kong sabi ni Vonn mula sa gilid ko. Halata sa mukha nya ang pag-aalala. Pinunasan ko yung tumatagaktak kong pawis sa noo gamit ang braso ko.
Tinitigan kong mabuti ang mukha ni Vonn. Hindi pa rin mawala sa isipan ko yung napanaginipan ko, yung mukha ni Vonn na nababalot ng takot, lungkot at pagaalala, yung kamukha ko na ganoon rin ang nararamdaman para sa kamukha ni Vonn. Hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin yung emosyon nila para sa isa't isa.
Isa lang ang pumasok sa isip ko nung mga panahon na yun....yakapin si Vonn. Niyakap ko sya ng sobrang higpit na parang doon sa yakap na yun nakabase ang buhay nya. Hindi ko maipaliwanag pero parang hindi lang basta panaginip yung kanina. Parang ala-ala, pero imposible kasi hindi ko pa naman nakikita si Vonn until noong kidnappin nya ko.
Umalis ako sa pagkakayakap ko kay Vonn at muli syang tinitigan. Nakayuko sya at hindi umiimik. Sinipat ko ang mukha nya at natawa dahil sa nakita ko.
"Oi problema mo? Nahihiya ka ba..haha" Pang-aasar ko sa kanya. Namumula kasi yung mukha nito at kaya sya yumuko ay para itago to sakin. "Wag mong sabihing kinikilig ka?" Lalo syang namula dahil sa sinabi ko.
Tingnan mo 'to, sya tong malakas magsabi na gusto nya ko pero eto sya ngayon at namumula dahil sa yakap ko. May topak rin talaga to eh.
"Uhhmmm.." Hindi ko mapigilang manggigil sa kanya. Ang cute nya kasing mahiya eh. Sayang lang dahil walang hiya sya madalas. Ganito siguro 'to pag bagong gising.
Pero teka nga muna...bakit nga pala nandito na kami sa kwarto ko..at..bakit nandito 'tong bwisit nato at katabi ko? May atraso pa 'to sakin eh. Akala nya siguro nakalimutan ko na yun noh. Pwes ngayon expired na yung immunity nya. Matitikman na nya ang bagsik ng braso ni Wonder Women.
"Aray!! Bakit bigla kang nambabatok?" Reklamo nito matapos kong batukan.
"Akala mo siguro nakalimutan ko na yung panti-trip mo sakin kagabi noh?" Pagpapaalala ko sakanya ng kabulastugan nya. "Uhhhmmm ayan pa...ayan pa...wala kang karapatang magreklamo kasi deserve mo yang bwist ka, matapos mokong takutin ng makailang beses...pati mata mo lalatayan ko!" Nanggigigil ko syang pinagsasapok, suntok, bira at tadyak. Natigil lang ako ng mapagod nako sa pambubug-bog ko sa kanya. Pero dafak lang!...wala parin syang natamo ni galos man lang. "Uhm alis na nga bwist!" Itinulak ko sya paalis sa kama ko, na supposedly kama nya talaga pero kiber ko ba, at muling humiga at balak sanang muling matulog. Kakamot kamot naman sa ulong umalis si Vonn sa kwarto ko(nya talaga). Ipinikt ko uli ang mata ko at handa na sanang muling matulog, pero sa tuwing gagawin ko 'to ay naaalala ko yung napanaginipan ko kanina. Natatakot ako na baka kung matulog uli ako ay muli ko na namang mapanaginipan yon at maramdaman uli yung takot na parehas sa nararamdaman ng mga ibang tao rin sa panaginip na yun.
Pero bakit ko nga pala napanaginipan yon? Pa'no napasok yung mga ganoong idea sa utak ko? Tsaka bakit nandoon kami ni Vonn pero sa makalumang version lang? Haiisttt ang hiraap...bakit habang iniisip ko yun mas lalo lang akong naguguluhan.
Tumayo ako sa higaan ko at naisipan na lang mag-ayos. Ang haggard-haggard ko na siguro. Tumingin ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili ko. Muli na namang pumasok sa isipan ko yung kamukha ko sa panaginip ko. Yung mga pagkakapareha namin-- sa mata, ilong, sa height rin siguro, kasi nakaluhod sya kanina pero mukhang magkaheight kami, pati buhok namin parehas. Naalala ko rin yung sinabi ng isa pang lalaki. "Mamamatay ka at...yung anak natin." . Napatingin ako sa tyan ko at hinimas 'to. Ang weird naman nung sinabi nya. Lalaki tapos... anak? Pwede ba yun? Kung pwede nga...sa'n naman lalabas? Sa pwet? Ihhh ano yun..parang tinae lang? Siguro nga panaginip lang yon. Kasi ang imposible naman na manganak yung lalaki. Tsaka wala naman kaming matres. Haayyy...
Mukhang panaginip nga lang yon.
---
A/n: Update uli guys...
BINABASA MO ANG
RUN FROM A POSSESSIVE VAMPIRE!? (YAOI/BOYXBOY)
FantasyMaayos na sana lahat para kay Ash. Meron na syang magandang buhay, maayos na pamilya at masaganang pamumuhay. Isa rin sya sa mga tinitingalang model dito sa Pinas. With his good looks and charming personality, halos lahat ng tao nahuhulog ang loob...