'chapter 34'-The Night 2

381 21 18
                                    




THIRD PERSON'S POV




Habang nag lalakad sila yulisis at lawrence ay nakakaramdam sila ng kakaibang kaba. Kaba na parang may panganib na parating. Isa lang ang gustong gawin ni lawrence ang protektahan si lyka. Habang palapit sila ng palapit sa school, naririnig nila ang malakas na tugtog na nag mumula sa speaker. Pati mga dibdib nila sumasabay sa kabog.



****


Mabilis na nakarating sa bahay ang mag asawang amy at rens. Nagmamadaling pumasok sa kwarto si rens at dinampot ang laptop.


"honey mag pahinga na tayo."-sabi ni amy habang humihiga sa kama.


"sandali lang honey may ginawa pa ako."


"ano ba yang ginagawa mo?"-sabi ni amy habang palapit sa asawa nya. "ano ka ba naman honey. pati ba naman yang kaibigan nyang anak mo binabackground check mo."-ganyan si rens sa anak nya. Sobrang protektado. Hindi alam ni amy na ginagawa nya talaga yun.



Hanggang ngayon natatakot pa rin si rens na baka may mga kaaway pa rin sila. Natatakot sya dahil nag iisa lang nilang anak si amy. Ang nag iisa nilang Princesa.



"honey tingnan mo."-sabi ni rens kay amy ng may pag aalala.



"iyan ba yung lawrence?"-tanong ni amy.


"yes! at ito naman yung ulisis."


"oh my god honey! ang anak natin."-maluha-luhang sabi ni amy.


"sshh. hindi nila alam na anak natin si meliaca . ok. So don't worry."-alo nya sa asawa nya.




****



Samantala, hindi naman alam ni ian kung anong gagawin nya. Kinakabahan sya dahil makikita nya si rena. At yayain nya rin sana itong maging partner, pero ganun na lamang ang pang hihina nya ng makitang may ibang kasama si rena.




****



Pagpasok nila sa venue , tinginan ang lahat ng tao kay lyka. Parang gusto naman ni lyka tumakbo palabas dahil sa tingin ng mga tao sa kanya. Pero hinawakan sya ng mahigpit sa kamay ni yulisis, na para bang sinasabi nito na. 'ok lang yan. Nandito ko.'



Habang naka upo sa isang table ang apat, tumigil ang magaslaw na kanta at napalitan ng love song. Agad namang niyaya ni Lawrence si lyka. Hindi agad nakakilos si lyka, pero hindi na hinintay ni lawrence ang sagot nito. Hinila nya agad ito sa gitna ng dance floor.



Yayain sana ni yulisis si rena pero naunahan sya ni ian. Hindi naman mapigil ang ngiti ni rena, dahil ito yung pinakahihintay nya sa lahat. Ang isayaw sya ng pinakamamahal nya. Kahit alam nyang hindi sya nito pinansin noon at ipinahiya sa harapan ng maraming tao , hindi nya pa rin mapigilang matuwa at kiligin.



Napatingin naman si lyka kay rena. sumama ang tingin nya ng makitang si ian ang kasayaw nito.



"look at me."-agad na napatingin si lyka kay lawrence at kumabog ng bongga ang dibdib nya.



" Im sorry."-parang musika sa pandinig nya ang ag hingi nito ng sorry.



Hindi nya alam kung anong sasabihin nya, dahil nahihiya sya dito. Nahihiya sya sa pag sisinungaling nya.



"I know Im such a fool, jerk whatever you want to call me. Tatanggapin ko. Nung una ang akala ko ikaw si lyka. kahit nag pakilala ka sakin as melaica, nakikita ko at nararamdaman ko na iisa lang kayong dalawa. Pero nung araw na mag kasama tayo, ikaw bilang si melaica, Nalaman ko na ang melaica at lyka na kilala ko ay mag kaiba. that's why i broke you up. Narealize ko na si lyka ang gusto ko, kahit napaka clumsy nya, napaka loud nya at kahit hindi sya nag aayos at laging nakabalot ang katawan at kahit mukha lang kita. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi sya magustuhan. Gusto kong magalit sayo, dahil pakiramdam ko pinag laruan mo ko. Pero hindi ko magawa. Hindi ko magawang magalit sayo, dahil MAHAL KITA."





"BOOM"



"BOOM"



"BOOOM"






Ang saya-saya nya dahil after mag confess sa kanya ni lawrence ay merong fireworks, pero nag tatakbuhan at nag sisigawan ang mga tao. Hindi sya makakilos. Fireworks yun diba?




"lyka."-hinihila na pala sya ni lawrence, pero hindi sya kumikilos.' Anong nangyayari?' sabi nya sa sarili nya.




"booom"-sigawan na naman ang mga tao at unahang makalabas sa entrance.




"lyka! halika na! may bomba!mamatay tayo dito."-pasigaw na sabi sa kanya ni rena.



Dun lang sya, kumilos. hinayaan nyang hilahin sya ni lawrence. Nasa tabi na rin nya si yulisis at hawak hawak ang isang nyang kamay at sa kabila naman si lawrence.




'akala ko matutulad sa mga movie yung love story ko.Yun bang pag katapos mga confess sayo ng taong mahal mo, ay merong fireworks, pero sa halip na fireworks bomba pala! leche! panira ng moment.'











Watch Your Word CLUMSY and TALKATIVE GIRL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon