Ashter's POVKringggg...kringgg...
What the f*ck. Sino ba tong bwisit na tumawag na to at sumira sa beauty sleep ko.
"HELLOO!!!" Padabog kong sagot sa phone ko.
"HOY...BAT SUMISIGAW KA!!!"
Sh*t. Si boss pala. Patay bat kasi sumigaw pako eh.
"Ay hehe sorry boss kaw po pala..." Pa-demure kong sagot sa kanya. "..bwisit lang po kasi 'ko boss kasi ang layo layo naman nung lugar na yun eh, kanina pa kami byahe ng byahe. >w< " Dugtong ko pa.
Kung bat naman kasi napakalayo ng lugar kung nasaan yung photoshoot ko, bat kasi kailangan pa sa dagat, at higit sa lahat, bakit kasi bike pa yung sinakyan ko.
Joke lang yung last part.
"Anung magagawa ko eh sa summer na ngayon eh. Trend na yung mga swim wear kaya yan yung kailangan mong i-model. At saka ayaw mo ba non, instant vacation." Pangungumbinsi nya.
"Haiiist, sige na nga, andito na eh. Pero boss damihan nyo po yung ipaluluto nyong pagkain ah. Gusto ko po may spaghetti, menudo, adobo, champurado, tsaka p-".
"Hoy Hoy Hoy! Ano to piyestahan? Kulang na lang magpa-lechon ka eh." Pagputol ni boss sa sasabihin ko.
"Boss yun nga sana yung last eh kung di mo lang ako pinutol. Haha" Pang aasar ko sa kanya.
"Hay bwisit ka talagang bata ka." Narinig ko namang napabuntong hininga sya. "Bawas bawasan mo nga yang katakawan mo, maswerte ka at hindi ka tumataba. Pero wag mo nang hintaying tumaba ka kundi- nako basta dalian nyo na at papunta na rin daw yung photographer dito."
"Sige po boss. Bye."
Tooot tooot
Matapos patayin ni boss yung call, balak ko na naman sanang matulog pero bigla na lang kumalabog yung sasakyan at medyo umusok yung harapan nito.
"Manong ano pong nangyayari?" Tanong ko sa driver.
"Ma'a- ay sir po pala. Parang nasiraan po ata tayo."
"Eh manong bat kasi nag drive ka pa eh may sira ka pala tsaka talagang nandamay ka pa ah."
"Ay sir hindi po ako, yung sasakyan po."
"Ay ganun po b-"
BLAAAAAG
Hindi ko pa man natatapos yung sasabihin ko ay bigla na lang kumalabog ang sasakyan at tuluyan ng tumirik sa isang gubat na hindi ko malaman kung saang parte na ng Batangas.
Tumirik yung sasakyan namin sa isang mapunong lugar na medyo mataas na parang bangin, pero kahit na ganon, hindi ko pa rin mapigilang mapahanga, kasi sa baba ng bangin ay mayroong dagat na mababaw siguro kasi natatanaw ko dito sa taas ng bangin yung mga corals at isda sa ilalim ng dagat.
"Naku ayan na nga sir, tumirik na." sabi ni manong.
"Haiiist oo nga manong eh. Tatawagan ko lang po si boss ah, para ipaalam na medyo matatagalan po tayo." sagot ko kay manong.
Tatawagan ko na sana si boss pero pag tanaw ko sa cellphone ko ay 'no service' ang nakalagay. Kaya naisipan kong magpaalam kay manong para maghanap ng signal.
"Manong baba po muna ko at maghahanap lang po ako ng signal para matawagan ko si boss." Pagpapaalam ko kay manong.
"Sige po sir, text ko na lang po kayo kapag nagawa ko na yung sasakyan." Sabi ni manong.
"Eh manong wala ngang signal diba. Pa'no moko itetext? Ipapadala mo sa ibon?" Pang-aalaska ko kay manong. I'm not being rude ha, I'm just trying to lighten the mood.
BINABASA MO ANG
RUN FROM A POSSESSIVE VAMPIRE!? (YAOI/BOYXBOY)
FantasíaMaayos na sana lahat para kay Ash. Meron na syang magandang buhay, maayos na pamilya at masaganang pamumuhay. Isa rin sya sa mga tinitingalang model dito sa Pinas. With his good looks and charming personality, halos lahat ng tao nahuhulog ang loob...