'chapter 4'

1.1K 31 0
                                    

"what the f*ck lyka! aatakihin ako ng wala sa oras sayo eh!"

"hey ano ba? kasalanan mo naman eh. umalis ka dun sa may hagdan! kung di ka sana umalis dun eh di sana si ako mahuhulog!"-pumasok agad ako sa kwarto.

ayaw ko ng naninisi ng tao eh! kaya lang ayaw ko rin ng sinisisi ako na parang ako ang may kasalanan! nakakainis!

____________________________________________________________

hanggang ngayon di parin kami nag iimikan ni rena. ayaw nya kasi ako pansinin eh. kaya ayaw ko rin sya kausapin. ganyan kami mag tampuhan.. 2 years narin kaming mag kasama sa iisang bahay . Oo nga pala nakalimutan kong sabihin sa inyo na second year college na ko. im taking up Bachelor of Science in Education Major in Filipino. kaya wag kayong umasa na magaling ako mag english , kaya ko nga kinuha ang course na to eh dahil dumudugo ilong ko sa english.

ano bang problema ng mga estudyanteng to? kailangan ba pag dadaan ako lagi .. lagi na lang silang tatabi sa daan.. at yung ibang malapit sa room nila eh mag sisipasukan sa loob ng room. anong akala nila sakin? mamatay tao? duh?

tsss.. dapat sanay na ko sa ganyan eh! simula ng mag aral ako dito lagi silang ganyan.. kapag dadaan ako tatago sila or tatabi sa dadaanan ko. bakit? ano ba itsura ko? well. naka cap lang naman ako lagi, naka jacket na black at ang kamay laging nasa bulsa , at naka high sucks. maiksi lang palda namin at halos walang makitang balat sakin dahil nga balot na balot ako. sa tingin nyo? ano bang meron sa damit ko? wala naman di ba? di naman nakakatakot ang itsura ko.

"hoy bilisan nyo. andyan na sya."

kahit di ako nakatingin kitang kita ko yung kumpulan ng mga babae na pumasok sa room nila. at bumulong pa sila ha. akala naman nila di ko rinig. palagay nila sakin? bingi?

at dahil nga di kami nag iimikan ni rena  di pa rin ako kumakain.. kaya naisip kong pumunta na lang ng canteen. malapit na ako sa counter ng biglang umikot ang isang babae na may dalang pagkain.

"WHAT THE?"-ikaw ba naman matapunan ng juice at minudo sa damit mo? ano magiging reaction mo? matutuwa ka ba? duh?

"so-sorry po. di ko po sinasadya."-nakatungo pa syang humihingi ng paumanhin. kinuha nya yung scarf nya at pinunasan yung ulam na natapon sa damit ko ng hawakan ko yung kamay nya.

"ahhhh... wa-wag po... promise po di ko na po uulitin"-nagulat ako sa reaction nya ng bigla nyang hilahin ang kamay nya at umupo pa sya na parang bubugbugin ko..

pagtingin ko sa paligid ko lahat ng tao sa canteen nakatingin samin. especially sakin. parang hinihintay nila kung ano ang susunod na gagawin ko.

dahan-dahan kong inalis yung isang kamay ko dun sa bulsa ko ng-

"wa-wag po-po."- at lalo nya pang tinakpan ang mukha nya at dahan dahan din syang umaatras kahit na nakaupo sya. ano bang iniisip nyang gagawin ko?

parang gusto kong umiyak sa reaction nya. ganun na ba talaga ako nakakatakot? dahan-dahan akong lumapit sa kanya. at habang palapit ako paatras naman sya ng paatras.

"hey!"-umupo rin ako para maging mag ka pantay kami.

"oh!"-nagulat sya sa ibinigay ko.

"a-ano po yan?"-duh? eh di pera. gustong gusto ko sanang sabihin sa kanya kaya lang baka matakot na naman sakin.

"bumili ka na lang ulit ng pagkain mo."-kinuha ko ang nanginginig nyang kamay at inilagay ko dun ang pera at pagkatapos tumayo na ako.

para namang nakahinga ng maluwag ang mga taong nakatingin samin sakin pala dahil sa ginawa ko.. naiisip kong umalis na lang dahil pakiramdam ko hindi ako tatntanan ng tingin ng mga tao dito at di rin ako makakakain ng maayos ng mahagip ng paningin ko ang isang tao.

dali-dali akong umalis ng canteen ng makita kong nakatingin din sya sakin.

Watch Your Word CLUMSY and TALKATIVE GIRL!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon