Chapter 8: His Fiancè!?

2.6K 109 14
                                    


"Haist. Pakana na naman to ni Papa noh?" Walang ganang sabi ni Vonn. Mukhang sanay na ang mokong ah.

"Yeah. One of them." Walang gana ring sabi ni Ate Elize. "Pero don't blame it to her ha. Napag-utusan lang din sya ni Papa." Ah, kaya pala parang wala na lang sa kanila yung usaping fiancè. Kaya pala parang ordinaryong pangyayari na lang to sa kanila, kasi lagi palang nagpapadala yung Papa nila ng mga potential na babaeng pwedeng ipares kay Vonn.

Tumingin ako kay Vonn."Huy. Ano ba'y problema mo? Parang ayaw mo pa kay ate ah. Ang ganda ganda na kaya nyan." Bulong ko kay Vonn sabay turo dun kay ateng supermodel ang dateng. " Choosy pa ang mokong." pabulong na dugtong ko pa.

"Oo nga maganda sya, pero hindi naman sya yung gusto ko eh." Tinignan ko lang sya na parang nao-oa-an.

"Naku eh sino naman yon? Malas nya ha." Pangaasar ko sa kanya.

"Ikaw."

Dug-dug dug-dug.

Uhm. Bwisit talaga.

"Bwisit. Dyan ka na nga." Tinalikuran ko sya at pumasok sa loob. Makita pa nyang naapektuhan ako sa sinabi nya. Lagi nalang.

"Hello." Rinig kong sabi ni Cassandra. Inihinto ko yung paglalakad ko, tsaka itinapat yung tenga ko sa pinto para marinig pa yung iba nyang sasabihin. "So, you must be Vonn?"

"Yeah." Emotionless at parang wala lang na reply ni Vonn.

"Hindi mo man lang ba itatanong yung pangalan ko?" Tanong uli ni Cass. Cass na lang itatawag ko sa kanya. Ang haba kasi ng Cassandra eh.

"No need. Hindi ka rin naman magtatagal eh." Hala ang sama talaga ng mokong nato. Napaka walang modo. Hindi na nya ginalang yung babae.

"Vonn!" Ate Elise exclaimed. "Show some respect naman, babae pa rin sya! Ito talaga!" Oo nga, hindi man lang nya ginalang. Go ate Elize! Ipaglaban mo ang Bataan! *say whaa?

"Tsss." Aba, at may nalalaman pa syang pa tsss-tsss ah. Wala na ba syang maisip na script kundi tsss. Mag-isip ka naman ng iba oy!

Naghihintay pa ko sa mga susunod na mangyayari ng bigla na lang bumukas yung pinto, dahilan para tumilapon ako.

"A-aray ha!" Reklamo ko habang kakamot kamot sa may pwetan ko. My poor butt.

"Shit! Sorry hindi ko sinasadya." Sus hindi daw sinasadya.

Makikipag argue pa sana ko sa kanya kaso, naisip ko na wag nalang at baka tanungin pa ni mokong kung ano yung ginagawa ko dun sa likod ng pinto.

Ipinagpatuloy ko lang yung paghimas sa pwetan ko at hindi na inalintana na nakasalampak pa rin ako sa sahig. Si Vonn naman ay merong iniisip habang nakatingin sakin. Lumapit sya at iniabot yung kamay nya.

Meron syang biglang narealize habang tinutulungan akong tumayo, and by the looks of it, hindi maganda tong iniisip ng mokong na to. Ngumisi sya na parang nang-aasar. "Nakikinig ka noh?" Ito na nga ba yung sinasabi ko eh. Kaya ayokong malaman nyang nakikinig ako kasi iisipin ng isang 'to na naku-curious ako sa kanila ni Cass, na mapupunta naman sa idea na may gusto ako sakanya. Which is wala naman pero alam kong hindi ako titigilan ng mokong hanggat hindi nya naririnig yung gusto nyang marinig.

"H-hindi noh!" Sabay takbo papuntang kwarto ko.

---

Tanghali na ng maisipan kong muling bumaba para magtanghalian. Nagkulong na kasi ako sa kwarto ko simula ng mahuli ko ni Vonn. Baka kulitin lang ako no'n kapag nakita ako. Buti nga hindi nya ko pinuntahan sa kwarto ko at doon kinulit which is nakapagtataka, kasi alam kong hahanap at hahanap ang mokong ng pagkakataon para mabwisit ako.

RUN FROM A POSSESSIVE VAMPIRE!? (YAOI/BOYXBOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon