Chapter 9: This is War

2.2K 107 7
                                    

"What's happening here!?" Biglang sigaw ni Vonn habang tinutulungang makatayo yung bruha.

"Huhuhu..." Iyak naman ng isa. Drama queen.😑 "Naka-upo l-lang ako dito at walang ginagawa sa kanya pero bi-gla n-nya na lang akong tinapunan ng juice...kaya gumanti lang ako at t-tinapunan din sya ng adobo."

********************

Tama ba'y pagkakarinig ko. Ako daw yung nauna?

Tumingin ng masama sa'kin si Vonn.

Oh...wag nyang sabihing naniniwala sya dyan sa bruhildang yan.

"Huh!!? Diba-" Naputol yung sasabihin ko ng biglang naghimahimatayan ang bruha.

"Cass!...cass! Shit!" Nagmadali si Vonn na alalayan si Cass.

Talaga bang naniniwala sya sa drama ng isang yan. Eh ang hina kaya ng pagkakabato ko. Tapos diba bampira yan. Ang weak naman palang bampira nyan eh. Dapat nga dun sya maawa sa baso na nabasag dahil sa tigas ng pagmumukha ng isang yan.

"Ash kumuha ka ng tubig dali!" Utos ni Vonn.

"Teka kukuha lang ako ng timba." Sabi ko at akmang papunta na sa direksyon ng banyo.

"Eh bakit ka kukuha ng timba!?"

"Para kumuha ng tubig. Tubig na ibubuhos ko dyan sa bruhildang yan para magising na. Banas! Tignan mo nga oh. Halata namang hindi yan hinimatay eh. May hinimatay bang nagagawa pang namnamin yang biceps mo." Tinignan naman ni Vonn yung braso nya at nakitang nakakapit nga yung bruhilda....at humihimas-himas pa.

Agad namang nag-gising-gisingan ang bruha ng mapansing bistado na sya. May pakurap-kurap pang nalalaman. Naku, nanggigigil talaga ko sa isang to.

"Huh?... Where am I?" Nagtataka kunong sabi nito habang patingin-tingin sa paligid.

Ano yun, hinimatay lang nagka-amnesia agad? Eh kung tuktukan ko kaya to, ng tuluyan ng makalimot.

"Psshh..luma na yan teh." Yan na lang ang nasabi ko.

Humanda ka talagang babaita ka. May araw ka rin.

Imbis na magtagal pa at manood sa drama ng dalawa. Naisipan ko na lang umakyat sa kwarto ko para pagisipan kung papano ko magagantihan ang bruhildang yon. Alam kong mali at hindi tama na gumanti  pero hindi kasi makatarungan (wow big word) yung ginawa nya. Tama ba namang baliktarin nya yung sitwasyon. Tsaka wala namang akong kasalanan sa kanya, in fact sya nga yung unang nang-agrabyado.

---

Nakalatag ngayon sa harapan ko ang iba't ibang blue prints (actually ordinary paper lang sya na may sulat ng blue na ballpen 😜) ng mga traps at pranks na ise-set up ko para sa bruhildang yon.

Kung dati si Vonn ang gumagawa ng paraan para mapaalis ang mga fiancé nya, ngayon ako na. Hindi dahil sa nagseselos ako o ano ha. Gagawin ko to para makaganti lang.

Bising-busy ako sa pagrereview ng mga blueprints ko, ng meron akong naramdamang nakatitig sakin. Pag tingin ko sa likod ko wala naman.

"Ash let's ta-"

"AY PUSANG INA! Ano ba, ba't ka ba nanggugulat!!?" Gulat na sigaw ko sabay batok dito. Buti nga. Habang nakatingin kasi ko sa likod ko at hinahanap yung pinanggagalingan ng titig, ay bigla namang nagsalita tong si Vonn sa may gilid ko. Ayan tuloy instant batok.

Ipinaling ko yung mukha ko sa gilid at itinaas ang kamay ko na nagsa-sign ng stop.

"No Vonn...no, don't talk to me and...don't touch meh." Pagiinarte ko.

"But I'm not touching you."

Ibinalik ko yung tingin ko sa kanya, at tama ngang hindi nya ko hinhawakan.

RUN FROM A POSSESSIVE VAMPIRE!? (YAOI/BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon